Chapter IX

99 3 0
                                    

     “Anna naman eh! Akala ko ba friend kita! Bakit mo ginawa yun? Alam mo namang ayaw na ayaw kong makita si Kian!” naiinis na sabi ni Charlize sa kaibigan.

     “Teka lang! hindi mo naman sinabi sa akin na ayaw mo makita si Kian ahh! So tama ang hinala ko dati nung magkausap tayo sa phone? Na may PINAGTATAGUAN ka, at si Kian yun! Tell me friend bakit ayaw mo makita si Kian?”

     “Ayaw ko lang sa kanya! Noon pa naman mainit na ang dugo ko sa taong yun” pagkakaila niya.

     “Friend wag mo na ko lokohin ok? Alam ko nagkaayos na kayo bago pa matapos ang tutorial session niyo. Kaya nga kami nagtataka kung bakit hindi na naman kayo nagpapansinan after the prom at mainit na naman ang dugo mo sa kanya”

     “I just don’t like the man! Ok? Stop setting me up to him kasi magagalit na talaga ako sayo!” pagbabanta pa niya. Wala nang nagawa si Anna kaya nanahimik nalang siya.

___

Napagpasyahan ni Charlize na gumala sa mall nang araw na yun. Bored na kasi siya na sa bahay lang palagi. Kasalukuyan siyang naghahanap ng damit ng biglang may lumapit sa kanya.

     “Eto siguradong bagay sayo!” nakangiti nitong sabi.

     “Ikaw?! Anong ginagawa mo dito. Sinusundan mo ba ako ha?” mataray niyang sabi ng makitang si Kian ang nag abot ng damit sa kanya.

     “O-oh.. Seems Ms. Mataray is back?” todo ngiti parin ito “sige na try mo na to”

     “Ayoko nga! Umalis ka na nga! Istorbo ka eh” pagtataray parin niya.

     “Ayaw mo bang may kasamang pogi? Haha”

     “Pogi yourself! Duuhh!! Wala ka paring pinagbago Kian Patrick Villanueva. Sagad parin ang kayabangan mo!”

     ”Ang cute mo talaga pag nagagalit” sabi nito at pinisil pa ang pisngi niya.    

     “Ano ba!” sabay tabig sa kamay nito “wag kang feeling close pwede ba! Alis diyan” mabilis siyang lumakad papunta sa kabilang rack ng mga damit para makalayo na dito.

     “Feel mo naman eh! Pa as if ka pa!” sabi nito na bigla ulit sumulpot at kumindat pa.

     “Pwede ba Kian! Tigilan mo na ako! Hindi na tayo High School kaya hindi mo na ako madadaan sa pa cute cute mo na yan!”

     “So nadaan kita dati dito?” sabay kindat.

     “Ano ba talagang kailangan mo sakin ha? Tigilan mo na ako!” naiinis na talaga siya kay Kian.

     “Seryoso, gusto ko magkausap tayo ng masinsinan. Gusto ko malaman kung bakit hate mo na ulit ako. Please charlize..kahit 30 minutes lang”

     “Talk to yourself! Wala na tayong dapat pag usapan pa!”

     “Ano ba gusto mong gawin ko ha?”

     “LEAVE ME ALONE!”

____

Imbes na umuwi na, napagdesisyonan ni Charlize na dumaan muna sa café. Masyado siyang na stress sa engkwentro nila ni Kian kanina. Stress reliever talaga niya ang masarap na kape.

     “Good afternoon po ma’am” magalang na bati ng crew na sumalubong sa kanya.

     “Good afternoon too Cathy” nakangiting bati din niya “please bring me a cup of cappuccino and a slice of cheese cake” sabi pa niya at tumuloy na. Alam na ng mga crew sa café kung saan siya palaging pumopwesto.

Secret Love (Kathniel FanFic) **FINISHED**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon