Sheena's pov
"Bakit 'di ninyo sinabing kasama siya?" tanong sa amin ni Sean ng umalis sina Caleb upang umorder ng aming kakainin.
Alam kasi nilang ayaw namin sa mga restaurant kaya dito namin napiling kumain sa foodcourt, sa second floor ng mall na pinuntahan namin. Bukod sa dukha kaming tatlo, hindi rin namin feel ang makihalubilo sa mga mayayamang nilalang na tulad nilang apat.
"Hindi ka naman kasi sasama kung sinabi namin sa'yo." kibit-balikat namang sagot ni Jade.
Napabuntong-hininga nalang si Sean at kagat-labing tumingin sa apat na lalaking um-o-order ng pagkain.
Nasa isang rectangular-shape na lamesa at may mahabang dalawang upuan sa magkabilang side, kami nakaupo.
Napapagitnaan ako ni Sean at Jade sa isang upuan, habang ang katapat naming upuan ang uupuan ng boys.
"At saka magtataka na sila kung iiwas kana naman at 'di sasama sa lakad namin na kasama siya, Sese." saad pang muli ni Jade.
Sumang-ayon naman ako na sinang-ayunan din ni Sean sa huli.
Hay! Kawawa naman 'tong bestfriend namin. Ang saklap ng lablayp.
Paano ba naman kasi, in-love siya sa bestfriend niya na taken na. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon ni Sean eh. Kaya 'di rin namin siya masisisi kung iniiwasan man niya si Caiden. Siguro way narin niya 'yon para makapag-move on.
Suntok naman kasi sa buwan 'yung lovestory na pinapangarap niya. Kasi 'yong prince charming niya, may prinsesa na. Awtsu lang!
Babaero kasi dati 'yang si Caiden eh. Hindi man siya nag-t-two time, maya't maya naman ang palit ng jowa. Nagbago lang ng makilala daw niya si Louise, na girlfriend niya ngayon.
Mismong ang kapatid, bestfriend at pinsan na niya ang nagsabi na malaki ang pinagbago ni Caiden simula ng maging sila ni Louise, kaya alam naming lahat na pag-dating ng tamang panahon, sa simbahan na ang tuloy nila. Kaya ang bestfriend naming si Sean, wala talagang pag-asa.
Well, alam naman ni Sean 'yon, kaya nga pinipilit niyang burahin ang nararamdaman niya kay Caiden. Nang sa ganon, ay maging masaya siya para sa kaibigan at para narin hindi magbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Since kami lang tatlo ang nakakaalam ng totoong damdamin ni Sean para kay Caiden, hindi pa naman nagiging komplikado ang sitwasyon. Pero alam naman namin na darating at darating ang panahon na kailangan niyang sabihin kay Caiden ang nararamdaman niya.
"Sese, ano'ng tingin mo kay Caleb?" biglang tanong ni Jade kay Sean na ikinalingon naming dalawa sa kaniya.
"Paanong tingin, Jade?" naguguluhan namang balik-tanong nito sa kaniya.
"Ang ibig kong sabihin, kung na-g-gwapuhan ka ba sa kaniya? Or na-aattract, ganun." nakangising saad naman ni Jade habang nagtataas baba pa ang kilay nito.
Bumaling naman siya ng tingin kay Caleb at tinitigan ito.
"Oo. Gwapo naman kasi talaga si Caleb." saad ni Sean.
Nanatiling nakatitig lamang siya kay Caleb na nakatalikod sa amin, nang muling magtanong si Jade.
"Eh, sa personality? Anong masasabi mo sa kaniya?"
"Mabait." sagot naman ni Sean.
"Tapos?" muling tanong nito.
"Gentleman." saad namang muli ni Sean.
BINABASA MO ANG
Until I call you mine
RomanceKadalasan, kapag opposite sex ang mag-bestfriend nauuwi ito sa one-sided love, kasi laging may isang nahuhulog. Mahirap sumugal sa isang walang kasiguraduhang pag-ibig kung ang nakataya ay ang matibay na pundasyon ng inyong pagkakaibigan na matag...