Third person's pov
"Maayos naman. Nasira lang nang dumating ka." walang ganang sagot ni September sa babaeng nagsalita sa tabi niya na ikinabura ng ngiti ng huli.
Nanatiling sa pagkain nakatutok ang atensyon ni September at patuloy na kumakain. Habang ang mga kasama naman niya ay walang imik na nakamasid lamang sa kaniya at sa dalawang taong nakatayo sa harap nila.
Humalikipkip naman ang babaeng nakatayo, habang nakaharap, sa tabi niya.
"Ikaw... " tanong ni September dito. Humalukipkip din ito ng ibaba ang kubyertos na hawak, tanda na tapos na itong kumain.
Magsasalita sana ito ngunit ipinagpatuloy niya ang sinasabi ng may nakaukit na ngisi sa kaniyang labi.
"... bitter parin?" dugtong niya na ikina-gusot ng mukha nito.
Pinakalma naman nito ang sarili at muling ngumisi.
"Really? How come? Hindi mo dapat sa akin sinasabi 'yan kun'di---" hindi naman nito natapos ang sasabihin dahil pinigilan siya ng kasama at hinawakan sa braso.
"Stop it, Rachelle." may pagbabantang saad nito sa babae.
Pilit naman itong kumawala sa hawak ng kasama.
"What?! Let me go! Ano ba, Cris! Kakampihan mo na naman sila? Ipagtatanggol mo na naman? Ako ang asawa mo, for pete's sake!" saad nito sa asawa na may diin sa bawat salitang binibitiwan, habang pilit na kumakawala dito.
"Wala akong kinakampihan at mas lalong hindi ko sila ipinagtatanggol. Umalis na tayo. Lets go." saad nito sa asawa ngunit hindi naman ito nagpatinag at nanatiling nakatayo doon habang pilit na kumakawala dito.
"Let me go! Kung hindi mo sila ipinagtatanggol, bakit ganyan ka na lang kung umasta? Siya parin ba, Cris?" naghihinanakit na sumbat nito sa asawa.
Napabuntong-hininga naman ito at pilit na pinakalma ang sarili bago pa niya ito mapagtaasan ng boses.
"Umalis na tayo. Huwag kang mag-eskandalo dito." mahinahon ngunit may diing saad nito.
Hindi naman siya makapaniwala sa mga katagang lumabas mula sa bibig ng asawa. Lagi namang ganoon. Laging siya ang lumalabas na nag-eeskandalo at nang-eeskandalo. Nagmahal lang naman siya, pero bakit parang napakalaking kasalanan na ang nagawa niya?
"No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin. Ayoko nang maging talunan pagdating sa'yo." mariing sagot nito sa asawa.
Bumaling ito ng tingin kay September na nakaupo lang at walang ganang nakikinig sa usapan nilang mag-asawa.
Wala siyang pakiaalam kahit pa pinagtitinginan na sila ng mga tao. Kahit pa sabihan siya nang eskandalosa at palengkera. Ang mahalaga sa kaniya ay mailabas ang lahat ng sama ng loob para sa pamilya ng babaeng nasa harap niya ngayon.
"Gusto kong iparating mo ito sa kapatid mong desperada--- "
"Bakit hindi ka humarap sa salamin at ikaw mismo ang magsabi niyan sa sarili mo?" pagpuputol ni September sa sinasabi nito habang hawak ng mahigpit ang kamay ng katabing si Sheena na tatayo sana upang ipagtanggol siya, ngunit pinigilan lang niya.
Pilit na lamang nitong itinago ang inis at nag-aalalang tumingin sa kaniya.
Ganoon rin ang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga lalaking kasama na naguguluhan sa mga nangyayari. Maging si Jade ay nanatiling tahimik lamang na nakamasid. Kapag ganito si September ay hinahayaan na lamang nila.
BINABASA MO ANG
Until I call you mine
RomanceKadalasan, kapag opposite sex ang mag-bestfriend nauuwi ito sa one-sided love, kasi laging may isang nahuhulog. Mahirap sumugal sa isang walang kasiguraduhang pag-ibig kung ang nakataya ay ang matibay na pundasyon ng inyong pagkakaibigan na matag...