chapter1

476 10 2
                                    

HINDI po ako writer  at first time ko po magsulat ^_^ sana po magustuhan niyo yong story,,short story lang po ito sorry din po sa mga wrong grammars :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Best samahan mo na  ako mamaya ,please" pamimilit sakin  ng  bestfriend kong si  Dyosa

"May gagawin ako mamaya  eh,"

"Cge na kasi  Best"   grabeh ang kulit din talaga nitong babaeng to kung di ko lang talaga to bEstfriend eh

"San ka na naman ba  kasi pupunta?

"makikipag date" nakangiti pa niyang sabi

"NANAMAN??!! " Best nakipag date kana kagabi  ah! Di ka ba nagsasawa sa mukha ng boyfriend mo?"

Bestfriend ko ba talaga  tong babaeng to?Magkaiba kasi kami ng ugali lalo na when it comes to relationship.Palagi nalang siya nakikipagdate sa ibat ibang lalaki at worst gusto niya pa na lagi akong kasama pag nakikipagdate siya

Well ako nga pala  si   Zac Figueroa (read as fe-gwe-rowa)   2nd year college  na ako sa kursong Business Administration  at kaklase ko ang bestfriend kong si Dyosa Hamilton Mag bestfriend na kami since grade school at di na ata kami mapag hiwalay, minsan nga nakakapagkamalan  na rin kaming may relasyon  dahil sa lagi na lang kami magkasama.

"Best, iba   yong kagabi at yong ka date ko mamaya"

"Ano? Sino na naman yang ka date mo best?"

"Bago kong boyfriend"

Grabeh talaga tong babaeng to  daig pa ang lalaki ,kung makapagpalit ng boyfriend parang nag papalit lang ng damitSa dami ng naging biyfriend niya di ko na maalala kung ilan lahat

"Bagong boyfriend na naman best? pang ilan mo na ba y an?"

"Ewan ko, di ko na maalala"  sagot niya with matching di ko alam face

"Grabe ka  best, daig mo pa ang lalaki kung makapagpalit ka ng boyfriend"

"Bakit best, lalaki ba ang hinahanap ng mga lalaki ngayon? HAHA"  "Aray best bakit mo ako binatukan?" sabay himas sa ulo niya na binatukan ko

"Puro ka kalokohan eh,"

"Best naman para ka namang just now eh, ! alam mo sa pangalan ko pa lang Dyosa,, eh sa Dyosa ako ng kagandahan , kasalanan ko ba kung maraming magkagusto at manligaw sa akin?"

Binatukan ko ulit siya umaandar na namn kasi yong kahanginan niya. Pero maganda naman talaga ang bestfriend ko.  Half American kasi siya at one of a kind yong beauty niya. Kaya marami talaga ang nagkakagusto sa kanya at ang dami ding naiingit sa akin kasi  ako lang yong laging niyang kasama .Syempre ako kaya yong bestfriend niya.

"Aray best,namumuro ka na ata sa kababatok sa akin ha! Masakit kaya"

"Ewan ko sayo, umaandar na namn yang kayabangan mo,  kailan kaba kasi magseseryoso Best?"

Natahimik ata siya bigla may nasabi ba akong mali o dahil sa batok ko sa kanya.

"Hoi Best! Natahimik ka dyan"

"Ha? Ano nga yong tanong mo?"

"Lumilipad na namn yang utak mo .Ang sabi ko kailangan ka ba mag seseryoso  sa isang relasyon? Di ka ba  nagsasawa na papalit palit ka ng boyfriend, tinagurian ka na ngang dakilang playgirl eh"

Nakatingin lang siya sa a kin na seryoso ang mukha at  pahapyaw na ngumiti.Nakita ko sa mga mata niya yong kalungkutan at  parang  may inaasam, di ko lang matukoy kong ano.

"Pag minahal mo na ako best"

"Yan na naman yang biro mo best eh" tinawanan ko lang siya, lagi na lang kasi ganyan yong sagot niya pag tinatanong ko siya kung kailan siya magseseryoso.Minsan di ko rin maiwasang isipin na baka seryoso nga siya pero  alam ko namang nag bibiro lang  talaga siya.

"HAHA !Di kana nasanay sa akin best"

"Puro ka namn biro. Break na ba kayo ng boyfriend mo ? I mean yong boyfriend mo na ka date mo kagabi?"

"Ang dami mo namang tanong best eh, samahan mo na lang kasi ako mamaya"

"mAy lakad kami ni Lani    best" sabi ko sa kanya at yong mukha niya  bigla nalang  sumimangot .Di ko talaga siya maintindihan pag binabanggit ko ang pangalan ng girlfriend kong si Lani lagi nalang siya ganyanAyaw niya daw kasi kay Lani bilang girlfriend ko minsan na nga rin kaming nag talo ng dahil diyan.

"Sige na kasi best,  pleeaasee "   at nakapoot pan siya

"May lakad nga kasi kami best, next time na lang total lagi mo na namn akong kasama sa mga date mo eh", tanggi ko sa kanya  ,grabeh kasi ang kulit ng babaeng to

"Last na to best, promise"

"Ilang  beses mo na kaya yang sinabi best, pero hanngang ngayon wala pa ring last na nagyayari"

"Best naman eh, promise talaga it will be the last.Sige na sumama ka na"

"Ba't ba kasi kailangan mo pa akong isama best? Date mo naman yan eh"

"Eh, diba bestfriend kita. Gusto ko makilala mo rin yong ka date ko  at  para malaman mo kong mabuti ba yong ugali niya"

"Bakit pa  Best?Useless lang rin naman eh di ka namn kasi  nakikinig sa akin pag may napansin akong mali sa kanila"

Di ko talaga maintindihan tong babaeng to, pinapasama niya   ako sa mga date niya para daw kilalanin yong boyfriend niya pero pag may sinabi ako sa kanya tungkol sa napansin kong mali sa boyfriend niya di naman nakikinig bagkus mas lalo pa tuloy siyang dumidikit don.

"Basta best,  samahan mo na ako  pleeasee"

"Puro ka basta eh"

"Sige na kasi, total last na naman to "

" OO na sasama"

"Yehey ! Thank you best "  parang bata  naman tong si Dyosa tumalon talon pa talaga at yinakap niya ako bigla. Ibang klase din  talaga ang convincing power ng babaeng to, kung di ko lang talaga to bestfriend nuncang sasama ako.

"I Love You best"  sabi niya sa akin

"Tss.. Binobola mo na naman ako"

"Ano ba yan best, wala man lang response?"  At may pa tampo tampo pang nalalaman ang babaeng to.Nakasimangot pa pero ang cute niya tingnan.

"Wag ka na nga magtampo best, pumapangit ka eh at alam mo namang mahal din kita eh"  n akangiti kong sabi sa kanya sabay  kurot sa mukha niya.

"Ang corny  mo Zac Fegueroa "nakatawa niyang sabi

"Corny ka dyan"   at kiniliti ko siya.Para tuloy kaming bata na naglalaro but i really en joy being with her di ko alam pero iba talaga   yong saya na nararamdaman ko pag siya ang kasama ko.

Playgirl with One LOve(complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon