Tapos na yong klase namin kaya ngayon pupuntahan ko ang girlfriend ko, di pa kasi kami nag kikita this day at ang bestfriend ko naman di pumasok sa last subject namin.Gumala na naman siguro yon, dalawa lang naman kasi ang hilig ng babaeng yon ang gumala at makipag date.
Pagdating ko sa room nina Lani ay di ko siya makita.
"San kaya nag punta yon, di man lang ng txt"
"Ah, miss excuse me, nakita mo ba si Lani?" tanong ko sa classmate niya
"Pumunta siya ng Rooftop eh, umiiyak pa nga yon"
"Alam mo ba kung bakit siya umiiyak?"
"Hindi eh, puntahan mo na lang siya"
"Ah , cge salamat miss"
Pumunta na ako kaagad sa rooftop, nag aalala kasi ako kay Lani, wala naman kasi siyang sinabi sa akin at pagdating ko ay agad ko siyang nakita, nakayuko at umiiyak.
"Babe??" tawag ko sa kanya pero di siya sumagot
"Babe, bat ka umiiyak? Is there something wrong, may problema ka ba?"
Nilapitan ko siya at "PAK!" bigla niya akong sinampal.
"Bakit Zac? Bakit mo ako niloko?" she said while crying
"Ha? WHat do you mean babe, di kitamaintindihan."
"WAg kana mag maang-maangan pa ZAc dahil sinabi na sa akin ng bestfriend mo yong totoo."
"Ha? ANo ba bang sinasabi mo babe?Di talaga kita maintindihan at bakit nadamay si Dyosa?"
Ano ba ang pinagsasabi ni Lani, di ko talaga siya maintindihan at ano ang sinabi sa kanya ni Dyosa, wala namang nabanggit sa akin ang bestfriend ko at kailan pa sila ag-usap.
"Angkapal mo rin Zac! Minahal naman kita ah, pero niloloko mo lang pala ako."
"Ano bang niloloko ang pinagsasabi mo? Paano mangyayari yon ,ikaw lang naman ang girlfriend ko at alam mo naman na mahal kita diba!"
"Yon din ang akala ko Zac, akala ko mahal mo ako pero hindi naman pala."
"Pwede ba babe, ipaliwanag mo nga sa akin.Di kita maintindihan at isa pa wala akong alam sa mga pinagsasabi mo."
"Wag kana magknwari Zac dahil alam ko na ang totoo, bat di mo nalang kasi aminin ha?"
"Pwede ba Lani, diritsahin mo na ako dahil di talaga kita maintindihan",naiinis na talaga ako ano ba kasi ang ibig niya sabihin.
"Kyo na ni Dyosa diba?? Girlfriendmo na ang bestfriend mo! Kailan mo pa ako niloloko Zac, kailan pa??"
Di ako makapaniwala sa narinig ko, paano ko magiging girlfriend si Dyosa eh mag bestfriend lang naman kami.
"Ano? Si Dyosa girlfriend ko? Saanmo naman nakuha ang kwentong yan?"
"Stop denying Zac dahil si Dyosa na mismo ang nagsabi sa akin. Alam mo bang pinahiya niya ako!Pinahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan ko Zac. Ang sakit Zac dahil pinamukha iya sa akin na niloloko mo lang ako at siya talaga yong mahal mo. Ang sakit Zac, ang sakit-sakit, kaya
pala ganun ka na lang kung makapag alala sa kanya."
Di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Lani.Bakit naman sasabihin ni Dyosa yon, alam naman niyang mahal ko ang girlfriend ko.
"Babe, maniwala ka di ko talaga alam kung bakit sinabi ni Dyosa yon pero hindi ko siya girlfriend at lalong hindi kita niloko."
"Di ko alam kung maniniwala pa ako sayo Zac, sobrang sakit ng ginawa mo." umiiyak pa rin niyang sabi