---------------
Dalawang linggo na rin ng huling makipag date si Dyosa. Himala nga eh , tinotoo na niya yong sinbi niya na last na daw yong date niya kay Jeff. Mabuti nga to eh, kahit kasi kinokonsinte ko siya di ko pa rin maiwasang mainis pag nakikipag date siya at nakikita ko rin naman na masaya siya.
"Babe?"
tawag sakin ni Lani ang girlfriend ko andito kasi kami ngayon sa canteen.
"Hmmm.."
"Third monthsary na natin bukas di ba tayo mag cecelebrate ?"
"Syempre naman babe, mag cecelebrate tayo, san mo ba gusto pumunta?"
"Ok lang ba kung sa mall nalang tayo? Manood lang tayo ng sine at gala na rin"
"Sige babe, walang problema" sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya
"Sunduin mo na lang ako sa bahay babe"
"Sure, by 1 pm nasa inyo na ako"
"Thank you babe ^_^ I love you so much" at hinalikan ako ni Lani sa labi.
Actually si Lani ang first girlfriend ko, tinitingnan ko lang siya sa campus dati pero di ko akalain na makikipaglapit siya sa akin.At yon nagkagusto ako sa kanya kaya sinubukan kong ligawan at laking tuwa ko ng sagutin niya ako pero yon nga lang ayaw sa kanya ng bestfriend ko.
"I love you too babe", nakangiti kong sabi sa kanya
Masaya naman ako pag kasama ko si Lani pero parang may kulang pa din di ko lang alam kong ano, iba kasi pag si Dyosa yong kasama ko, parang wala akong problema siguro dahil na rin sa lagi kaming magkasama at masaya siyang kasama.
"Babe, hatid mo na ako sa building namin"
Di kasi kami parho ng course ni Lani kaya mag ka iba yong building namin.
"Sure babe," sabi ko sa kanya at naglakad na kami HHWW . Pagdating namin sa room nila ay sinalubong siya ng 2 niyang kaibigan na nakangiti." What's with th smile, iba yong dating ng ngiti ng kaibigan ni Lani parang may something. Nagpaala nalang ako sa kanya at pumunta na ako sa room namin.
Nakita ko si Dyosa na nakapikit at sigurado akong tulog ito may suot kasi na headset at ang ganda talaga niya, yong mukha niya kasi parang anghel lalo na pag tulog.
"Hoi! best" tawag ko sa kanya
"ohh! andito ka na pala best" nakangit nyang sabi ang ganda niya talaga pag masdan
"Tulog ka na man, anong ginawa mo kagabi at puyat ka?"
"Wala naman tsaka para ka namng just now best"
"Sabagay, lagi ka nga namang inaantok" sabi ko sa kanya at mukhang matutulog na naman ang babaeng to
"Best ,wag ka na matulog parating na yong proof natin tsaka may itatanong ako"
"Anoba yon ?"
"Anong magandang e regalo?"
"hmmm.. bakit best? bibigyan mo ako ng regalo?" nakangiti niyang sabi
"HAHA! Asa ka naman best, monthsary kasi namin ni Lani bukas ,bibigyan ko sana siya ng gift" sabi ko sa kanya at yong mukha niya bigla na lang sumimangot.
"Best?? Ano na ? may naisip ka ba na magandang e regalo?"
"Kandila e regalo mo sa girlfriend mo"
"Kandila?? bakit yon tsaka para san namn yon?"
"Tinatanong mo ako kung ano maganda e regalo ,eh sa kandila na isip ko eh"
Ano ba problema ng babaeng to , umiinit na naman yong ulo.