7:30 pm na at andito na kami sa restaurant kung saan naghihintay yong ka date nni Dyosa. Late na nga siya ng 30 minutes , 7 kasi yong usapan nila
"30 minutes ka ng late best"
"I know" nakangiti pa siya" sinadya ko naman talagang mag pa late eh, para malaman ko kong seryoso ba talaga siya sa akin at kung kaya niya ba akong hintayin"
Grabeh din tong bestfriend ko may pa seryoso-seryoso pang nalalaman samantalang siya nga tong di marunong mag seryoso
"Tss ewan ko sayo Best"
Pumasok na kami sa loob ng restaurant at hila-hila niya yong kamay ko pinag titinginan na tuloy kami ng ibang tao. Nakakahiy tuloy at ang bestfriend ko wala man lang sa kanya may pa kimbot kimbot pang nalalaman. Lumapit kami sa isang table at nakaupo na yong lalaking ka date ni Dyosa , mukhang naiinip na ,kasi panay na ang tingin sa relo nito. Ng makita niya si Dyosa ngumiti agad siya pero bigla ding napawi ng makita niya yong kamay ko na hawak-hawak ng bestfriend ko kaya hinila ko bigla yong kamay ko.
"Jeff, sorry kung late ako, trafic kasi eh"
Hinging paumanhin ni Dyosa sa Boyfriend niyang Jeff pala ang pangalan. Gwapo siya pero mas gwapo pa ako ^_^ at wala akong tiwala sa itsura niya, isang tingin pa lang kasi masasabi mong playboy na.
"Ito nga pala ang bestfriend ko Jeff si Zac " at Zac si Jeff boyfriend ko" pagpapakilala sa amin ni Dyosa.At nakipagkamay ako kay Jeff.
"Nice to meet you Zac, umupo na kayo"
Umupo na kami at tinawag ni Jeff yong waiter para mag order, habang hinihintay namin yong order namin ay nag kwentohan na muna kami.
"So, matagal na ba kayong mag bestfriend ni Dyosa Zac?"
"OO, since grade school mag bestfriend na kami" sagot ko sa kanya at tumango tango lang siya.
"Ikaw Jeff m ay bestfriend ka rin ba?" tanong ni Dyosa
"OO, pero lalaki yong bestfriend ko"
"Ah, ganun ba"
"yup ^_^ ! ikaw Dyosa may bestfriend ka bang babae ?"
Ano na naman tong dalawang to, mag boyfriend ba talaga sila ?wala man lang alam sa isat'isa.
"Wala eh! si Zac lang yong nag-iisa kong bestfriend" sabay tingin sa akin ni Dyosa na nakangiti."Siya lang yong lagi kong kasama, bakit mo natanong Jeff?"
"Wala namn.Pero may mga kaibigan ka ring mga babae? I mean ka close?"
"Meron namn but hindi kami close, si Zac lang kasi yong nag-iisang tao na ka close ko bukod kasi sa mag bestfriend kami ay napakahalaga niya sa akin."
"Bkit naman? I mean ayaw mo bang makipag kaibigan sa iba, sa kapwa mo babae?
"Hindi naman sa ayaw ko, pero kontento na ako kay Zac eh, He's everything I need"
"Everything you need?"
"Ahm, what I mean is you know, he's my bestfriend, a brother and the such.."
Ano ba tong pinagsasabi ni Dyosa, ako tong naiilang eh. Dapat ba ako yong laging bukambibig at sa harap pa ng boyfriend niya. Manhid ata tong bestfriend ko eh, obvious naman na naiirita na si Jeff sa kababangit niya ng pangalan ko, ang sama tuloy ng tingin ni Jeff sa akin parang kakainin na ako ng buhay.
"Ah! Ganun ba!" walang ganang sabi ni Jeff
Buti na lang dumating na yong order naman kaya kumain na muna kami.Akala ko matitigil na ang pagkwekwetuhan nila pero di pala, napakadaldal kasi nitong si Dyosa eh.Di nalang ako sumabat sa kanila pero gusto ko na talagang batukan tong bstfriend ko eh. Ako na namn kasi yng topic at bukambibig niya.Iniiba na nga ni Jeff yong usapan pero tong si Dyosa binabalik pa rin sa akin.