Mahigit dalawang linggo na mula nOng confrontation namin ni Dyosa. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung sino dapat kong paniwalaan. Tama rin naman kasi si Dyosa eh, di ko pa naman talaga lubusang kilala si Lani pero bakit rin naman magsisinungaling si Lani sa akin. Kinausap ko si Lani noong isang araw at sinabi ko sa kanya lahat ng sinabi ni Dyosa sa akin but she just said that Dyosa's just making story dahil nga ayaw daw niya si Lani para sa akin. And between Lani and me, di na kami nagkabalikan. Sinubukan kung makipag-balikan sa kanya but mag-iisip pa daw siya at ok lang naman sa akin. I don't know why but diko iniisip ang tungkol sa amin dahil ang mas gusto kong mangyari ngayon ay magkaayos kami ng bestfriend ko.
Sa totoo lang nagsisisi ako sa ginawa ko at na mimiss ko na talaga siya. I tried to talk to her but iniiwasan niya ako, classmate kami but pumapasok lang siya sa room pag andyan na yong proof namin at aalis naman agad pagkatapos ng klase. Di ako sanay na nag-aaway kami at first time nangyari to na umabot ng mahigit dalawang linggo ang away naming.
Naglalakad ako sa hallway when I saw her, my bestfriend."Tama pa bang tawagin akong besfriend after what I did to her, after I hurt her?"
She's with someone at bumalik na naman siya sa dati.Lagi na naman siya nakikipagdate at pa iba-iba na naman yong kasama niya.Di ko maiwasang mainis, ewan ko kung bakit sanay na naman ako na marami siyang lalaki pero ngayon lang ako nainis ng ganito, gusto ko tuloy sapakin yong lalaking kasama niya at hilahin si Dyosa palayo.
"Zac, okay ka lang? Tanong ng kaibigan kong si Mark
At tumango lang ako sa kanya.
"Kanina kapa kasi nakatitig kay Dyosa, di pa rin ba kayo nagkakausap?"
Umiling lang ako.Alam kasi ni Mark yong. nangyaring confrontation sa amin ni Dyosa at sinabi niyang pareho kaming may mali pero mas mali daw yong ginawa ko.
"Bat di mopa kinakausap tol?:'
"Sinubukan ko naman siyang kausapin tol, pero iniiwasan niya talaga ako."
"Di ko rin masisisi si Dyosa tol, nasaktan kasi siya."
"Kaya nga gustong-gusto ko na talaga siya maka-usap tol."
"Tanong ko lang, anong nararamdaman mo ngayon?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Anong pakiramdam mo na hindi na ikaw yong kasama ni Dyosa ,, na ang dati mong bestfriend ay di kana pinapansin at galit sayo?"
Ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon? Di ko talaga alam , halo-halo kasi. yong nararamdam ko may guilt, nasasaktan ako , malungkot and I'm longing for my bestfriend.
"Ewan ko tol, diko maipaliwanag.Nasasaktan ako at di ko alam kung bakit, dahil siguro di na niya ako pinapansin o dahil may kasama siyang iba.,, di ko talaga alam tol. Pero di ko maitatanging sobrang miss na miss ko na siya. W
"Nagseselos ka ?"
"Nagseselos saan?"
"Sa mga lalaking kasama ni Dyosa?"
Nagseselos nga ba ako? Tiningnan ko yong kasama ni Dyosa at naiinis na naman ako, gusto ko na talaga siyang sapakin.
"Ewan ko tol kung selos ba tong nararamdaman ko, pero nasasaktan at naiinis ako pag may kasama siyang iba."
"Mahal mo ba?"
"Si Dyosa? OO naman, bestfriend ko yon eh, kaya mahal ko talaga."
"Di naman yan ang ibig kong sabihin , Mahal mo ba siya higit pa sa isang bestfriend ?"
Natahimik ako sa tanong ni Mark. Naalala ko tuloy yong confrontation namin ni Dyosa at inamin niyang mahal niya ako higit pa sa isang bestfriend. "Pero mahal ko nga ba siya higit pa sa isang kaibigan?" Mula ng mag-away kami lagi ko na siyang iniisip, naiinis ako pag nakikipag date siya, nasasaktan ako pag di nya ako pinapansin at kahit man lang ang tingnan ako. "Mahal ko na ba talaga siya?"Siya nalang kasi laging nasa. panaginip ko, siya yong lagi kong gustong makita at gusto ko na talaga siya mayakap.