pag gising ko 4 na ng hapon at saturday na ang tagal ko palang nakatulog muntik na kong mag mala sleeping beauty isa pa nandito na ko sa bahay siguro inuwi na lang ako ni TJ sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na naiuwi na pala niya ko dito .
hindi rin ako nakapag thank you sa kanya ,
naligo na ko at nagbihis kahit na masama pa yung pakiramdam ko kaylangan ko pang pumunta sa school kasi yung isusulat ko pa is about dun sa battle of the band at kahit na ayaw kong pumunta hindi pwede ,
ayaw kong pumunta kasi iniiwas ko lang yung sarili ko na masaktan na naman , umiiwas ako na makita si Ken kasi sabi niya kahapon yung kakantahin daw niya sa battle of the band ay para sa babaeng mahal niya so ibigsabihin magtatapat na siya sa babaeng yun at alam kong si Grace yun ,
haay kahit na nasasaktan ako pinipilit ko pa rin na maging masaya para sa kanila .
pag alis ko sa bahay wala na sila mommy at daddy may nakadikit lang na sticky note sa harap ng salamin ko na nakadikit sa wall .
' naikwento samin ni TJ yung nangyari kagabi , tatagan mo sarili mo isa pa its your time to be happy kaya kaylangan mong harapin yung taong nakakasakit sayo para maging matatag ka '
pagkabasa ko nun napangiti na lang ako tama sila ,
its my time to be happy and to move on .
6 na ko nakapasok ko sa school nakita kong naghahanda na yung ibang kasali kasi mamayang 7 na magistart yung program pero isa lang ang hinahanap ng mga mata ko ,
si Ken wala pa siya siguro naghahanda na rin siya .
bakit ba siya na naman ang hinahanap ko , nagpapakatanga na naman ako alam ko na nga na masasaktan lang ako pag nakita ko siya pero eto pa rin ako parang baliw na hinahanap siya .
nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko pag tingin ko si TJ lang pala tapos may binulong siya sakin ,
" just trust me "
hindi na ko nagtanong tapos hinila na niya ko papuntang rooftop pag dating namin nandun si Grace ,
pagkakita ko sa kanya feeling ko may kumurot sa puso ko nasasaktan na naman ako ,
yung babaeng mahal ng taong mahal ko nasa harap ko habang nakangiti ,
" anong ginagawa natin dito ? "
tanong ko kay TJ siya naman ngumiti lang sakin tapos biglang yumakap sakin si Grace ,
" pagkatapos ng gabing to ikaw na ang magiging pinakamasayang babaeng nabubuhay dito sa mundo , just leave it to us ok ? "
hindi ko alam kung anong nangyayari nung tumingin ako kay TJ nakangiti lang siya sakin tapos hinila na ko ni Grace saka pinaupo sa isang upuan dun tapos inayusan na niya ko , ewan ko kung bakit eh .
" teka para san ba to ? "
" basta gusto ko lang maging masaya ka "
naguluhan ako sa sinabi ni Grace kaya hinayaan ko na lang siya na ayusan ako , ewan ko pero may ibang pakiramdam ako ngayon eh .
nung natapos na siyang ayusan ako nagulat ako ng bigla silang nag away ni TJ
" hoy bakit hindi mo kinapalan yung lipstick niya ah " - TJ
" eh kasi magmamature yung muka niya pag kinapalan ko " - Grace
" basta lagyan mo siya !! - TJ
" ayoko nga light nga lang yung nilagay ko sa kanya kasi yun ang sabi ni Ke--- hmmpff "

BINABASA MO ANG
Uy crush ! I Love You <3 ( one shot )
Novela Juvenilsabi ng iba si crush daw mahirap abutin na hanggang tingin na lang natin sila dumadating pa nga yung point na dahil sa kanila balde-balde ang nailuluha natin eh , tapos sinasabi pa natin sa sarili natin na kaylangan na nating mag give up at mag move...