Prologue:

28 2 0
                                    

Her POV

"Waaah!!! Wag mo akong ituturo papatayin kita!!" sigaw ni Katty sa boteng umiikot.

"Pusa! manahimik ka ang ingay mo!" sigaw ni Tiara.

"OMG!! OMG!! Ituturo na niya ako!!" sabay takip ni Katty sa tenga niya, na akala mo naman eh ituturo siya. Assumera eh no.

Napatingin ako kay Jossy na nakatulala na parang may iniisip.

"Ayos ka lang bakla?" tanong ko at tumango lang siya.

"Nag iisip ako ng paraan kung paano ililibing ng buhay si Katty. Nakakabingi, kanina pa tili ng tili!!" reklamo ni Jossy, kaya napatahimik si Katty lalo lang niyang niyakap yung hello kitting dala niya.

"WAAAAHHHH!!! AAACCCEEE IKAW ANG TINURO!!!" sigaw ni Tiara.

Kaya kaming tatlo napatakip sa tenga. Ilang micropono ba ang nalunok ng mga to at ang oa maka sigaw?!

Napatingin ako sa boteng nakaturo saakin. Kinuha ko ito at tinapon palabas ng bintana.

"Grabe, ayoko na!" sigaw ko at tumayo. Nahiga ako sa kama ni Katty at binuksan yung tv. Feel at home ako ayokong umuwi sa bwisit na condo ng boyfriend ko DAW!

Pinalibutan ako ng tatlo.

"Hoy bruha to! kanina lang enjoy na enjoy ka sa pagbibigay ng parusa saamin. Ngayong naturo ka back out agad?" sabi ni Tiara.

"Tss. Hindi na ako interested ayoko na. Next time nalang ulit." sabi ko at nilipat yung channel.

"Wether you like it or not susundin mo yung parusa namin sayo or else..." pagbabanta ni Katty. Go on katty meow I'm not scared.

"or what?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Or else I can call tita Hanna right now and tell her the truth na you and Asher are not staying together." napa upo ako bigla.

"Katty! don't you dare." sabi ko with matching nakakapatay na looks.

She is teasing me while holding her phone.

"Choose, your punishment or tita Hanna." sabi ni Tiara.

Napalunok ako, "Okay fine!! What's the punishment!" inis kong sabi.

Napa apir yung tatlo.

"Prepare for your punishment, muwahahahahahahaha." sabi ni Jossy na akala mo naman si melifecent.

___

Epal na author note:

Hi po. first ko po itong story, just wanna share my ideas. So pagpasensyahan niyo nalang po ang mga kamalian ko, pag may time ko nalang po ito i-e-edit para itama.


Imperfect Couple.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon