Okay. So dito tayo magsimula. Matatawag din natin itong mababang antas ng pag-ibig.
ayon sa Urban Dictionary,
crush
When you have a crush on someone, you like that person. You usually feel uneasy and try to get attention around that person. Sometimes, it's hard to stop thinking about them.
Crush ay isang paghanga sa isang tao. Hinahangaan mo diya dahil sa isang partikular na rason.
Maaring siya ay maganda/gwapo. O kaya siya ay matangkad/maliit, maputi/moreno at kung anu-ano pang aspeto ang meron siya.
maaari din namang hinahangaan mo siya kasi meron siyang natatanging talento. Tulad na lang ng magaling siyang kumata, sumayaw, tumugtog ng gitara at kung anu-ano pang talentong meron siya.
Napansin ko sa paligid, madalas tayong magkacrush sa tao base sa kanilang pisikal na aspeto. Crush natin sila kasi nga gwapo o maganda sila. Crush natin sila kasi matangos o pango ang ilong nila. Kasi sexy o macho sila. Kasi ganito kasi ganyan.
Bakit nga ba palaging pisikal na anyo ang tinitignan? Bakit hindi pwedeng crush mo siya kasi busilak ang kanyang puso? Crush mo siya kasi mabait siya at maalahanin.
Isang napakalaking factor ba talaga na maging maganda o gwapo para lang may magkacrush sayo o para lang magka crush ka sa isang tao? Sagutin mo ang tanong ko.
Paghanga.
Bakit nga ba ang bilis nating magkaron ng crush sa isang tao?
Yun bang, unang tingin mo pa lang sakanya, crush mo na?
Bakit nga ba?
Paghanga
Nakakakilig din ito di ba? Yung, ngingitian ka lang niya, para ka ng matutunaw sa kinatatayuan mo. Masagi niya lang yung kamay mo, mapapangiti ka na. Marinig mo lang yung pangalan niya, mapapangiti ka sabay bibilis tibok ng puso mo.
Tapos kapag nakikita mo siya, parang tumitigil yung mundo mo. Yun bang parang siya lang yung nakikita mo? Kapag nakikita mo siya, para kang lumilipad sa ere. Kamusta pa kaya kapag kinausap ka na niya?
Nakakabaliw hindi ba? Yung tipong, maghapon na siyang tumatakbo sa utak mo? Yung hindi ka na makatulog kakaisip sakanya? Haaay. Crush..
Crush, sila din yung tinuturing nating inspirasyon. Inspirasyon sa lahat ng ginagawa natin.
Minsan, nakakagawa tayo ng mga istupidong gawain para lang mapansin nila tayo. Para lang makausap natin sila o para lang maging ka-close natin sila.
Nagsstalk tayo para malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay nila.
Madami din tayong resources kung saan nakikibalita tayo tungkol sa mga latest na happenings sa kanilang buhay.
Madami na ding mga katangahan ang mga tao pag dating sa mga crush nila
* Binibigyan natin sila ng mga sulat na may nakalagay na "Your secret admirer" sa huli
* Sinusundan natin sila mapasaan man sila magpunta
* Yun bang patago mo siyang tinititigan
* Kung nakikipag close ka sa mga friends niya para lang maging close mo din siya
* Bibigyan mo ng kung anik anik na regalo tapos ang nakalagay sa note ay "From your secret admirer"
* Yung kunwari wrong send para lang replyan ka niya
* Yun bang kung ano yung favorite niya eh yun na din yung nagiging favorite mo
etsetera etsetera
haaay. Mga tao nga naman talaga. Kakaiba kung magka crush. Pero, diba mas masaya kapag naging ka close mo na talaga yung crush mo? Yun bang crush mo na, friend/bestfriend mo pa.
Meron akong ilang tips para maging ka-close mo si crush...
1. Stalk - dapat matuto kang magstalk. Dapat alam mo lahat ng social accounts na meron ka. Pero wag mo ipaalam sakanyang nagsstalk ka. Maffreak out siya at magiging creepy ka sa paningin niya.
2. Be strong - dapat kung determinado ka talagang maging kaclose siya, kelangan mo ng matatag na loob. Dahil kasabay ng magstalk mo sakanya, maaari kang masaktan sa mga ilang bagay na malalaman mo. Tulad na lang ng malaman mong may girlfriend pala siya o kaya ay bading pala siya.
3. Add him/her - kapag nahanap mo na ang mga social accounts niya, i-add mo siya. Malay mo may mga bagay pala siyang naka-hide sa iba at sa friends niya lang nagpapakita.
4. Be friends with him/her - wag ka mahihiyang ichat siya. Eto na ang pagkakataon mo para mapansin ka niya kahit sa chat lang. Pero kapag chinat mo siya, wag ka naman masyadong madaldal. Be yourself. Act normal. Mag-open up ka ng mga topics na magkakainterest siya. NEVER EVER TALK ABOUT YOUR CRUSHES. madedehado ka diyan.
5. Maging FC ka - eto na siguro ang last tip ko. Kapag nagawa mo yang apat at maganda ang kinalabasan, go for it! Itodo mo na ang pagiging feeling close mo! Kapag naging comfortable kayo sa chat, try to be comfortable din sa personal. I-push mo na yan. Sayang naman kung hahayaan mo lang.
P.S. Never ever assume. Oo nga't close na kayo pero wag na wag ka pading mag-aassume. Mahhurt ka lang. Kasi, malay mo naman, natutuwa lang siya sayo kaya siya pumayag na maging friends kayo. huwag kang magbigay ng malisya. Just keep on making him smile na lang and be happy kasi close na kayo ng crush mo. Wag ka ng choosy pa teh!
**
Naniniwala ka ba sa kasabihang, kapag ang crush ay lumagpas ng apat na buwan, love na yon?
Ikaw?
Pano mo masasabing crush mo ang isang tao?
Ano ang standards mo para masabi mong crush mo nga siya?
Crush ka din ba niya?
Anong mga katangahan na ba ang nagawa mo mapansin ka lang niya?