Fling/MU

1.3K 3 1
                                    

Ano nga ba ang fling o ang mas kilala bilagn m.u?

Sabi nila, ang M.U daw isang,

malabong usapan

magulong ugnayan

malanding ugnayan

at kung anu-ano pa. Pero ano nga ba ang talaga ang M.U o fling?

M.U = Mutual Understanding

from the word itself, mutual. Ibig sabihin, pareho kayo ng nararamdaman.

Mahal mo siya, mahal ka niya. Yun nga lang, walang kayo.. period!

Magulong usapan nga talaga hindi ba? Pero, bakit nga ba natin pinapasok ang ganitong sitwasyon? Bakit tayo nakikipag m.u o nakikipag fling?

Unahin nating pag-usapan yan bilang isang malanding ugnayan

Bakit nga ba ito naging malanding ugnayan?

una sa lahat, naglalandian kayo ng hindi naman kayo. Walang commitment. Just friends. Friends with benefits ika nga. Kumbaga, kati kati lang yan.

Pwede kayong mag sabihan ng "I Love You" at "I Miss You"

pwede kayong agkaron ng tawagan like "baby", "babe", "hon", etsetera etsetera

pwede kayong magkiss, magholding hands, magyakapan or worst, magsex

pero wala kayong commitment. You're just two individuals loving each other.

Pangit pakinggan pero isa kayong malanding nilalang...

pangalawa jan ang malabong usapan/ugnayan

malabo talagang usapan yan. Isipin niyo, bakit kailangan mong makipag ugnayan sa kanya kung in fact wala naman talaga kayong commitment. purong landi

pero hindi naman porket M.U kayo e pwede na lahat ng nabanggit sa itaas. May mga tao din kasing mas prefer nila yung fling fling lang sa text o kaya e fling fling lang na nagbabatuhan lang ng sweet words.

at eto pa ang masaklap sa m.u lang. wala kang karapatan...

wala kang karapatang pagbawalan siya sa mga bagay na gusto niyang gawin.

hindi mo siya pwedeng bawalan sa mga gusto niyang puntahan, sa mga taong gusto niyang i-date o basta sa kung anong gusto niyang gawin.

dahil nga sa malabo ang sitwasyon niyo, tiyak lalabo din ang utak mo.

kasi ang sitwasyon niyo, ay isang parang imahinasyon lang. Kathang isip. Hindi totoo kumbaga.

past time...

parang kayo pero hindi

malabo talaga hindi ba? Malabo na, magulo pa.

sa iasng Fling/M.U, wag na wag ka maging masyadong clingy..

kasi hindi ka naman girlfriend/boyfriend. ikaw ay isang fling lang. isang kalandian lamang..

ang ganitong sitwasyon ay walang kasiguraduhan kung may patutunguhan ba o wala.

Hindi mo sigurado kung magiging kayo ba sa huli o magiging isang alaala nalang ang lahat.

pero kung lalaki ka, at feeling mo e may chance namang maging kayo nyang ka-M.U mo, aba e wag ka na maging torpe pa! Go for it teh! Baka maagaw pa yan ng iba

Kung babae ka naman, at alam mong natotorpe lang sayo yang lalaki, aba e ikaw na manligaw teh! Lalo na kung pogi naman yan. Wag na palampasin pa. Ikaw din magsisisi sa huli nyan e.

kung alam mo naman yang ka-M.U mo e, ginagawa ka lang past time.

(on-off m.u. yung magpaparamdam lang siya sayo kapag hindi na nagparamdam ibang kalandian niya)

aba e wag ka masyadong mag-assume teh! Control your feelings ika nga.

Masyado ng magulo ang sitwasyon nyo kaya wag mo na paguluhin pa lalo yang utak mo.

wag mo hayaang ma-fall ka ng bonggang bongga sakanya. OK? Dapat may emotional control ka.

Hay m.u. isang napakagulong usapan pero alam ko, pag yan ang topic. Sure akong madaming nakakarelate jan.

Naranasan nyo na ba yung may naging ka m.u kayo ng matagal pero sa huli e naging kayo din?

E yung naka m.u mo ng ilang araw lang o ilang linggo lang?

Naranasan mo na ba magkaron ng ka-fling na na-fall ka ng bonggang bongga pero sa huli, ni-friendzone ka lang niya? Ang saklap ho hindi ba?

okay lang naman makipag m.u or fling e. Basta ba't alam mo yung mga consequences nyan. Dapat handa kang masaktan. Handa kang mag-risk ng mga bagay-bagay.

okay lang lumandi paminsan minsan. Alam naman nating ang tao ay likas na malandi yan.

Meron jan mga painosente kunyari pero sure ako may tinatagong landi yan (may kilala akong ganyan. HAHA)

pero kung alam mong masasaktan ka lang, itigil mo na yan dude. Ayoko kayo makitang umiiyak e :)

xoxo

Pag-Ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon