Status: Single

239 1 0
                                        

Single and never double..

Single: Eto yung, libre kang gawin kung ano man gusto mo. Walang limitations. Pwede kang lumandi kung kani-kanino. Meron kang FREEDOM..

Bakit nga ba single ang mga ilan sa atin?

1. NBSB/NGSB (No Boyfriend Since Birth/ No Girlfriend Since Birth)

    - Sila yung mga single na hindi pa nakakaranas ng love life. Yung simula pagkapanganak nila e hindi pa sila nagkakaron ng gf/bf.

Bakit nga ba hindi pa sila nagkakaroon ng pag-ibig?

Pwedeng, hindi nila iyon priority. Yung, wala pa yun sa isip nila. Yung tipong aral muna bago yan. Yung gusto muna nilang makapagtapos at makahanap ng trabaho.

O kaya naman, sobrang strict ng parents nila. Na hindi pa sila pwedeng magkaroon ng gf/bf dahil nga kailangan muna nilang magtapos ng pag-aaral. Siguro takot lang din ang mga magulang nila na maging batang ama/ina sila.

Siguro may mga kaibigan silang nagkaroon na ng bf/gf at nasaktan lang. Ayaw nilang ma-experience yung pain na naramdaman nung kakilala nila. Kumbaga, nattrauma sila na baka ganun din ang mangyari sa kanila kaya ayaw pa nilang subukan.

2. Torpe

 - wala pang nagiging girlfriend kasi nga natotorpe siya. Yung may gusto naman siya sa isang tao pero nahihiya siyang lappitan ito.

Pero, bakit nga ba may mga lalaking natotorpe?

Masyado bang mababa self confidence nila?

O masyadong dyosa lang yung gusto nila?

Di ba dapat pag talagang gusto mo siya, pursigido ka talaga. Wag ka ng totorpe torpe pa. Wag mo sayangin ang pagkakataong naibigay sayo. Go for it! Reach for the star! haha

Totorpe torpe ka tapos rerekla reklamo kang single ka. Naku! Bad yan. Dapat, magkaron ka ng self confidence mo. Tignan mo yung iba, hindi nga biniyayaan ng sobrang kagwapuhan pero nag-uumapaw ang self confidence. Ikaw pa kaya?

Malay mo naman yung taong gusto mo e hinihintay ka lang din naman pala lumapit. Hindi ba?

3. Kagagaling sa break up

 - single ang isang tao kasi maybe kabbreak lang nila nung jowa niya.

Dito napasok yung "3 month rule"

yung kailangan mo munang maghintay ng 3 months bago ka makipag relasyon uli. Tama naman diba? Kailangan munang palamigin yung masaklap na nangyari sainyong dalawa. Wag naman yung masyadong atat na palitan siya. Mejo nakakabastos din naman kasi yun e

Pero hindi ko maintindihan. Bakit yung iba, kabbreak pa lang may iba na kaagad?

Kelangan ba talagang may reserba lagi? Naku ha! Hindi yan maganda.

Parang pinapakita mo lang na hindi mo talaga mahal o minahal yung ex mo.

Magtino ka. Sumunod ka sa 3 month rule. Ikaw din. Baka makarma ka.

4. Takot masaktan ulit

 - sila yung mga nakaranas ng matinding sakit sa past relationships nila.

Na sa sobrang saklap e natatakot na silang umibig ulit.

Na baka mangyari ulit ung nangyari dati. Dahil naniniwala sila na History repeats itself.

Yung hindi na daw sila iibig pa ulit kasi nga daw, masasaktan lang sila.

Pero isipin niyo diba, part naman talaga ng pag-ibig ang masaktan e. Nandun na yun! Kakambal na ng LOVE ang PAIN.

I mean, bakit ka matatakot? E nagawa mo nga nung una di ba? Syempre magagawa mo pa din yan sa susunod. All you have to do is, control. Wag kasi masyadong magbigay. Don't be afraid. Magmahal ka lang. Madami ka pang lessons na dapat matutunan.

5. Nag mmove on

 - sila yung ayaw pa makipag relasyon kasi hindi pa nakakaget-over kay past

yung nasa MOVING ON STAGE pa lang daw sila. Hindi pa daw sila ready makipag relasyon sa iba kasi mahal pa nila ex nila. O kasi daw e, baka balikan daw sila ng ex nila. Ay nako teh! Ilang years na kayong break niyan moving on stage padin?

Naku ha! Pano ka nga naman aksi makaka move on kung puro yang ex mo naman iniisip mo diba? Pano mo siya makakalimutan talaga kung siya naman palagi mong iniisip. Kung siya padin naman bukambibig mo.

Naku! Lumandi ka, tignan mo makakalimutan mo yang ex mo na yan. HAHA

6. Landi landi lang

 - single sila kasi ayaw nila ng serious commitment

Sa stage na to e, puro landian lang. Yung puro lang kayo m.u. Ayaw pang magka-commitment kasi hindi pa ready sa mga serious stuffs about sa isang relationship. Yung alam mong hindi ka pa ready na magseryoso at hindi mo pa kayang mag-handle ng isang relationship.

Pero ingat lang sa paglandi landi ha? Minsan kasi, nasosobrahan mo, nakakasakit ka na din ng ibang tao. Yung tipong hindi seryoso para sayo pero sa other person is sineryoso, mahirap yun. Masasaktan mo siya ng hindi mo nalalaman. Lalo na pag wala ka ngang balak na saluhin siya.

7. waiting for the right person

- inaantay daw si tunay na pag-ibig

Dahil naniniwala sila na may taong nakatadhana sakanila at makikilala nila ito in the right time and in the right place. They're just waiting for that moment to come

Pero naku ha! Kung hintay ka lang din naman ng hintay e walang mangyayari sayo! Kilos kilos din pag may time. Landi landi pag may time wag landi landi everytime. Malay mo, sa way na yan e jan mo makikilala yung taong nakatadhana para sayo ;)

**

Wala naman masama pa pagiging single e. Masaya nga yun. Kasi, pwede mo gawin mga gusto mong gawin without someone limiting you to. Sabi nga ng kakilala ko, YOLO. I-enjoy ang life kahit single ka. There's more to lfe rather than siting in one corner and ranting why you're single.

Kasi yung taong mamahalin mo at mamahalin ka, darating yan. Nakaprepare na siya for you. Makikilala mo din siya in the right time. In the right place. Kumbaga, perfect moment.

Kung nasaktan ka na dati, wag kang matakot masaktan ulit. That's part of our lives. We need to experience pain to know we are still alive.

Let's just enjoy the freedom we have. Kampay to all SMP out there!!!! :DD

Kaway sa mga single na katulad ko. HAHAHA. Keri natin 'to guise! Tiwala lang :*

Pag-Ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon