Status: Ligawan stage

200 1 1
                                    

"Pwede ba kitang ligawan."

Yan ang mga katagang madalas tanungin ng mga lalaki sa kababaihan. Pwede bang ligawan, pwede bang maging girlfriend chucu. Bakit nga ba may ganitong stage pa ang love? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na "Tayo na." Di ba? Bakit kailangan pang manligaw?

Siguro kasi, isa yang way para mapatunayan kung seryoso ba yung lalaki talaga sayo. Kung talaga bang may gusto siya sayo o gusto niya lang ng maggirlfriend sa araw ng pasko, valentines o kung anu-anong holiday ang meron.

Napansin ko lang sa panahon ngayon, mas nag-eeffort pa ang ang mga lalaki sa panliligaw kesa kapag sila na. At, dumadalas din ang mga babaeng nagpapakipot tapos magrereklamo kapag yung lalaki e nagsawa na sa panliligaw. Ang labo lang talaga.

Pero aminin naman natin, ligawan ang isa sa mga pinakanakakakilig na part ng love (specially fore girls ha) yung tipong todo effort pa ang mga lalaki sa panliligaw. Gagawin ang lahat para makuha ang matamis na OO. Yung halos sungkitin na ang buwan para lang sagutin sila.

Sa part ng babae, nakakakilig naman talaga kung may nanliligaw sayo. Lalo na kung type mo pa. Sweet talks, hatid sundo, may flowers, surprises at kung anu-anong kasweetan pa jan. Syempre nakakakilig lalo kung yung nanliligaw e maeffort sayo. Damang dama mong seryoso talaga sayo.

Pero girls, aminin natin, mapantasya tayo. Gusto natin yung parang sa mga movies. Yung magddate sa restaurant. Mamamasyal kung saan-saan. Issurprise ka kapag may events like valentines or christmas. Yung bibigyan ka ng flowers o regalo randomly. Yun bang kayang pakiligin sa personal? Yung alam na alam yung kiliti mo. Yung susunduin ka sa bahay at ihahatid ka pauwi. Nakakakikig naman talaga di ba?

Pero girls, tandaan natin na, tao yung nanliligaw sa atin ha at hindi mall. Ok lang naman yung maghangad ng ganyang klase ng panliligaw. Pero syempre, isipin din naman natin yung kalagayan nung manliligaw natin. What if hindi naman siya si Bill Gates na milyonaryo at dsi niya kayang ibigay sayo mga luho mo. Di ba? It's ok to imagine. Hindi naman kasi importante talaga yung materyal na bagay na kaya niyang ibigay. Ang importante is, malaman mo na seryoso siya sayo at hindi ka niya lolokohin.

E ano naman kung kaya niyang ibigay sayo ang buong mundo kung ang ending e iiwan ka lang din at lolokohin? Siguro, wag na lang natin dun ibase yung expectation natin sa ating manliligaw. You can imagine, but don't expect na lahat ng yon e kaya niyang ibigay o gawin sayo. Hayaan mong siya mismo ang gumawa ng way para mapakilig ka niya lalo. Kasi the more na nageexpect ka ng ganun, at di naman pala niya kayang ibigay sayo, maddisappoint ka lang lalo.

Kaya dapat, makuntento ka na lang kung ano kaya niyang ibigay. Nasa sayo pa din naman ang desisyon kung sasagutin mo ba siya o hindi.

Pero remember guys, hindi naman lahat ng babae e gusto ng ganyan. Meron namang iba e ok na sa kanila yung magdate lang kayo sa fishballan. O kaya e kumain lang kayo ng sorbetes sa park. Yung ok na siya sa isang piraso lang na bulaklak. Kahit totoo pa yan, plastik o papel. Meron din naman jan na ayaw nilang nabibigyan ng materyal na bagay. Meron din yung gusto ng makalumang panliligaw. Yung tipong sinusulatan mo?

Siguro, kilalanin niyo na lang yung nililigawan niya. Alamin niyo kung kaya niyo ba ireach ang expectations niya o hindi. Make sure din naman na naaappreciate ang efforts niyo. At syempre, piliin niyo yung may magandang personality. Hindi naman porket maganda, malaki ang pwet o malaki ang boobs e liligawan mo na agad. Tandaan mo mamahalin ang hinahanap mo hindi porn star.

Siguro plus points na din kung matalino pa ang nahanap mo. Pero make sure na pasok ka naman sa standards niya. Pwede ka naman magfeeling pogi pero wag naman masyado. Kung ikaw hindi pinagpala, e wag naman siguro mala Erich Gonzales ang hangarin mo. Start low to get high.

Aaaaat. Wag kakalimutan na ang effort ay hindi sa panliligaw natatapos. Dapat kahit na sinagot ka na, nageeffort ka pa din. Kasi in the first place, hindi ka naman nageffort manligaw kung pababayaan mo na siya after ka niya sagutin. At girls, wag naman natin kalimutang iappreciate ang mga effort ng manliligaw natin. Hindi naman madaling manligaw. Ikaw din, baka kung hindi mo maappreeciate, iwan ka. Edi nganga ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-Ibig nga namanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon