PROLOGUE.

30 1 4
                                    

DANIELA'S POV

Love.

Love makes the world Go round.

It was never money, It has always been Love.

Nakakaloka no? Ano ba yang love na yan para mag kandarapa ang lahat sa pag hahanap nito? Bakit ba lahat tayo atat na atat dito? Isipin mo, para lang sa Love gagawin ng isang tao lahat. Mag bigay ng pera, time at effort. Mahal mo eh. Para sayo worth it yun. Kahit na Durog na yang puso mo at kaluluwa mo. Kasi feeling mo worth it parin. Bakit ba? Ano bang nakukuha mo pabalik? Wala naman diba? Pero ipag lalaban mo parin. Ittry ng ittry hanggat maipilit. Mahal mo sya. Yun lang yun. Yun yung rason kung bakit ang dami daming tanga sa mundo na umiiyak araw araw. Nasasaktan kasi di sila kayang mahalin nung taong mahal nila. Na kahit anong gawin nila hindi na nila mararamdaman yung pag mamahal na gusto nilang makuha pabalik. At isa na yata ako sa mga taong yun.

"Muka bang worth it pa yang si Carlo?" Tanong ni Sam habang inaabutan nya ko ng tissue.

I nodded kasabay ng pag hikbi ko. "Alam ko Oo."

"Bullshit Dani." Natatawa nyang sagot. "M.U. lang kayo. Di kayo mag boyfriend."

Tinitigan ko sya ng masama. "Grabe ka naman."

"Totoo naman diba?" She rolls her eyes. "Di naman naging kayo. Bakit ba feel na feel mo?"

Lalong lumakas ang hagulgol ko. "Ano ba!? Kaibigan ba kita?" Hayop na to. Alam na ngang heart broken ako, lalo pa kong sinasaktan.

Niyakap nya ko habang tumatawa. "Kaya kita sinasabihan ng ganito kasi kaibigan mo ko Dani." Hinaplos nya yung likod ko. "Dani, he is not worth your time nor tears. Kaya please wag ka nang umiyak? Nasasaktan ako para sayo."

Pinunasan nya yung mga mata ko. "Sam, mahal ko talaga sya." Sabi ko nang nakatingin sa kawalan.

"Alam ko. Di ka naman mag papaka gaga kahit na ginagago ka nya kung hindi." Sagot nya sakit.

Napabuntong hininga ako. Nasasaktan na ko. "Kailangan nya ko."

Humagalpak ng tawa si Sam. Yung tipong naiiyak na. "Kingina." Sabi nya between her laughs. "Kailangan? saan?"

"Sam naman eh!" Hinampas ko sya ng mahina. "Totoo."

"Kailangan ka lang nya pag wala na syang malandi. Ikaw naman si tanga na isang kalabit nya lang bumabalik ka." Dinuro nya ko. "Bobo."

"Ikaw Sam sumusobra ka na." Naiinis kong sabi. Nakakatanga na sya. Kanina nya pa ko nasasaktan.

"Mas gugustuhinmo ba na Gayahin ko si Carlo at papaasahin ka na meron pa kahit wala na talaga? Wag ka kasing tanga. Ilang beses ka na ba umiyak dahil sa kanya? Kung may 100 lang ako sa bawat pag kakataon na iiyak ka, malamang mayaman na ko." Sagot nya sakin. Nag lakad sya papunta sa drawer ko at kinuha ang suklay.

"Sam.." napatingin nalang ako sa kanya. "Tama ka naman eh. Di nya ko kailangan."

"Finally!" She says with enthusiasm. Pero tinitigan nya ko ulit. "But let me guess. Thats not gonna stop you from being a fool for him."

Tumungo ako. "Mahal ko eh."

"Gaga." Naiinis nyang sabi. "Di naman enough na rason yun eh. Porket mahal mo handa kang masaktan para sa kanya?"

"Oo. Enough na rason yun para saktan ko yung sarili ko ng paulit ulit." Sagot ko sa kanya.

"Masokista."

"ulul." Natatawa kong sagot.

Napabuntong hininga si Sam. "Dam, alam ko naman na hindi kita mapipigilan mahalin sya. Naumiyak ng paulit ulit, mag pakatanga at mag paka gago dyan sa Hayop na yan. Pero sa susunod talaga na paiyakin ka nya, tatanggalan ko na sya ng itlog para malaman nya kung ano yung masakit."

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon