Chapter 2

9 0 0
                                    

Daniela's POV:

I told her that I loved her, as not sure if she heard---

Nag riring nanaman yung cellphone ko.

"Sam." Sagot ko.

"Dani.." sabi nya. "May party kela Gelo ngayong gabi ah." Sam says over the phone.

"Anong gagawin ko?" Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Punta tayo?" Anong nya.

"Anong punta tayo? Mga mayayamanlang pwede dun!" Di ako makapaniwalang aayain nya ko pumunta sa party ng mga Mayaman. At di lang kung sino sinong mayaman. Sa party pa talaga ni Angelo Cortez.

"Baka nakakalimutan mo na kaibigan ko din sya? Natin." Inulit nya.

I sighed. "Ayokong makihalubilo sa mga taong walang ginawa kung hindi uminom at mambabae." Totoo naman. Yun lang ang ginagawa ng mayayaman na teenager ngayon.

"Nagbibitter ka parin." Tawa nya.

"Siraulo. Ayoko lang talaga na makita sya."

"Exactly, nag bibitter."

I chuckled. "Hindi din. And hindi ako pupunta sa party."

She laughs. "Ano ka ba. Andito na ko sa baba. Kanina pa kita pinag paalam sa daddy mo. Mag bihis ka na."

"Ha? At pano mo naman sya na papayag?" Tanong ko habang pababa ako ng hagdan.

Nakaupo si Sam sa sofa namin habang nag kakape si papa. "Bakit ka naman pumayag?" Tanong ko.

"Andun si Gelo. Matagal ka nang gusto makita nun." Sagot ni papa.

I shrugged. "Ayoko nga!"

"Pupunta ka dun sa party na yun. Tumawag si Gelo. Ikaw ang hinahanap."

This is unbelievable. After everything he did hahanapin nya ko ngayon? Ano ba to. "Sabihin mo sa kanya neknek nya."

"Kapag hindi ka pumunta masisisante ako." Bulong ni papa.
Anak ng tokwa nga naman oh. Dapat kasi di na ko nakiusap kay Gelo. Bwisit. "Seryoso ba sya?!"

"Oo." Naiinis na sabi ni papa. "Kahit na ayaw talaga kitang payagan, wala kang magagawa."

I groaned. "Mag bibihis lang ako."

"Yung maganda ha!" Sigaw ni Sam.

--

"Kailangan ba talaga pumunta ako?" Tanong ko ulit kay Sam habang bumababa kami sa kotse nya. "He wont notice."

"Hindi naman sya tatawag kung hindi importante." Sam reasons out. Totoo naman. Dalawang taon na kong hindi kinakausap ni Gelo. And I bet he can last another year without talking to me.

"Baka naman pinag titripan lang ako nito ni Gelo." I sighed

"He still likes you. Di ka nya pag titripan." Sam points out.

Seryoso ba to? Kailangan nya talagang sabihin yun? "Ano ba yan Sam."

Natawa sya. Siraulo talaga. "Bakit? Totoo naman. Diba kaya hindi ka na nya kinausap dahil nalaman nya na mag on na kayo ni Carlo?" Hinila nya ko palapit sa pinto nila Gelo. "Sobrang oblivious mo daw kase. Simulat sapul mahal ka na nya tas na fall ka sa iba."

"Sam..." I groaned.

"It's time for you to understand where he's coming from Dani. " nakakainis mang isipin, pero tama sya. "Pasok na tayo.

Malakas na sounds at patay sindi na ilaw. Amoy alak sa buong bahay. Nakakairita. I dont like being in this kind of places. This is how the rich ones roll. Gagastusin ang pera nila hanggang maging masaya sila.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon