Sneak Peek

9.5K 101 1
                                    

Sneak Peek

NAGISING si Jz nang makaramdam ng pananakit ng kanyang ulo. Napaupo siya sa kanyang kama at mariing sinapo ang sumasakit na sentido. Pakiramdam niya ay mabibiyak iyon kaya napapikit siya na hinihimas-himas ang kanyang ulo. Kailangan niya ng pain reliever para mabawasan ang pananakit niyon. Pinilit niyang tumayo at tinungo ang sariling banyo sa kanyang kuwarto para maghilamos bago bumaba sa kusina para kumuha ng gamot.

Matapos maghilamos ay pinunasan niya ng malinis na towel ang kanyang mukha at lumabas ng banyo. Natigilan siya at napakamot ng ulo. Nagtataka siya kung paano siya nakapasok sa kanyang kuwarto kagabi. Ang huling naalala kasi niya ay nasa sala siya kagabi kasama ang kaibigan niyang si Marivic at ang bisita nilang si Neszie na umiinom sa sala. Nakaramdam siya ng pagkahilo kagabi at kasunod niyon ay wala na siyang maalala pa. Malamang ay tinulungan siya ng kaibigan niyang si Marivic na makapasok sa kanyang kuwarto bago umalis ang mga ito sa bahay niya.

Napailing siya na napahawak sa kanyang ulo nang kumirot iyon. Kahit kailan ay wala talaga siyang maalala tuwing nalalasing siya kaya't ayaw na ayaw niyang uminom, eh. Pero pinilit siya ng kaibigan niyang si Marivic. Ewan ba niya kung bakit kapag ito ang namimilit sa kanya ay hindi niya matanggihan at napapasunod na lamang siya.

Napabuntong-hininga siya na isinabit ang kanyang towel sa likod ng pintuan ng kanyang banyo, saka lumabas ng kanyang kuwarto para bumaba sa kusina. Nandoon kasi ang medicine box kung saan naroon ang lahat ng mga gamot para sa pangunang lunas kapag may hindi inaasahang insidente sa bahay niya.

Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdanan nang matigilan na naman siya sa paglalakad nang maamoy ang masarap na sinangag. Narinig rin niya ang kalansing ng mga kagamitan sa kusina. Napangiti siya. Siguro dito natulog ang kaibigan niyang si Marivic kagabi at maaga itong nagising para ipaghanda siya ng agahan.

Napailing siya habang nakangiti. How lucky he was for having a good and caring friend like Marivic. Hindi lang kasi kaibigan ang turingan nila kundi parang kapatid na rin kaya't may malasakit sila sa isa't isa. And like what she'd doing right now ay isa sa mga maraming dahilan kung bakit hindi niya kayang ipagpalit sa iba ang kaibigan niya. Marivic was indeed one of a kind na minsan lang makikita't mahahanap sa mundo. Tiyak niyang masuwerte ang lalaking makakatuluyan nito 'pag nagkataon. And he was hoping na sana makatagpo ng matinong lalaki ang kaibigan niya nang sa gan'on ay hindi ito masaktan.

Teka, ano ba itong pinag-iisip niya at pati love life ng kaibigan niya ay pinakikialaman niya? Iwinaksi niya sa kanyang ulo ang naisip at napabunton- hininga na lamang na itinuloy ang pagbaba ng hagdanan, saka tinungo ang kusina. Kumunot ang noo niya nang masilayan ang taong nasa kusina niya. Kailan pa naging ganito ka-slim ang kaibigan niya?

Huminto siya sa pintuan habang nakamasid sa babaeng naghahalo ng sinangag sa kawali. She was wearing sleeveless, an above the knee fitted dress. Dilaw ang kulay niyon na nagpadagdag sa kaputian nito. Naka-expose ang mahahaba, makikinis at mapuputing binti nito sa suot nitong tila pinagkaitan ng tela ang manufacturing company na nagtahi niyon. Ang seksing balikat nito na exposed rin dahil maayos na nakatali ang mahaba't bagsak na buhok nito sa likuran ay siyang napalunok sa kanya. She looked so sexy and he felt something... uncalled feelings inside him because of that unconscious sexy woman in front of him.

Nang maramdaman nito na may nagmamasid dito ay pumihit ito paharap sa kanya. And great! 'Cause he found out that the woman inside his kitchen was the same woman who returned his lost wallet and the woman who came in yesterday at pinilit siyang maging PA nito! Ano'ng ginagawa nito sa pamamahay niya?

Sandali itong nagulat. Later, she curved a sweet smile on her lips nang makabawi. She greeted him and offered him a hot cup of coffee while her sweetest smile still on her lips. Or should he say... on her kissable and yummy lips?

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon