Chapter 16

1.5K 46 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 16

MASAYANG lumapit si Neszie sa kaibigang si Jhoana. Excited siyang ibalita rito na kasama siya sa gaganaping promotional party ng bagong album ng Takeoff. Ang 'Love Shot'. Hindi siya makapaniwala na siya ang napiling isama ng pinakamamahal niyang boss na si Jz as his partner on the said party.

It's been a week nang maghiwalay sina Jz at ang nobya nitong si Manilyn. Simula no'n ay naging mabait na sa kanya ang binata. Madalas na siya nitong isinasama saan man ito pumunta. At naging extra sweet and caring na rin ito sa kanya na siyang ikinatuwa niya.

Madalas nga ay hindi na naman napigilan ng puso niya ang mangarap at umasa na sana ang lahat ng ipinapakita sa kanya ng binata ay nagkakahulugan na nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Assuming na kung assuming pero iyon talaga ang madalas na pinapanalangin ng puso niya.

"Oh, mukhang masaya ang beauty natin ngayon ah?" Nakangiting salubong ni Jhoana.

Matamis siyang ngumiti sa kaibigan. "Guess what, Bhe," aniya. Nakasanayan na nilang magkaibigang si Jhoana na gamitin ang salitang 'baby' sa isa't isa.

"Nanalo ka sa lotto?"

"Ano ka ba? Syempre hindi no. Paano naman ako mananalo sa lotto eh hindi naman ako tumataya ro'n."

"Sinagot ka na ng pinakamamahal mong asawa na si Jz?" kinikilig na biro pa ng kaibigan.

Tumawa siya at marahang hinampas sa braso si Jhoana. "Loka! Kung 'pwede nga lang na gano'n nga ang nangyari, edi sana super duper happy na itong puso kong naghihingalo!"

"Asus! Naghihingalo pa sa lagay na 'yan? Eh kung makangiti ka nga riyan akala mo nakaabot ka na sa buwan."

Mas lalo siyang napangiti sa sinabi nito at muli na namang pinahula rito kung ano ang nagpapasaya sa kanya ng mga oras na iyon.

"Ano nga kasi? Ang alam ko lang eh, si Jz lang naman ang nagpapasaya sa'yo. And I'm sure na related kay Jz ang kasayahang nasa mukha mo ngayon, tama ba ako?"

"Ei! Tama ka riyan!" hindi niya napigilang mapatili at abot na sa tenga ang matamis niyang ngiti. "Ang sabi kasi ni Jz ako ang isasama niya sa promotional party nila sa Saturday. My god! Hindi ko inasahan iyon, akala mo?"

"Talaga?" halata rin ang galak sa mukha ni Jhoana sa kanyang sinabi. "Yes, magkasama na tayo, Bhe." Masayang nagyakap silang dalawa.

"Oo nga eh, hindi talaga ako makapaniwala na ako ang isasama niya. Akalain mo 'yun? Sa dinami-rami ng mga kaibigan no'n eh ako pa ang napili na isama. Ei! Ang swerte swerte ko talaga, Bhe. Pakiramdam ko ay mahal na ako ng taong pinakamamahal ko." Tila nangangarap na wika niya.

"Don't worry, Bhe. Mangyayari rin 'yun. Lalo na't single na naman ang pinakamamahal mong asawa, 'di ba?" Sutsot ng matalik niyang kaibigan. "Oo nga pala, Bhe. Si Marivic, hindi ba sasama?"

"Umuwi kahapon sa probinsya si Marivic kasi namatay ang lolo niya. 'Tsaka sa linggo rin daw ang libing ng lolo niya kaya hindi siya makakadalo sa party kaya ako na lang ang isasama ni Jz." pagkukwento niya.

Naputol ang masayang pag-uusap sina Neszie at ang kabigang si Jhoana ng may isang babaeng dumaan sa kanilang harapan.

Napakunot noo siya ng makilala iyon. Si Armi Fuentes ang matalik na kaibigan ni Manilyn San Juan ang dating nobya ng pinakamamahal niyang boss na si Jz Zamora.

Napitigil ito sa paglalakad nang lumampas ito sa kanila ng ilang hakbang. Dahan-dahan itong lumingon at tumaas ang kilay na bumalik at tumigil sa harapan nilang dalawa ng kaibigang si Jhoana.

"Tama ba ang narinig ko na ikaw ang isasama ni Jz sa promotioanal party ng kanilang new album?" maarteng wika nito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Jhoana.

"Bakit mo naman naitanong?" balik tanong niya kay Armi.

"Bakit? Masama ba?" tumawa ito. "I was surprised kasi na isang katulad mo lang ang isasama ni Jz sa party na iyon."

"Hey! Ano naman ang pakialam mo kung si Neszie ang isasama ni Jz? Bakit? Naiinggit ka ba? Kung gusto mo, edi pumunta ka rin ng sa gano'n eh magamot naman 'yang inggit mo sa katawan!" asar na hindi nakapagpigil si Jhoana at ito na ang sumagot sa pang-iinsulto ni Armi.

"Jhoana, ano ba? Hayaan mo na nga siya." Pigil niya sa kaibigan. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi niya." dagdag niya at hinarap si Armi. "Pasinsya ka na, Armi. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong patulan ang sinasabi mo. If you excuse us, kailangan na naming umalis at baka hinahanap na kami ng boss namin," aniyang hindi na binigyan ng pagkakataon si Armi na makasagot at agad na hinila ang kaibigan sa braso nito.

"Teka, sandali lang. Hindi pa ako tapos sa babaeng iyon na nagmana ang ugali sa magaling niyang kaibigan!" pagpoprotista ni Jhoana.

"Hay naku, huwag mo na kasing pansinin eh. Ang mabuti pa siguro ay pag-usapan na lang natin ang susuutin natin sa party." Malawak ang ngiting pag-iiba niya sa usapan. Lumiwanag naman ang mukha ng kaibigan niya na sumang-ayon sa kanyang sinabi.

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon