Chapter 4

1.9K 44 3
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 4

BALI-BALIKTAD si Neszie sa kanyang hinihigaang kama habang yakap niya ang half naked na larawan ng pinagnanasaan niyang katawan ng lalaking itinatangi ng kanyang nababaliw na yatang puso.

Hindi pa siya nakuntinto sa payakap-yakap lang sa larawan at kanya pa iyong hinahalik-halikan ang naturang larawan at dinaig pa niya ang isang baliw sa kanyang inaakto.

"Hay...anong gagawin ko? Paano ako mapapalapit muli sa'yo, papa ko Jz?" napabuntong hininga siya na titig na titig sa larawan ng binata.

Kanina pa kasi siya hindi makatulog at malamang ay mag-uumaga na ngunit heto siya at dilat na dilat pa rin ang mga mata.

Hindi kasi mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina sa bahay ng kanyang asawang si Jz. Sino ang makakapasabi na siya, si Neszie, ang simpleng babae na nahuhumaling sa isang katulad ni Jz na 'myembro ng isang sikat na boy group sa bansa ay nahawakan na niya.

At hindi lang niya nahawakan ang binata, kundi nakakapasok pa siya sa bahay nito at nakapagmeryenda pa.

"Hay....Papa ko Jz, gusto na muli kitang makita. Mababaliw na yata ako kapag 'di pa kita makitang muli." Kausap niya sa sarili na muling niyakap ang larawan.

"Kailangan kong makakagawa ng paraan para makalapit muli sa'yo, Papa ko Jz. Hindi ko hahayaang hanggang doon na lang ang ating pagsasama. Ipinapangako ko, magkikita tayo muli at magkakasama ng matagal. Promise..."

MAAGANG nagising si Neszie at mabilis na naligo at nagbihis ng pinakaganda niyang damit. Matapos niyang maayos ang sarili ay masaya na siyang ngumiti at lumabas ng kanyang kwarto. Plano niyang dumaan mamaya sa simbahan para magdasal na sanamaging matagumpay ang planong kanyang naisip kagabi.

Tuloy tuloy siyang lumapit sa pintuan para lumabas na nang marinig niya ang boses ng kanyang ate Ruzielle.

"Aba, himala naman ng langit at lupa. Ang aga mo yatang nagising ah? At ang gara naman ng suot mo. Saan ba ang lakad mo at nagising ka ng ganitong oras?" tanong nito na tiningnan ang nakasabit nilang wall clock.

Mag aalas singko pa lamang ng umaga at nakagayak na siya. Sinadya kasi talaga niya iyon parapagkatapos niyang magsimba ay maabutan niya ang kanyang sadya.

Ayon kasi sa bago niyang kaibigan na si Marivic ay may lakad daw sina Jz at ang group mate nito saBatangas. May gagawin kasi ang mga itong bagong music video sa bagong kanta raw umano ng mga ito na irerelease sa next album ng hinahangaan niyang boy group sa bansa.

"Eh kasi, Ate, magsisimba ako. Alam mo na, minsan lang ako magsimba kaya gumayak na ako ng ganito kaganda para naman matuwa sa akin si Lord, 'di ba?" pagbibiro niya.

"Hush! Mabuti naman at naisipan mong magsimba. O siya, umalis ka na. Magdala ka ng payong mo at baka umulan na naman. Hay naku, may bagyo yata kaya panay ang ulan nitong mga nagdaang araw." Wika ng ate niya.

"Sige, Ate, tutuloy na ako." Paalam niya.

"O siya, mag-ingat ka."

"Sige po, 'Te."

NAGULAT si Jz nang buksan niya ang kanyang bakal na gate para ilabas sana ang dala niyang kotse ay bumulaga sa kanya ang babaeng bisita niya kahapon na nagsauli ng kanyang wallet.

Napakunot ang kanyang noo rito ng ngumiti ito sa kanya ng sobrang tamis na animo'y dinaig pa ang asukal sa sobrang tamis.

"What are you doing here?" salubong niya sa hindi inaasahang pagpunta nito sa kanyang bahay.

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon