Chapter 5

1.7K 38 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

Chapter 5

HINDI mapalis ang matamis na ngiti ni Neszie sa kanyang mga labi, kahit na kanina'y napahiya siya sa agarang hindi pagtanggap sa kanya ni Jz sa gusto sana niyang mangyari. Paano kasi eh katabi niya ngayon angbinata sa kotse nito at ilang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa. Kaya sobrang saya niya kahit papaano dahil katabi niya ang binata ngayon. At ang puso niya ay kanina pa tumataba dahil sa mga ngiti nitong nakakataba ng puso, at wish niya lang na sana ay huwag naman siyang atakehin sa puso dahil sa sorang kasayahang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Napalingon siya sa kanyang katabi nang marinig niyang nagsalita ito. May tinawagan pala ito sa cell phone at tiyak niyang ang bago niyang kaibigang si Marivic ang kausap nito. At hindi nga siya nagkamali ng ilang sandali pa ay tumigil na sila sa tabi ng kalsada sa harap ng malaki at puting bahay sa Quezon City. Kasabay ng kanilang pagtigil ay siya namang pagbagsak ng malakas na ulan.

"Damn..." narinig niya na mahinang wika ng binata na muling may idinayal sa cell phone ito. "We're here, hurry up, okay?" anitong napalingon sa kanya. "Yeah, you're right. I'm not alone here. I'm with a friend." Patuloy nito na inalis ang mga mata sa kanya.

Samantalang siya naman ay napatili ang puso sa sinabi ng binata.

I'm with a friend? He's with his friend? Ibig ba'ng sabihin...magkaibigan na kami? Ei!

Tila kinikiliti ang puso niya sa kanyang naisip. Kaya naman hindi niya napigilang isipin kung iyon na ba ang simula ng pagkakalapit nila ng lalaking matagal ng sinisinta ng kanyang puso na maging asawa? Lihim na naman siyang napatili.

Hanggang sa namalayan na lamang niya ang nakangiting mukha ng bago niyang kaibigang si Marivic na papasok na sa kotse ng binata. May dala itong payong na agad nitong isinara ng makasakay na sa kotse.

"Hi, kumusta ka na? I never though na ikaw pala ang tinutukoy na kasamang kaibigan nitong si Jz. Akala ko, some of his group mate." Wika nito na inayos ang sarili sa pagkakaupo.

"Okay lang naman ako, ikaw? Kumusta ka na?" aniya na tudo ang ngiti sa kaibigang pumuwesto na sa likuran. Samantalang siya naman ay katabi niya si Jz, ang kanyang inangkin na asawa sa front seat. That makes her heart so happy.

"Okay lang at mabuti't nandito ka para hindi naman ako mabuburo sa daan nito. Are you going with us? I mean, sa Batangas?"

"H-ha? Ah, hindi, sa mall lang ako."

"Sa mall ka lang? Eh, bakit magkasama kayo ni Jz?"

Sandali siyang hindi nakasagot sa tanong ni Marivic. At ano naman ang isasagot niya sa bagong kaibigan? Na maaga pa niyang pinuntahan si Jz sa bahay nito para alukin ito na kunin siyang katulong nito o 'di kaya'y bilang P.A nito? Na siya namang tinanggihan ng binata? No! nakakahiya kapag nalaman pa ng kaibigan niya ang kanyang ginawa. Talagang nakakahiya.

"Eh, kasi may pinuntahan lang ako kanina malapit lang sa bahay ni J-jz," pagsisinungaling niya nang magtama ang paningin nila ni Jz nang lingunin niya ito na agad naman niyang binawi ang paningin at napakagat labi. Paano kasi eh napahiya siya sa sinisinta ng kanyang puso dahil sa mga pinanggagawa niya.

"And I saw her, so, inalok ko siya na sumakay na lang."

Dagdag naman ni Jz na siyang ikinaangat niya ngkanyang paningin dito. At tama ba talaga ang narinig niya na sinakyan ng binatang kanyang sinisinta ang kasinungaling niya? Napakagat labi siya at matipid na ngumiti bilang pasasalamat nang lingunin siya ni Jz na siyang ikinakibit balikat lamang ng huli.

"Jz," mayamaya'y tawag ni Marivic sa kaibigang nagmamaneho.

"Hmm?"

"Where's your white long sleeve?"

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon