"ONE.. Two.. three!.."
Nagbilang muna si Tiffany sa utak niya. saka niya ipinihit ang seradura ng pinto ng silid na kinaroroonan daw ni Bearlan Grylls. Nag-sign of the cross naman siya bago iyon itinulak para mabuksan at bigyan daan ang sarili niya para pumasok. Sumilip muna siya at napalunok siya nang makita nga ang binata sa loob ng magarang silid na panlalaki.
Nakapamulsang nakatayo malapit sa bintana si Bearlan. Parang may tinatanaw ito sa malayo kaya likod lang muna ng binata ang nakikita niya.
"Close the door!" Napakislot siya nang husto nang biglang nagsalita ang binata.
"O-opo," tarantang sagot niya. Napansin na pala siya.
"What's your name?"
Lumaki ang mga mata ni Tiffany. Hindi niya naman kasi siya sinabihan na may interview rito. Charot!
"Didn't you hear me? I'm asking you!"
Naubo siya. Naramdaman niyang namula ang magkabilang pisngi niya. Ang sungit naman!
"My name is Tiffany Cañete po," napilitan niyang sagot. Ay, ewan kung paano na mag-English.
"Tiffany?" ulit ng binata na hindi pa rin humaharap sa kanya. "Nice name, hah?"
Kahit paano ay natuwa naman si Tiffany o sa tamang salita ay kinilig. Ganda raw ng pangalan niya, eh.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi na napayuko at ngingiti-ngiti. Pero pinagalitan din niya agad ang sarili. "Heller?! Kinikilig ka sa isang bakla?! Tumigil ka nga Tiffany!"
Hindi niya tuloy namalayan na lumingon na sa kanya si Bearlan. At napakunot-noo ang binata dahil sa hitsura niya na parang tanga. Ngingiti-ngiti kasi siya tapos biglang sisisamangot.
"What's wrong?"
"Po?!" Biglang taas siya ng mukha. Nakatingin na pala sa kanya ang binata. Muli ay namula ang mga pisngi niya. "Grabe! Ang guwapo niya talaga! Bakit pa siya naging shukla? Sayang oh!"
"Are you okay? Is there a problem?"
"Uhmm, w-wala po"
Ngumiti si Bearlan. Na lalong nagpahirap sa kanyang damdamin. S"h*te naman kasi! Sana 'di ko na lang nalaman na bakla siya. Ang hurt!"
Bearlan put his hands in his pocket na lalo pang nagpa-guwapo sa binata. "Mom says you're my new PA?"
Isang lunok muna siya. "O-opo, Sir," saka utal niyang sagot. "Bakit ba ang hirap magsalita sa harap ng baklang 'to?"
Tumango-tango si Bearlan. "So, alam mo na ang trabaho mo? Alam mo ang trabaho ng isang PA?"
"Yes, Sir."
"Okay then, you may start now. Ayusin mo itong room ko, Tiffany."
Pinasadahan ni Tiffany ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. At bahagya siyang napakunot-noo.
"Ano'ng aayusin ko rito? Eh, ang ayos-ayos naman?" Nagtakang napatingin tuloy siya sa binata. "Niloloko ba ako ng baklang 'to?"
"Go on. Mag-ayos ka na."
Napangiwi siyang napa-"O-opo" ulit saka kakamot-kamot ulong lumapit siya sa isang table. "Ano ngang aayusin ko? Nakakatanga naman, oh!"
Nang biglang naaalala niya ang totoong pakay niya sa binata.
"Akitin mo ang anak ko! Gawin mo ang lahat para maging lalaki siya, Tiffany!" Nadinig niyang boses ni Madam Amelia sa tenga niya.
Napatingin siya kay Bearlan.
"What?" Ngunit nakatingin din pala sa kanya ang binata.
Biglang bawi siya ng tingin. Ninerbyos. "Gosh! I kennat!"
"W-wala po, Sir." Buti na lang at nakatalikod na siya sa binata kundi nakakahiya na muli nitong makikita na nagba-blush siya.
"Bakit hindi ka pa kumikilos? Do you refuse to follow my command?"
"Ahmm.. hindi sa gano'n po," sagot niya na hindi lumilingon. "Pero kasi, Sir, wala naman pong dapat ayusin dito sa kuwarto niyo po."
Hindi niya nakita ang pilyong ngiti ni Bearlan na napahalukipkip. "That's not my problem anymore. Problema mo na 'yan. Basta ang utos ko ay ayusin mo ang kuwartong ito."
Umasim ang mukha ni Tiffany.
"Sige na trabaho na," mando ulit nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang nang malalim si Tiffany. Pagkuwa'y parang tanga niyang ginulo ang mga gamit sa lamesa pagkatapos ay nang-aasar na lumingon kay bakla.
"Aayusin ko na po, Sir," aniya na parang nang-iinsulto. Subalit hindi man lang nag-react si Bearlan. Nakatingin lang ito sa kanya.
"Aisst! Baklitang 'to!" Inis niyang sinimulan nang ayusin ang ginulo niya.
Hindi na niya nakita ang pagsingkit ng mga mata ni Bearlan habang nakatitig sa kaniya. "Umpisa pa lang 'yan, Tiffany! Let's see how far you can go! Hindi lang ang tulad mo ang makakasira sa plano ko!"
Galit talaga ang binata dahil hindi ito makapaniwala na dahil sa pera ay papasukin ni Tiffany ang ganitong klaseng trabaho. Para kay Bearlan ay kabilang na ang dalaga sa mga babaeng mababa ang uri. Babaeng nasisilaw sa malaking halaga ng pera. At sayang dahil hinangaan pa naman nito ang dalaga.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
Storie d'amoreNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...