CHAPTER I: Unexpected Meeting

51 4 0
                                    

Lahat yata ay nag-aasam ng kanilang happy ending tulad ng mga napapanood sa mga pelikula o nababasa sa mga libro. Hindi ko ikakailang isa ako sa mga taong naniwala sa mga fairytales, yung tipong walang paliguy-ligoy, no complications, at predicted ang mga nangyayari. Simple ang plot, pero may "happily ever after" naman sa huli. That's the kind of life I wanted, but well. Beggars can't be choosers. Alam ko namang hindi buhay prinsesa ang nakatadhana sa akin.

Bata pa lamang ako, namulat na ang aking mga mata sa realidad na sa mga kwento lamang natutupad ang "happy ending". Na walang prince charming na sasagip sa'yo mula sa pagiging "damsel in distress", at lalong walang knight in shining armor ang proprotekta sa iyo mula sa mga halimaw. In the real world, you can only depend on yourself because the truth is, you're on your own. Everyone only cares about themselves, and if you let your guard down, they'll attack you. The only way to survive in this world is to learn to stand in your own two feet.

It's hard, but that's the life we've got to live.

Inilapag ko sa mesa ang librong kasalukuyan kong binabasa nang marinig ko ang pagtunog ng bell. Napadako ang aking tingin sa orasang nakasabit sa dingding at nakatutok na ito sa ala-sinco. Hmm, masyado yata akong nawili sa pagbabasa na hindi ko namalayan ang oras. Fifteen minutes na lamang at magsasara na ang library.

Labag man sa kalooban ko na isara ang librong hawak-hawak ko, wala akong magagawa kung di sa ibang araw na lamang ipapagpatuloy ang aking pagbabasa. Sa ngayon, mukhang kinakailangan ko nang umuwi. Wala na rin kasing masyadong tao dito maliban na lamang sa akin at sa librarian. Sabagay, halos ito naman ang palaging eksena dahil ako lang naman ang suki ng library ng school. Lucky for me, nasosolo ko ang lahat ng libro dito and this has became my sanctuary. Here, I can get lost in thousand different worlds besides my own.

Books mean a lot to me.

Pinulot ko ang mga gamit na nagkalat sa mesa at dali-daling inilagay sa aking backpack. Halos di ko na mapagkasya ang lahat dahil sa dami ng librong nasa loob na nito, kaya't pinili ko na lamang bitbitin sa aking bisig ang iba pa. Pagkatapos ay tumayo na ako at ibinalik sa bookshelf ang librong binabasa ko kanina. I looked at it longingly before walking towards the direction of the exit. Sa loob-loob ko ay ayaw ko sanang iwan ang mga characters ng kwento lalo na't nagsisimula nang maging kapana-panabik ang mga nagaganap. Kahit gustuhin ko man itong hiramin ay masyado nang marami ang dadalhin ko papauwi. Hays. Babalikan ko na lamang siguro sa susunod.

Papalabas ng library ay nadaanan ko ang librarian, si Ms. Leondale na abala sa pagliligpit ng kanyang sariling mga gamit. Nasa late twenties ang edad nito at ilang linggo pa lamang ang nakararaan nang palitan niya ang posisyon ng nagretirong librarian. Kabaliktaran ng nauna, may maamong mukha sa likod ng makapal niyang salamin at kahit mukhang mahiyain ito, ilang beses na kaming nagka-kwentuhan patungkol sa mga libro. Turns out, pareho kaming mahilig sa genre na mystery pagdating sa mga nobela at siya rin ang nagrekomenda ng binabasa ko kanina.

Nagpalitan kami ng mga ngiti bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Nadatnan ko sa labas ang mga kapwa ko estudyante na nagmamadali na ring umuwi kasama ang kanilang mga kaibigan at nobyo o nobya. Hinigpitan ko ang hawak sa aking mga gamit sa bisig ko habang pilit na dumadaan sa gitna ng hallway nang mag-isa. Nagmumukha tuloy akong nerd at loner sa lagay ko. Ewan ko ba kung nasaan yung iba ko pang kaibigan. Nagmamadali kasi akong nagpunta sa library nang malaman kong wala daw ang mga teachers kanina dahil sa isang urgent na meeting.

Buhay nga naman. Minsan, kinaikailangan mo talagang tahakin mag-isa.

"Misty!"

I snapped out of my thoughts and stopped walking when I heard my name from behind the crowd of people. However, boses pa lamang ay alam ko na kung sino ito.

Another shot(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon