FATE could've chosen a perfect time for me and that jerk to meet.
And now is soooo not the perfect time. Not tomorrow, nor the other day, but never.
Oo, ilang taon na rin ang nakalipas. Some might say na sapat na ang panahon na yun upang magawa ko siyang kausapin, patawarin, at kalimutan ang lahat. Ngunit hindi na lang basta kadali yun. He inflicted me deep wounds that still wouldn't heal right now.
He is my first love and my first heartbreak after all. Sa kanya ko unang ibinigay ang puso ko, hoping na hindi niya iyon sasaktan. Nung mga panahon na iyon, akala ko na siya na ang makakasama ko sa paglalakbay patungo sa "happily-ever-after" ko. I trusted him so much, siguro dahil na rin bestfriend ko siya.
I imagined my future with him, ngunit mukhang hanggang sa pangarap na lamang iyon. He broke my heart, my trust, and eventually my whole being.
And all that remained was bitter memories of him, and this pain.
Napabuntong-hininga ako.
Ilang taon ko ring pilit na isinantabi sa likod ng aking isipan ang tungkol kay Cleint. It was like he never existed in my life, like I've never met him.
Until now, anyway. Fate really does know how to take me by surprise.
Inilibot ko ang aking tingin sa school grounds habang naglalakad-lakad. Napagpasyahan ko kasing wag munang bumalik doon sa faculty dahil siguradong papunta doon si jerk. Susulitin ko na ang panahon na hindi ko siya nakikita dahil alam kong bukas ay simula na ng kalbaryo ko.
"Pssst! Misty!"
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko. Madilim na kaya't wala akong masyadong maaninag kundi mga anino lamang ng mga estudyanteng nagpra-practice o di kaya'y naka-upo sa benches sa gilid ng school grounds.
Hmm, sino kaya yun?
Without finding anyone familiar, lumingon muli ako sa harapan ko at sa di inaasahan ay nakasalubong ko ang makislap na mga mata ni Justin.
"Hi Misty!" bati niya sa akin na may abot-tengang ngiti. "Ano palang ginagawa mo dito sa school grounds ng mag-isa? Madilim na, ah? Sa pagkakaalam ko ay agad ka namang umuuwi."
I was not in a mood for a smile, pero dahil isa naman si Justin sa mga taong tinuturing ko nang kaibigan ay ngumiti ako out of politeness.
"Hello, Justin. Hinihintay ko lang si Richelle. May mga activities kasi siyang hinahabol," sagot ko sa kanya.
Magkaklase kami nitong si Justin nung first year kami. Magka-seatmate kami noon, at medyo naging close kami. Mabait naman siya, matalino, responsible, at may pagka-kalog din. Minsan nga lang kaming nagkaka-usap, but that doesn't mean we're not friends anymore. Sadyang mga busy lang siguro kami.
"Ikaw?" tanong ko kay Justin. Nagsimula na kaming maglakad.
"Wala lang. Naghahanap ng chix," nakangising sagot neto. I raised my eyebrow.
Tumawa siya. "Uy, joke lang. Alam mo namang hindi ako ganoon."
"Malay ko ba kung totoo yun," sabi ko nang panukso, and he nudged me on the shoulder.
"Hindi ah. I already have set my eyes on one girl," pangangatwiran niya, sabay taas-baba ng kilay. Naiintriga ako kung sino yun, but that's not my business though.
"Seryoso ka?" natatawa kong tanong upang asarin siya.
"Oo, but I haven't made a move on her yet," sagot niya. "I'm waiting for the right time."
Nakangiti siyang nakatingin sa akin nang sabihin niya iyon. Mukhang seryoso nga ito sa babaeng yun. Oh well. Ang swerte naman ng babaeng yun. May naghihintay sa kanya na isang Justin. Pero malas siyang may pagka-baliw rin tong isang to. Hahaha.

BINABASA MO ANG
Another shot(ON HOLD)
Teen FictionWho could've thought love would spring in a cold heart?