"Wag ho please? Maawa ho kayo saken! " ayaw nila magpaawat!
"Wagggg hoooo!!"
Biglang may nagsalita!
"Bitawan nyo sya!"
"Bakit? Sino ka ba? Girlfriend mo ba itong babaeng ito?"
"Hindi mo ba ako kilala? " biglang sinuntok nung lalaki yung lasing na mama at napataob niya yng mga lasing na mama
At kinarga nya ako nung tinignan ko ang mukha niya!
Si !!!!!!!!
Si Jake??
Linapag niya ako sa van!
"Mariko ! Sorry nalate ako ah? Hindi kasi pinayagn si Shirlene eh kaya ako nalang naghanap sayo"
"hindi ko na alam gagawin ko buti dumating kayo! " hindi ko mapigilan umiyak ng umiyak habang niyakap ko ang si Jake.
Habang nasa daan kami
"Hindi naman sa nanghihimasok ah? Bakit ka naglayas ?"
"Kasi .. Nalaman ko ampon lang ako! Kaya pala hindi nila ako mahal! Ngayon minahal nila ako kasi ayaw nilang kunin ako ng totoong magulang ko! Hindi ko alam kung san ako sasama! "
"Sumama ka sa alam mong totoong magmamahal sayo"
"Naguguluhan nako! Hindi ko na talaga alam" tuloy pa din ang pag iyak ko
"Iyak mo lang yan!" At yinakap niya ako.
Ihinatid niya ako pauwi at ngayon medyo kalmado na ako. At naiintindihan ko na ang lahat! Alam ko na kung kanino ako sasama .
Pagkababa namin ng kotse
"Ano? Okay ka na? Kaya mo na ba talaga silang harapin?"
"Oo , salamat ah? Parang antagal tagal na natin magkaibigan"
"Eh matagal naman na talaga tayong magkaibigan diba?"
"Ayyy oongapala!! Haha " at ayun ngumiti na din ako
Pagkapasok namin ng bahay.
"Ahh magandang gabi ho! Aalis na ho ako, hinatid ko lang ho si Mariko"
"Maraming salamat iho!"
"Ingat ka! Thank you ulit " Yinakap nya ako ulit at binulong
"Tawagan mo ko kapag nakapili ka na ah!"
"Gusto mo hintayin mo nalang ngayon, dahil nakapagdesisyon na ako!"
Humarap ako sa buong pamilya ko at
"Maraming salamat ho mama at papa sa pagmamahal at oras na binigay niyo saken , dati nagtataka ako kung bakit konti lang yung binibigay niyong oras at pagmamahal sakin . Ngayon naintindihan ko na! Na wala akong karapatan sa lahat ng yon! Kaya sorry po nanggulo ako! Maraming maraming salamat po sa lahat lahat! Mamimiss ko ho kayo!"
Yinakap ko sila mama at papa at bigla akong humarap sa mommy at daddy ko
"Pero sana ho? Kahit hanggang birthday ko nalang ho, para makasama ko pa ang pamilya ko?" Sabay tuloy tloy na pagpatak ng luha ko
"As you wish anak, Atleast now! Clear na sa lahat! So aalis na kami!Susunduin ka namin before the day of your birthday?"
"Opo"
"Pero iuupdate kita everyday para sa birthday party mo"
"Yes po" yinakap ako ni mommy at umalis na siya
Linapitan ko si Jake
"Best Actress ah!"
"Naman! Hahaha nako lance! Sige na uwi ka na! Thank you ulit"
