Limang taon na ang lumipas. Hayyy ewan. Kung bakit naging ganto! Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung taong nanakit sakin ng sobra sobra. Bakit mahal na mahal na mahal ko pa din ba sya? Nasan na kaya sya? Naalala ko pa bago sya umalis ..
*Flashback*
Pagkatapos ng bday party ko, araw araw akong sinusuyo ni Zack kaso hindi ko sya pinakinggan hanggang sa isang araw may napanuod ako sa Tv.
"EKSLUSIBO. Zack, nakikipag away nga ba gabi gabi sa Bar? Live!" Sabi nung host
Tapos pagkatapos ng commercial.
"GoodAfternoon Zack. Welcome to the show" bat may iba sa itsura niya? Yung parang kulang na kulang sa tulog?
"Diretsahang tanong. Pumunta ka nga ba sa bar gabi gabi?"
"Opo" matipid niyang sagot na parang naluluha
"Nakikipag away ka nga ba?"
"Opo. And I'm sorry sa mga nadamay, hindi ko naman talaga gusto yung mga nangyari kaso" ayoko na. Papatayin ko na to.
"Mahal na mahal ko po si Mariko." Naluha ako pero Anong connect nun?
"Bakit naman nadamay dito ang dati mong kasintahan na si Mariko?" Pagtataka din ng host.
"Kasi alam kong hindi nya hahayaang masira ang career ko. Alam ko po na kapag nabalitaan nya to, hindi niya ako matitiis." Tama na please? Masakit na.
"Mariko, please mahal na mahal na mahal kita. Sana maniwala ka naman sakin o. Sana patawarin mo nako." At ayun pinatay ko na talaga.
Ilang linggo nakalipas. Hindi na sya pumupunta sa bahay, ewan bakit hinahanap hanap ko sya? Nabalitaan ko okay na daw sya.
"Atiiii!" Sigaw nung katulong namin
"Bakit po? Ano pong nangyare? " syempre tumakbo ako pababa kala ko naman anyare tapos ayun pala
"Eto o manuod ka" sabi niya
"So totoo nga bang aalis ka na ng Pilipinas at hihinto na ang career mo?" Mukhang maayos naman na si Zack ngayon, balik na ulit sya . Ang pogi niya na ulit. Hayyy ano ba to? Pero totoo kaya?
"Opo. Haha" goshhh. Iiwan niya na nga talaga ako. Sumuko na sya. Pero bat ko pa ba kasi sya hindi pinakinggan? Hayyy
"Pang habang buhay na ba yun? O temporary lang?" *Tugudug tugudug*
" well I guess. :) dun ko na mahahanap yung kasiyahan ko." Aww gosh bat para may 100 knifes ang sumaksak sakin? Hindi ako papayag.
"Kelan ba ang alis mo?"
"Mamaya po" agad agad? Gosh!
Biglang may inabot sakin si yaya. Tissue?
"Lumuluha ka na po kasi e" ayy hinawakan ko yung pisngi ko. Hindi ko man lang naramdaman.
Hindi ko hahayaang umalis yung taong mahal ko. Pero pano na yung sakit? Hahayaan ko nalang? .. Hayyy. Ilang oras nakong tulala hanggang sa naalala ko yung happy memories namin ni Zack. Tama! Mahal ko sya at dapat hindi ko sya pakawalan.
OO! Kinuha ko agad yung bag ko tapos tumakbo papunta sa bahay nila Zack kaso ang traffic. Edi tinatawagan ko nalang si Zack. Kaso cannot be reached. Ahhh! Tanga mo Mariko! Bat ngayon mo lang naisip yan ah? Sa airport nalang ako nagpahatid.
"Ma'am, hindi ka ho pwedeng makapasok" sabi nung guard.
Pero tumakbo ako tapos hinabol nila ako habang tinawagan ko yung kaibigan ko.
"Hello. Andito nako sa loob. Asan na sya Charles? Salubungin mo ko hinahabol ako ng mga guards" yess. Si Charles kaibigan ko anak ng business partners nila mommy.
Ayun! Si Charles tapos napahinto yung mga guards.
"Andun ! Bilisan mo Mariko! Andun si Zack. Paalis na sya!"
Tumakbo ako. Ng tumakbo. Ng tumakbo pero.....
..
Hindi ko na sya naabutan.
Oo. Hindi na. Siguro kung mas maaga kong napag isipan eh di sana. Sana naabutan ko sya.
*end of Flashback*
*knock knock* ayy may kumakatok pala.
"Pasok!" Sabi ko tapos pumasok sya
"Hi Babe." Tapos hinalikan ako sa cheeks.
~||~||~||~||~||~||~||~||~||~||
Yeahh. Finally naupdate ko din haha
Wag tayo susuko Mikash. :) <3