Panimula ng Kabanata 1: Ang Pang-araw araw na pamumuhay ni Honoka

39 0 0
                                    

"Binibining Honoka gumising ka na po, kailangan n'yo na pong pumasok sa iyong unibersidad."

Iyon ang boses ng kanya private assistant  at pilit s'ya nitong ginigising.

"Iidlip lang ako ng limang minuto pa Miss Sandy tapos bababa na ako."

tugon ni Honoka.

"Kanina ka pa humingi ng limang minuto sa akin at baka mahuli ka na sa una mong klase. Sige na bumangon ka na." 

tugon ni Miss Sandy.

"Sige na nga." sagot si Honoka sa inaantok na boses habang nagkakamot s'ya ng ulo.

" sagot si Honoka sa inaantok na boses habang nagkakamot s'ya ng ulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Siya si Honoka Yahagi, dalawampung taong gulang. Nag-aaral s'ya sa unibersidad ng INK Tokyo. Ang kinukuha n'ya kurso ay BS Food Technology. Nag-iisa lang s'yang anak ng mga magulang n'ya. Ang totoo, sila ang may-ari ng pinapasukan n'yang unibersidad, kaya sa tuwing papasok si Honoka sa INK Tokyo, binabati s'ya ng mga profesor at estudyante doon lalo na ng mga guwardiya at janitor. Twin pony ang palaging ayos ng buhok ni Honoka. May ugali rin s'ya na hinahawakan ang hibla ng buhok n'ya at ngingisi sa ikatlong mga kadahilanan...

Hindi n'ya gusto kausap n'ya

Gumagawa s'ya ng palusot

O naiilang s'ya sa kausap n'ya

Meron s'yang apat na tapat na mga kaibigang babae, ang pangalan nila ay Micah, Eunice, Heidee at Karla. At meron din s'yang matalik na kaibigang lalaki na nag-aaral din sa INK Tokyo nguni't hindi pa sila nagkikita ng personal, paano nangyari yun?

Biglang tumunog ang cellphone ni Honoka habang kumakain s'ya ng almusal at binasa n'ya ang mensahe mula sa LINE app.

"Pagkatapos ng klase mo mamayang alas kwatro ng hapon, magkita tayo sa hardin sa may likod ng librerya. Magpapakilala na ako sa'yo kaya pakiusap, tumugon ka sa mensahe na ito, sori na." 

tugon ng matalik n'yang kaibigan.

"Hay sa wakas! magpapakilala na rin s'ya ng personal!" 

medyo napalakas ang boses ni Honoka at narinig ito ni Miss Sandy.

"Ano ba yan date?" 

mausisang tanong ni Miss Sandy kay Honoka.

"Huh?! eto yung matalik kong kaibigan na nakilala ko sa LINE. Isang taon na kami magkaibigan pero ayaw n'ya pa rin makipagkita kaya sinabi ko sa kanya na kapag 'di s'ya nakipagkita sa akin, 'di ko na s'ya kakausapin. At lilinawinko lang, hindi kami magde-date Miss Sandy, makikipagkita lang ako sa kanya. Isasama ko ang mga kaibigan ko, ipapakilala ko rin s'ya sa kanila."

Tugon ni Honoka sa masayang masaya na boses. at nagtatype na s'ya ng tugon n'ya sa matalik n'yang kaibigan.

"Sige, iintayin kita do'n. Bawal magbago ang isip ha!"

Tugon ni Honoka sa LINE chat.


Nung mabasa ng matalik na kaibigan n'ya yung sagot ni Honoka napangiti s'ya.

"Sa oras na magkita kami, sasabihin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya."

--dito nagtatapos ang panimula--


Me and the Bachelors 2016 (Tagalog Story) ~ON-GOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon