Not Ordinary 7

31 2 0
                                    


▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶
CHAPTER SEVEN
◀◀◀◀◀◀◀◀◀◀


Gab Pov

Naglalakad kami ngayon, habang si Anndy tuloy parin ang pagiwas sa akin. Ano báng problema nya? Gusto ko lang naman maging kaibigan sya kahit may gusto ako sa kanya. Oo aaminin ko nagustuhan ko sya nung unang nakita ko sya sa school, baduy man pakingan pero na love at first sight ako. Yung kantang kinanta ko nga kagabi para sa kanya yun.

Teka bakit ang tahimik ni Alex at Magi? Kalako ok na si alex, friends na nga kami. Kalako titigil na yung kasungitan ng lalaking yan pag nagkaroon na ng kaibigan pero bakit parang walang nagiba.

Sumingit ako sa gitna ni Alex at Magi.....

"Oh bakit ang tahimik nyo?" sab ko

Biglang tumingin sa akin ng masama si magi, parang sinasabi ng tingin nya ay Shut up!!

"Tol ano ba problema?" tingin ko kay alex

"*Iling* wala" wala?

"Bakit ang tahimik nyo?"

"Diba sabi ni alex wala?" sinamaan nanaman ako ng tingin ni magi

Umalis nalang ako sa gitna nila at pumunta sa likod, mukhang may problema yung dalawa. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si anndy. Tumingin ako sa kanya,

Anndy, bakit mo ako nilalayuan? Bakit ka ganyan sa akin? Wala naman ako nagawa ah? Bakit ayaw mo tumingin? Huy tumingin ka, anndy.

"Bkit?" 0_0 nakatingin pala sya

"Ah......eh....ih.....oh.....uh?"

Umiwas sya ng tingin sa akin at patuloy na naglakad, bakit ba ayaw nya ako titigan? Hindi naman panget mukha ko ah.

Naglakad lang kami magdamag ng walang pansinan, hangang sa magdilim na. Kagaya ng ginawa namin huminto muna kami at magpapalipas ng gabi.

Ng biglang may narinig akong kaluskos, tatlo sila, hindi sila mga tao.

"Ummm guys, may bisita tayo" sab ni magi na nakaturo sa harap nya, napatayo kaming lahat ng may makita kaming tatlong wild wolf

"Ako ang lalaban" sab ni anndy

"Tutulong ako, masyadong mapahamak ang mga wild" sab ko

"Ako din tutulong" sab ni magi

"At pano ako?" tanong ni alex na nakapamewang

"Alam mo alex kasi ano eh..... special ka sa amin kaya ayaw naming mapahamak ka" pagsisinungaling ko

  Biglang nagsisuguran yung tatlong wild wolf. Dinambahan ako ng isa, napahiga ako at yung dalawang paa ng wild wolf ay nasa balikat ko kaya hindi ako makagalaw.

  Inis!!.. Pano ako makakaalis dito!!?. Hindi ko naman pwedeng kagating ang paa nya, delikado ang dugo ng wolf sa katawan ko. Isip!!

  Biglang parang nanghina yung wolf at dumagan nalang sya sa akin, tinulak ko naman sya at bumangon ako at nakita ko si alex na nakatayo sa tabi ko.

Anong ginawa nya? Parang yung ginawa nya rin saakin nung una kaming nagkita nung binuhat ko sya at hinawakan nya ako sa kamay bigla akong nanghina. May lahing witch ba to?

"Oh anong gagawin mo tatayo nalang at hihintayin mo sugurin tayo nyan?" sab ni alex

"Sungit mo padin"

"Nakasanayan kona, masanay kana"

Nilagay ko yung ulo ng wild wolf sa braso ko at sinakal ko sya pamamagitan ng braso, ng hindi na makapalag yung wild wolf binitawan ko na sya.

Nakita ko si anndy na nakikipaglaban sa isang wolf, teka, wolves si anndy bakit di sya magtransform para maging wolf?
Nakarmot si anndy sa kamay nya, at naitulak sya ng wild wolf sa puno. Pupuntahan ko na sana sya ng pigilan ako ni alex at magi...

"Kailangan nya ng tulong, matatalo na sya" sabi ko

"Di nya kailangan tulong mo" di ko kailangan opinyon mo alex!

"Malakas ang Wolves kaysa sa wolfs" sab ni magi

Biglang tumayo si anndy at unti unting nagkakaroon ng balahibo at naging malaking wolf na kulay puti, mas malaki pa sa wild wolf. At biglang sinakmal ng wolf na anndy yung wild wolf sa leeg at ng ilang oras di na pumipiglas yung wild wolf, binitawan na sa pagkakasakmal ni anndy yung wild wolf.

"Diba, masmalakas ang mga wolves" sab ni magi

Tumalikod yung wolf version ni anndy at biglang tumayo, at onti onti nagiging tao.

"Talikod!" sigaw ni magi, tumalikod naman agad kami ni alex

"Alex may jacket ka dyan?" tanong ni magi

"Meron ako sa bag" sigaw ni anndy

Ilang oras nagtagal na nakatalikod lang kami ni alex.

"Ok na" sab ni magi, humarap na kami ni alex

"Teka bakit wala kang sapatos?" tanong ni alex

"Nalimutan ko hubarin kaya nawasak" sab ni anndy

"Wala ba kayong sapatos o tsinelas man lang sa bag nyo?" tanong ni magi

"Puro pagkain at damit laman ng bag ko eh" sab ni alex

"Teka" hinalungkat ko yung bag ko at nakita ko yung sapatos kong puti na Nike
"Eto oh suutin mo muna" sab ko tapos binigay ko kay anndy

"Salamat" sabay sinuot na ni anndy

Kumain na sila ng pagkain nila at uminom na ako ng capsule para hindi ako manghina. Umakyat ako sa isang puno para makita kung malapit na kami sa palasyo ni vow.

Ng makaakyat na ako wala akong makita kundi makakapal na ulap. Siguro malayo pa kami. Nag stay muna ako ng ilang minuto sa taas, ang hangin kasi sa taas di katulad sa baba, parang akong hangin kay anndy. Hindi ako mangitian, mi titigan nga eh. Ano bang problema nya?

Ng bumaba na ako nakita ko tulog na yung dalawa at si anndy nakaupo pa at hindi pa nakahiga. Ng makita nya ako bigla syang humiga sa tabi ni magi at tumalikod, humiga na ako. Anong problema ng babaeng to?

Isa pang iwas nya sa akin mapipikon na ako sa kanya. Si Alex at Magi kinakausap nya pero ako hindi. Natatakot ba sya sa akin? Dahil Vampire ako? Anong problema nya sa bampira?

"Sige isip pa" bulong ni alex sa tabi ko

"Bkit gising kapa?" tanong ko

"Kasi may katabi akong lalaking maraming iniisip at pabaling baling" sab nya

"Sorry naman ah!" sab ko

Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Sinubukan ko matulog pero hindi ako makatulog!! Gusto ko malaman kung bakit ako iniiwasan ni anndy! Bukas talaga dederetsohin ko na sya!!.

*****************

A/N: Natatamad ako mag isip ng kung anong mangyayari sa apat kaya sorry kung walang kwenta ang part na to. Salamat padin at napagtiisan nyo..

Not Ordinary SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon