Not Ordinary 1

132 5 0
                                    

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶
CHAPTER ONE
◀◀◀◀◀◀◀◀◀◀

Alexavier Pov

Kainis! Bakit ba kasi sa Warrior School Academy ako pinasok nila mom at dad, yan tuloy palagi ako nagigising ng maaga! Tapos ang School na yun hindi pa normal! Buti nalang tatlong araw lang ang pasok at palaging pang umaga lang, kung araw araw toh, what the! Hindi na ako makakatagal.

Ang layo pa ng school namin! Kailangan pa lumipad bago kami makarating. Eto naman si mom sabi nya Anak dito ka mangupahan para malapit lapit ang school, Oh ano nanyare? Malapit ba? Sobrang layo panga eh!! Kabanas na buhay to!! Fourth year na ako sa next year nga graduating na ako, pero para parin akong bata na palaging sinusunod sila mom at dad, at eto pa ang dahilan nila Anak dun ka mag aral sa Warrior para hindi mangyari ang nangyari sa inyo dati, Past is past na! Hindi na uli mangyayari yun! Umiiwas na nga ako magkaroon ng kaibigan eh!!

Bumangon ako sa kama at naligo ng ilang minuto, at nagluto ng almusal ko at kumain sandali...

Kainis pa dito sa inuupahan ko! Dalawang palapag nga sino naman tumitira? Ako lang, sana naman diba yung simple lang yung bahay na pinili nila, saka pwede naman akong duon nalang sa bahay nila dad eh!..

Pagtapos ko kumain lumabas na ako at hinintay yung service namin... Maya maya dumating na at sumakay na ako..

May service kami, kasi hindi basta basta yung school namin, may portal na dapat pasukan ng service para makapasok kami, kaya para mabilis lumilipad nalang yung service namin. Oo lumilipad! Gulat kayo no? Ako din yung una, pro nung nalaman ko na witch yung nag dadrive ng service namin naging ok na ako, malaki ang utang na loloob ko sa mga Witch, halos utang ko nga ang buhay ko sa kanila

♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Pagkarating ko sa school pumunta na ako sa room ko at umupo sa upuan ko, tinignan ko yung orasan. 4:30 am, aga no? Manenermon pa kasi si leader, at masaklap pa nun kaklase ko ang leader ng mga tao. Maka masaklap eh no kala mo kung sino?...

"Hoy! Listen!! Ipinapaalala ko lang sa inyo na wala kayong karapan mag stay dito para makita ang ibang mga class!! Nagreklamo ang leader ng Witch class! May mga taong babae daw siyang nakita nung friday na nagbibigay ng kung ano sa mga lalaking witch!!! Pwede ba girls! Bawas bawasan nyo yang mga kalandian nyo!! Pwede kayong mapahamak sa mga ginagawa nyo! Buti nalang mababait ang mga Witch class, kung sa wolves at vampire class kayo pumunta sigurado patay na kayo ngayo. Kaya yung mga nagpaplano na magstay dito mamaya after class , sinasabi ko sa inyo di nyo gustong magalit ako. Malala pa ako sa wolf at Vampire!!.. Ikaw Marie! Nakita kadaw duon kasama ang ibang mga section! Babawasan ko ang grade mo ng 50 points!!"

"Pero leader, hind ako makakagraduate next year pag hindi ako naka 200 points"

"Hinde! Babawasan ko parin grade mo! Sinuway mo ang rules dito sa Academy"

Lakas manermon ni leader no? Lakas pa manakot, kala mo kung sino tao lang din naman, mayroon lang syang kakayahang magbawas ng grade na kahit sino saamin kaya lakas manakot. Pero sya nga lang ata nakatiis sa ugali ko, sa kanya lang ako naging close, yung iba hindi nakaya ang kasungitan ko.

Not Ordinary SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon