Not Ordinary Awake 18

29 3 0
                                    


▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶
CHAPTER EIGHTEEN
◀◀◀◀◀◀◀◀◀◀
DAY 1

Alex Pov

Asan ako? Bakit ang dilim? Wal akong makita. Patay naba ako?

"Tao namiss mo ba ako?"

"Vow? Bakit buhay kapa? Anong ginawa mo sa mga kaibigan ko?"

"Sa kaibigan mo wala, pero sayo meron!!! Hahahah!!"

********************************************************

Dilat

Huh!!? Panaginip lang pala. Bakit may bandage ako sa leeg? Oo nga pala, nakagat ako ni vow. Pero bakit buhay pa ako? Alam ko nawalan na ako ng hininga nung kinakausap at pinagmumura ako ni magi.

Bumangon ako, nasa Clinic ako ng Warrior Academy. Ako lang mag isa, walang katao tao. Nakabalik napala kami.
Tumayo ako at lumabas sa clinic, naglakad ako papalabas ng building, ewan ko biglang nasilaw ako sa araw.

"Ahhhhww" aray!! Napaso ako sa araw! Nalimutan ko yung snabi ni master. May mga side effects pala pag kinagat ka ng vow, pero 20 days lang naman kaya kong tiisin.

Kumuha ako ng payong at sunglasses sa classroom namin. Sinubukan kong pumunta sa office ni master pero naka lock, pumunta ako sa sakayan ng mga service pero walang mga driver.

Buhay paba ako? Parang patay naman na ako walang tao ang nagpapakita sa akin. Baka naman kinalimutan na nila ako, o di kaya..... Ako lang.....nakaligtas? Hind!! Bakit napunta ako dito kung ako lang nakaligtas? Alam ko nakaligtas silang lahat. Saan ba ako pupunta? Alam kona. Sa Secret Garden.

Sinuot ko ulit ung sunglass ko at binuksan ang payon. Ng maka dating na ako sa tapat ng secret garden nag enter na ako ng code. Unti unting bumukas yung pinto. Unti unti kong nakita sila Magi, Anndy at Gab, pati na yung apat na leaders nasa isang table silang lahat at seryosong nag uusap usap kaya di nila ako napansin.

Sabi ko nangaba eh. Buhay sila, lahat. Nailigtas namin lahat ng mga leaders. Nakauwi kaming laht. Hindi na importante kung sino nakapatay kay Vow, ang importante buhay kaming lahat.
Mga manhid tong mga to! Hindi parin ako pinapansin!.

Pumasok na ako at sinara ang payong. At sa hindi sinasadyang pagkakataon nadapa ako! Diba awkward, gugulatin ko nga sana eh.

"Aray" tumayo ako agad, pagtingin ko sa kanila nakatingin lahat sila sa akin. Nakakatakot, parang mga zombies hindi kumikibo nakatingin lang sa akin.
"Baka kainin nyo ako ah?" biro kong sabi

"Alex!!" sigaw ni leader sabay takbo sa akin at yakap. Lahat sila sa akin

"Welcome back" sab ni magi

"Welcome back? Parang tagal ko nawala ah" sab ko

"Sinabi mo pa, napatagal ka nga ng tulog" sab ni Anndy

"Talaga? Ilang araw?" tanong ko

"One weak" sab ni gab

  One weak!? Kanun katagal ako nakatulog? Edi pala nakaka pitong araw na ako. Pero sab ni Master magsisimula lang ang 20 days pag nagising na ako, kaya balik sa 1 day.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin alex. Kayo! Diba kayo magpapasalamat? Niligtas nya kayo diba" tingin ni leader sa mga leaders

"Oo eto na. Salamat sa pagliligtas, bilang ganting pala, eto ang sun protection ring, para di ka mapaso sa mga sinag ng araw. Ako nga pala si Hoem Rodrigues, leader ng mga Vampire" kinuha ko yung singsing at sinuot ko sa hintuturo ko, dalawa na singsing ko

"Salamat leader hoe"

"Ako si Caroline Mendosa leader ng mga witch, salamat sa pagliligtas"

"Walang anuman"

"Gleen Marasigan leader ng mga wolves, salamat"

"Walang anuman din"

"Mary Anne Rotas, leader ng ------"

"Alam mo leader kahit di kana magpakilala kilalang kilala na kita, sa mukha mong yan palagi kong nakikitang nagsesermon" biro ko at nagsitawanan naman sila

Nagtagal kami ng ilang oras sa secret garden at pinaliwanag lahat lahat ng nangyari mula nung namatay ako hanggang sa maka uwi kami.

Akalain mo yun linggo pala ngayon kaya walang katao tao sa Academy, at ako pala nakatalo sa vow. At ang lakas ko padaw sobrang lakas. Nung pagtapos ko daw mawalan ng malay nung napatay kona si vow bumalik na kami sa Academy, wala daw silang naging problema sa pag uwi. Pero parang may nangyari talaga nung pauwi na, pero hayaan mo na yun, maliit na bagay lang yun...

************************************

Hinatid ako ni Magi sa bahay gamit ang magic broom nya. Pero parang may kakaiba sa kanya, parang ang tahimik nya. Ang kilala kong magi madaldal eh, bakit may nagbago?

"Sige pahinga kana" sab ni magi

"Teka magi"

"Bkit"

"Ano kasi eh...." tatanong koba?
"May... Problema ba?"

"Huh? AHAHAHAHAHA!! BAKIT MO NAMAN NASABI YAN!! WALA WALANG PROBLEMA AHAHAHAH" habang tumatawa pumapalo sa balikat ko

"Aray aray"

"SOREY KASI IKAW EH"

"Ako pa ngayon may kasalanan? Pero yung totoo"

"Wala nga"

"Promise?"

"Matulog kana"

Sabay umalis na sya. May problema kaya duon sa babaeng yun, mukhang wala naman tingnan mo nalang yung pagtawa nya, yan problema nya sakit sa utak.

Welcome sa bahay ko. Nakakamiss tong bahay na to, ilang linggo din ako di nakatulog at kumain dito. Masaya akong nakabalik dito, masaya akong nakabalik kaming lahat. Ilang Buwan nalang mag gagraduate na ako.

Umakyat ako sa kwarto at naligo, namiss ko yung mainit na tubig. Ng matapos ako maligo kumain na ako at maaga natulog, papasok pa ako bukas.

********************************************************

Ako si Alexavier Max Guevara, masungit, suplado, palasagot na tao. Sa loob ng ilang linggo nakahanap ako ng mga bagong kaibigan, nakahanap ng totoong sandalan at nasagutan lahat ng tanong sa isip ko.
Nag aaral ako sa Warrior School Academy,  kung saan nag aaral ang apat na hindi ordinaryong nilalang.

Dito nag uumpisa ang hindi ordinaryong storya ko, dito magsisimula ang storya ko sa Academy kasama ang mga kaibigan ko.

The Beginning

*********************************

A/N: Gaya ng nabasa nyo Simula palang, hindi pa tapos. Pero super salamat po sa lahat na nagbasa at tumapos ng Season 1. Opo may Season2, hindi sya part2, SEASON2. Salamat po.

Not Ordinary SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon