Not Ordinary 31

20 2 0
                                    


▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶
CHAPTER THIRTY ONE
◀◀◀◀◀◀◀◀◀◀
Day 12.2

  Paggising ko nasa office na ako ni master, lahat sila nagpupulong pulong sa table ni master na parang may pinag uusapan. Nakahiga lang ako sa sofa, hindi pa nila alam na gising. May bandage ako sa balikat ko.
Dahan dahan akong umupo sa sofa, at tumayo.

"Gising kana pala" nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko

"Alex?"

  Nagsitinginan lahat sila sa akin. Ang kaninang mga seryosong nag uusap upan ngayon parang mga zombies makatingin na parang gustong gustong kainin yung utak ko.

"Miss Magi, ok na ba kayo" tanong ni reiji habang inupo ulit ako sa sofa

"Ok lang, buti nga walang napahamak sa atin kanina"

  Pagkasabi ko ng mga salitang yun, bilang nagsitahimikan sila. Kinabahan ako sa mga muka nilang walang expression, lalo akong kinabahan ng makita ko si mark na duguan yung damit.

"Mark, diba dugo ko yang nasa damit ko?" ikinainis ko ng yumuko lang sya at parang nanggigigil sa pagkakahawak sa isang sumblerong duguan din
"Mark, ka-kaninong sumble----" naputol ko ang sasabihin ko ng maalala ko na sumblero ni paul yun
"Mark!! Asan si paul!!?" hindi ko kasi sya makita
"Pwede ba sagutin nyo ako!! Mga pipi ba kayo!!"

"Miss magi, kumalma ka"

"Kasalanan mo to!!!" sigaw ni mark at lumapit sya kay alex at sinuntok, napaupo si alex
"Kasalan mo kung ano nangyari kay paul!!!" sinuntok ulit ni mark si alex

"Tha epip leoun" nagsitalsikan si mark at alex sa magkabilang dingding ng kwarto

"Ano ba nangyari kay paul!!?" sigaw ko

"Nabaril sya sa ulo" pagsabi ni master, nanghina katawan ko
"Pinabura ko yung alaala ng mga magulang nya tungkol dito sa Warrior Academy para hindi masira ang pangalan ng School natin dahil may namatay."

"T*ng*nang alex, kasalanan mo to!! Mula nung nagka amnesia ka nagulo na buhay ni paul" sigaw ni mark

"T*ng*na mo rin. Kasalanan ba nya na nagka amnesia ba sya" sagot ni gab

"Tama na yan, walang mangyayari kung mag aaway away kayo" awat ni anndy

"Punyemas!!! Bakit mo ba kasi kami niyaya sa grupo mo alex!! Nananahimik na nga kami!!" susugod sana si mark ng awatin sya ni baste

"Tama na nga yan!! Mag siuwi na kayo, ipapatigil ko muna ang Warrior Academy ng isang lingo para makapagpahinga din kayo" sab ni master

"Tara na miss magi" patayo na sana ako ng biglang may narinig akong bulong ni alex na ikinainis at kinakulo ng dugo ko at nagtulak para masampal sya.

"Bakit ba kasi di nyo na ako layuan, wala naman akong hinihiling na tulong sa inyo para lumapit kayo sa akin"

*Slam*

"Damn Alex! Manhimik ka nalang. Kahit hindi mo hinihingi ang tulong namin lalapit at lalapit padin kami dahil kaibigan ka namin, hindi mo ba naiintindihan yun?"

Not Ordinary SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon