6. Ang ex-boyfriend (╥﹏╥)
|Macah Kim POV |
"Sino ka at bakit mo pinagsisigawan ang pangyoalan ng apo ko?" napawi ang wagas kong ngiti ng marinig ang salitang 'apo'. Kumurap-kurap ako ni-process sa utak yung sinabi niya. Namutla ako ng mag sick-in na sa akin ang lahat. "At anong love rain ang pinagsasabi mo?" nalaglag ang panga ko at bumara ang lalamunan. Nangatog yung tuhod ko sa nerbyos. What the hell?! Lola ni Zero? Meaning owner ng Cross Academy? The fvckers! Seriously? OH MY GOD!
Tumaas ang kilay niya at ni-head to foot ako ng tingin. "Ginugulo mo ba ang apo ko?" Napalunok ako.
"H-hindi po," >__<
"Stalker ka ba ni Zero?" nalaglag ang panga ko. Paanong alam niya? Shet! >O< Bumaling ako sa mga bodyguards niya. Ang talim ng titig nila saken. Nanuyo yung lalamunan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Stay confident Macs! "Hindi po ako stalker," I lied. "Classmates po kami at... at m-manliligaw niya po ako," napapikit ako sa hiya. Tahimik. Walang umimik. Minulat ko ang isang mata ko at nawindang ang sistema ko ng makitang laglag ang panga ng lola ni Zero.
"A-anong sabi mo?" napa urong ako ng makitang excited siyang lumapit saken. "Manliligaw ka niya? Ni Zero? Tama ba yung narinig ko iha?" wala sa sarili akong tumango-tango. Di ako makapaniwala na kausap ko ngaun ang owner ng Cross Academy at gosh, lola ni Zero! Nakakakilig! >O<
"O-opo. Gusto ko po kasi talagang maging kaibigan ni Zero pero may requirements po pala? Kailangan yung maganda at mayaman. Di po daw kasi ako qualified. Kailangan ng courting stage." Ngumiti ako at nahihiyang napakamot ng ulo.
Umaliwas ang mukha ni madame at laglag ang panga ko ng ngumiti siya. "Pinayagan ka ba talaga ni Zero na ligawan siya? Para maging magkaibigan kayo?"
Ngumiti ako at tumango-tango. "Opo. Ahm... bukas na daw po ako magsisimula. Hehe!" nabigla ako ng tumawa ang lola ni Zero.
"Talaga? Sinabi ba talaga iyon ni Zero?" wagas na nakangiti ang madame. Bakit parang sumaya siya bigla?
"Pumayag na po siya. Di nga din po ako makapaniwala ye. Sobrang saya ko." Ngumiti ako. Tumango-tango si madame.
"What's your name iha?"
"Ako po si Macah. Macah Kim. Macs, Mac o kaya Mac-mac ang nickname ko!"
Tumawa siya. "Bakit ka basa?" nahiya ako ng tumitig siya sa basang damit ko. Mukha akong basang sisiw at sa harap pa ng lola ni Zero! Gosh!
"Ah eh... Yung payong ko po, pinahiram ko kasi kay Zero. Wala po kasi siyang payong eh ang lakas ng ulan kaya hinatid ko siya." Di ko sinabing di ako ni-share ni Zero sa payong. Aba, baka pagalitan siya! Ayokong mapagalitan ang loves ko! ^O^
Bumuntong hininga siya, "Let's go iha. Magpalit ka muna ng damit mo sa condo ni Zero. Di ka pweding umuwi ng ganyan. Magkakasakit ka."
Nalaglag ang panga ko, "Hala! Wag na po! Malapit lang po yung condo ko," di ako pweding pumasok sa condo ni Zero kahit na gustong gusto ko pa. Baka magbago ang isip niya pag nakitang nasa condo niya ako! (ㄒoㄒ)
Wala na rin akong nagawa. Anong laban ko sa owner ng Cross Academy? Nanlulumo ako habang pinapanood ang pagpindot ng passcode ng isa sa mga bodyguard ni madame. Bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko. Wow! Wow lang... at ang kalat! Nasurpresa kami don. = ___= May mga can ng soda na nakakalat sa floor. Bote ng beer, mga chips at kung ano-ano pa ang mga nagkalat naman sa living room. Kahit saan ako tumingin, makalat! Much messy than my room! I didn't expect na meron pang mas makalat saken.
"You know what to do," tumango ang mga pinaka matangkad na bodyguard ni madame at mabilis na umalis. Pagbalik niya, may home cleaner service na siyang kasama. Kumurap lang ako at parang magic na nag disappear ang mga kalat sa harap ko. \(◎o◎)/