Chapter 10 ~ Ang magnanakaw

1K 23 6
                                    

MERRY XMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR WATTPADERS! :D Hows your christmas? LOL This chapter is dedicated to everyone. Enjooooy, muaps! Jey_elle x))

* * * *

10. Ang magnanakaw (o゚□゚)o

|Macah Kim POV| Z( ̄_ ̄#)

"I find you, so weird. Sino ka ba talaga?" kumabog ang puso ko ng diretso ang matalim niyang titig saken. Ayan nanaman ang napaka mataray niyang mata. Nakakanerbyos! >__

Napaubo ako at nanliit ang mga mata niya. Namutla ako ng mas matama niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung mahihimatay ba ako sa kilig dahil ang lapit ng mukha niya saken o mahihimatay ako literally dahil tangena, mukhang mabibisto ako neto!

Umiwas ako ng tingin at kaagad na nag process ang magaling at sinungaling kong brain. Ang matalino kong utak nalang ang masasandalan ko sa mga sitwasyon'g ganito. Ako si Macah Kim, matalino. And there's no way I'll let him finds out. Not now.

"Eh? Dami ng nagsabing weird ako ye. Pang isang daan kana siguro!" humalakhak ako. "Saka anong sino ako? Si Macah Kim uy! Ka sad! Limot mo na agad?" ngumuso ako.

"Wag mo kong ginagago." seryoso ang itsura niya. "Ayoko sa lahat, yung niloloko ako. Lokohin mo na ang diyos wag lang ang isang gaya ko."

Nalaglag ang panga ko.

"B-bat naman kita lolokohin?" napalunok ako. "Nawi-wirduhan ka ba sa kusa kong pamimigay ng cellphone ko? Eh kase... Nakakatakot yung si manong! Baka ano pang gawin niya saten pag pinatagal ko pa! Rinig mo yung sinabi niya? May patalim siya! Creepy! >__

Hindi siya umimik. He just stare at me as if he don't believe me. Grabe! Tanga ko kase ye. Tammy's right. Hindi ko magawang pangatawanan ang pagiging poor ugly nerd ko. Ano ba kase 'tong pinasok ko? Lagi akong nag-iinarte at padalos-dalos nalang. Shet, I always forgot! Sarap sabunutan ng buhok ko. Ahhhh!!

"Yung... yung ukay-ukay? Hindi ko alam kase wala namang ganun sa Cebu? Hindi ako nagbibili ng damit. Puro bigay at secondhand lang! Hindi naman ako naglalabas kaya wala akong alam sa mga ganto. Hehe!" ngumisi ako pero kaagad din akong sumimangot ng makita kong walang pinagbago ang reaksyon niya.

"Alin pa ba? Ah! Yung, f-fishball? Kaya hindi ko alam. Ano kase," napakamot ako ng ulo at nag-isip. "Kase ano... Kase health conscious si mommy este si nanay pala! Oo, tama! Health conscious si, si i-inay at ayaw niya akong kumain ng streetfoods." napangiwi ako. Nanay at inay? Phew! Marinig ako ni mommy ngaun, baka ipatawas ako ng di oras nun. Mabibilaukan ata ako sa mga pinagsasabi ko, my god! Kaloka na talaga 'to.

Umirap lang siya at bumaling na sa mga taong nagsisigawan at nakasakay sa ferris wheel. I sigh in relief. My gosh, that was close!

"Zero, gusto mo bang sumakay sa ferris wheel? Gusto kong itry yung ferris wheel date. Try natin!" masaya kong alok. Iniisip ko palang na magkasama kami sa loob ng ferris wheel, nangingisay na ako sa kilig! Uwaa! Para lang talaga kaming mag shota! Hoho!

Nagkasalubong ang kilay niya. "Are you crazy? Pag ba sumakay tayo jan ihahatid tayo niyan pauwi?! Pamasahe nga wala tayo, tapos pansakay pa kaya jan? Sabi ng wag kang bobo!" sigaw niya. "Kesa kalandian mo ang iniisip mo, umisip ka ng paraan para makaalis na tayo sa pesteng lugar na 'to."

"Oo nga pala!" nanlumo ako. "Zero makitext tayo. Humingi tayo ng tulong! *^*" sabay tingin ko sa babaeng naka dekwatro at malanding humahalakhak sa katext niya. Ansaya ni ateng uh?

"At sinong itetext mo?" tumaas ang kilay niyang mas maganda pa sa kilay ko.

Nag-isip ako at unti-unting napawi ang ngiti ko ng marealise kong number ko lang pala ang memorize ko at pakshet! Eh ninakaw na yun ni manong! The fvckers. Oh life, why so hard?

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon