Chapter 2

23 2 1
                                    

Key's POV

"Haaaay! Ang ganda pala ng school na lilipatan ko. Maluwag, Ma-puno at Maraming Chix. hehe.

Ako nga pala Si Key. Alexander Key Sebastian. Gwapo, matalino, at syempre mayaman. Bagong lipat lang ako dito sa school na 'to, galing akong korea. Napagdesisyunan ni Mama na dito na lang ako sa pinas mag-aral kasi andito yung iba sa mga business namin. Isang Auto Company. 

Asan na ba dito yung Principal's Office.?

"Miss, saan dito yung principal's office?" nagtanong ako sa babaeng nakasalubong ko.

Nakangiti lang sa akin yung babae. Inulit ko uli yung tanong ko.

"Miss, saan dito yung principal's office?"

Itinuro niya yung huling pinto sa hallway.

"Mukhang pipi 'tong si ate ah." Mahina kong sabi.

"Hindi ah." Ay, narinig nya pala ako. "Ang Gwapo mo kasi"

Ngumiti na lang ako sa kanya at nag-thankyou. HAHA, sus, sabe ko na eh. o diba, ang gwapo ko, hehe! :)

Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may babaeng tumatakbo pasalubong sa akin. 

BOOOGSH----

"Ouch!"

"Aray!" Lintik 'tong babaeng 'to ah. "Ano ba miss? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Ang laki nitong Hallway oh?”

Nakatitig lang siya sakin.

Bigla ko na lang napansin. Ang ganda niya. :"> wait. hindi to pwede, ang pride, ang pride.

Inalog-alog ko siya.

“H-Ha? eh? Uhm. Sorry !” sabe niya.

Shit! Nagpa-cute pa. baka matunaw ako. 

“Sorry?! Ganun lang? Muntik mo ng masira yung gwapo  kong mukha, Sorry lang?" Nagsungit na lang ako. Baka mahalata niya na nagandahan ako sa kanya.

“Aba’y ang kapal din naman pala ng mukha mo, ako na nga ‘tong  nagso-sorry, buti hindi ko nginatngat yang PANGIT mong mukha, kung hindi, baka kailanganin mo na si Belo.” sagot niya sakin. 

Ano? Gusto mo ng suntok? masyadong tinamaan yung ego ko dun ah. Wala pang may nangahas na sabihan akong pangit!

Nung susuntukin ko na siya, naunahan niya ako.

Pak!!!

a/n= hindi ko alam yung tunog ng suntok kaya yan na lang XD

“Aray!! May sapi ka bang babae ka! Humanda kang unggoy ka! Hindi pa tayo tapos, I shall take my revenge!” Yan na lang nasabi ko. Kung hindi lang siguro ako nagmamadali, nabura ko na ‘tong mukha nya.

“I don’t care! Isama mo pa ang power rangers kung gusto mo, hinding hindi mo ako mahahawakan kahit na hibla lang ng buhok ko! Umalis ka na nga sa harap ko! Shupi!” Aba’y ang yabang neto ah. Humanda ka talaga sa susunod nating pagkikita. Maliit lang naman itong school kaya sigurado akong hindi pa ito ang huli nating pagkikita.

Umalis na lang ako para hindi na pumutak yung mukhang isdang yun. Sayang, maganda pa naman kaso ang baho ng ugali.

Paglabas ko galing Principal’s Office-----

4th Year—Daisy.

Yan daw yung section ko sabi nung Principal. Ano ba yan, ang baduy nung section. DAISY. HAHAHAHAHA. Pang kinder.

Sa East Wing.

Nakita ko yung label sa harap ng room.     4th Year—Daisy

“Ayan, eto na nga siguro yun.”

Pagpasok ko, nag-Good Afternoon ako sa Prof.

“Good Morning Sir.” Bati ko sa Prof.

Pagtingin ko sa mga classmates ko. . .

 WHAAAAA! Nakita ko yung Pugita.

Halata ding nagulat siya. Hindi ko na lang pinahalata na nagulat din ako.

“Oo nga pala Class, magiging ka Blockmate niyo siya. Maging mabait kayo sa kanya ha?”  banggit nung Prof.

“Ako nga pala si Alexander Key Sebastian. Tawagin niyo na lang ako ng Key.”

Tumingin ako sa kanya, kay Pugita at ngumiti ng nang-aasar.      >:)

Tingin ko magiging maganda ‘tong klase na ‘to!

“Small World Pugita” Mahina kong sabi with matching *Evil Smile*.

Happy Endings don't exist, do they?~ [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon