Lei Ann’s POV
“Haaaayy!! tapos na rin yung quiz kay Professor Kalbs”
Andito kami ngayon sa canteen. Break namin for 30 mins.
“My Gherd! Ang gwapo nung new classmate natin no?” banggit ni Cyara.
“Oo nga eh! NKKLK! makalaglag-ovaries yung kagwapuhan niya.” sumingit si Pam.
“Girls, Wait, Siya yung sinasabe ko sa inyo na nakabangga ko kanina sa hallway.”
Tumingin sila sa akin.
“My Gas madam, hindi nga?” Cyara.
“Oo nga.”
“Ay nako madam, kung ako yun, pagkabangga niya sa akin, hihiga talaga ako sa hallway, kunwari nawalan ako ng malay para buhatin niya ako sa kanyang bisig na malaman. OMAAYYYGHAWD!”
“Oyan! Diyan ka magaling! sa kalandian!” Binatukan ni Pam si Cyara. “Eh kamusta naman yung quiz mo kanina? marami ka bang nasagot? konti lang? ganon? Umayos ka ah!”
“Tumigil na nga kayo. Ah basta! ayokong makasalamuha yung Unyango na yun.” Kahit pa binigyan niya ako ng papel kanina.
“Pam, samahan mo naman ako bumili ng water” Sabi ni Cyara.
“Sure”
“Libre mo ha?” :)
“Leche, ikaw talaga, mukha kang libre.! Sige na!”
Nung tatayo na yung dalawa, bigla na lang nagsigawan yung mga babae sa Canteen.
“Ano yun?” Natanong ko.
Paglingon naming tatlo, nakita namin si Mr. Yabang. Bumibili ng Pagkain. Leche! at nagpapa-cute pa sa mga babae.
“Ano ba yang mga babaeng yan, mga pinaglihi ba sa Higad at napaka-kati? Yan? yan ba ang itsura ng sinisigawan?” banggit ko na may halong pagkasuya.
Pag tingin ko dun sa dalawa, pati sila nakikisigaw.
“Hoy! Magsitigil na nga kayo, lalo ka na Pam, pagtumili ka pa naman eh parang highest note ni Regine Velasquez.”
“OmayGhad Madam!”
“Bakit?”
“S-si K-Key Pa-Papalapit.”
Ha?
Tumingin ako sa likod ko. Papalapit samin.
Wait, Wait kalma.
Nagsisigawan yung mga tao.
“Hi, Lei Ann right?” tanong niya sakin.
“Yeah! bakit?” tinaasan ko ng kilay, kasing taas ng exosphere.
Inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko at kinain niya. haha. joke. Inilapit niya at may ibinulong.
“Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin kanina?”
“Sinabi ko bang nakalimutan mo na?” pilosopong sagot ko.
“Baka gusto mong isumbong kita sa Principal na sinuntok mo ako kanina? Ganyan ba ang tamang pag-welcome ng mga bago dito?”
“Edi magsumbong ka! Sumbongero ka pala eh!”
“Sigurado ka?”
“Samahan pa kita”
Nung akmang aalis na siya, hinawakan ko yung braso niya.
“Eto naman, hindi na mabiro. Ano ba kailangan mo?”
“Simple lang, i-tour mo ako sa school na ‘to. Ang laki eh! Di ko rin alam yung pasikot-sikot dito.”
“Ha? Ayain mo na lang si manong guard, o kaya isa diyan sa mga malalanding babae diyan, ayan oh, kating-kati sila sayo.”
“Ayoko! Ikaw yung gusto kong mag-tour sakin dito. Isa pa, at least sayo, sigurado akong hindi ako magkakagusto sa tulad mo. Para ayos”
“Mukha mo! sa ganda kong ‘to?”
Tinawanan niya lang ako.
“Magkita tayo pagkatapos ng klase. Sa may dulo ng East wing? ha?”
Hindi na ako sumagot at Umalis na din siya.
“What? i-to-tour ko yung Unyango na yun? at kaming dalawa lang?” tinakpan ko ng braso ang aking katawan.
“Ang OA mo naman madam. Kahit siguro si Boots hindi pag-iinteresan yang katawan mo! HAHA!”
“Tumigil ka nga diyan Cyara. Akala mo naman ang ganda nitong mukhang paang ‘to!”
Sigi lang Alexander Key Sebastian. Let’s Play a game >:]
BINABASA MO ANG
Happy Endings don't exist, do they?~ [On Going]
Novela JuvenilAko nga pala si Lei Ann Libuna, Isang babaeng hindi naniniwala sa Happy Ending kasi wala naman talagang ganon. Yung mga Happy Endings, para lang yon kay Cinderella at Prince Charming, kay Beauty at kay Beast, kay Snow White at kay Seven Dwarfs, ay h...