Paano nga bang mahahanap ang tunay na pag-ibig? Yung true love?
TL na kung tawagin ng iba. Iisa pa rin yun.
Kasi kahit anu pang pangalan o echebureche ang itawag mo dito, ito pa rin ang nararamdaman mo sa taong talagang nagpapatibok ng puso mo, ang taong gusto mong sigawan ng…
“You na! It’s you na nga!”
O makantahan ng…
“Ikaw ang lahat sa akin…”
O masabihan man lang ng…
“Mamahalin kita habambuhay, mula sa hair scalp mo hanggang sa dulo ng patay mong kuko. Poreber and eber. Itaga mo yan sa bato. Peksman, sabi to ni Superman.”
K. Kadiri ba? Haha.
Pero seryoso ako.
Legend has it na ang TL daw ay mararamdaman mo pag parang naghalo na ang kaba, tuwa, galit, sadness, katopakan, at hilo tuwing makikita mo ang isang taong malapit sayo, o maari nama’y papalapit pa lang.
Ayon pa nga sa mga matatanda’y parang fireworks daw ‘to na sasabog lang bigla’t kakabugin ang dibdib mo.
Sabi naman ng mga Aeta (oo, nakausap ko sila dati nun bang nag-share ako ng pandesal isang araw papunta sa mall), ang true love ay hindi inaantay, basta-basta lang daw ito darating, parang bagyo. Tumawa nga ako dun sa analogy nila.
At ngayun palang, sasabihin ko nang napahiya ako dahil ako lang pala ang nag-entertain sa kanila. Naabutan ata ako ng pagkatopak ko nun. Psh.
Pero sa totoo lang, wala talaga akong alam kung anu ang pakiramdam ng magkaroon ng true love.
Sige, laitin niyo ko. Sige, go.
Baka masapak ko lang kayo.
…
…
…
‘De, joke lang.
Anu nga ba talaga ang true love?
Hindi ko alam kaya nga tinatanong ko kayo eh (at feeling ko ba naman sasagutin niyo ko, eh nagbabasa lang naman kayo).
Tsaka mga friends, ako nga pala si Terrence de Monteverde, 18 years old. Trence na lang for short. Pwede namang TM kaso parang brand ng sim card kaya wag na lang.
Filipina mom ko samantalang si Papa ay half-Korean, half-Filipino na may halong Kastila.
Lima lang naman kaming magkakapatid.
Ako, ang ka-quadruplets ko, at ang bunso.
Bomalabs ngang makakilala ng magka-quadruplets ngayung mga araw pero chance niyo na ngayon. At crossbreed pa. Parang aso nga pero sige lang, hanep naman diba?
Anyway, ako ang pinakamatanda. Di naman ako masyadong gwapo – matangos ang ilong, singkit ang mata, medyo makapal ang kilay, at kissable lips lang naman. Matangkad ako’t may konting defined abs. Konti lang naman. As in. Yellowish ang balat ko, parang anaemic. ‘Adi’ nga tawag sakin ng mga katsokahan ko, short for adik. Kasi naman, ‘tong mga buwitreng to, akala naninigarilyo ako. Good boy kaya ako. Ang hair ko nagmumukha nang pugad nga mga lovebirds dun sa kanto. Dati, straight eto. Kasalanan ko ba’t mahilig ako mag-style ng hair?
Next in line si Aya. Si Aya Martina de Monteverde. Maganda ang kapatid ko. Period. Walang kokontra. ‘Yun nga lang medyo cute ang height niya. Pero sige lang, hot pa rin siya.
Pangatlo si Sandeul Rafael de Monteverde. Parang ‘sandal’ pronunciation niyan kaya wag niyo nang gawing sosyal, mahihirapan lang kayo. Sandeul means ‘Mountain’ kaya nga siguro parang abot-langit din naman ang pagka-hyper at pagkamasayahin niya.
And last but not the least, si Margaux Beatrice de Monteverde (ako lang ata ang may one-first name name eh). Gummy na lang daw for short. Siya lang naman ang adorable kong bunsong ka-quadro.
Ang silbi ng introduction kong ‘to?
Love story kaya namin ang pag-uusapan natin.
Tsss.
Pero honestly, ako muna ang e-epal sa storyang ito.
Dahil ako ang kuya, ako dapat ang nauuna.
Dahil ako ay single pa…
Ito ang kwento…
Ng TL ko.
BINABASA MO ANG
May Toyo Ang Utak Ko
Teen FictionTL Ako Sa'Yo [Book 1: May Toyo Ang Utak Ko] Paano kung ang taong mamahalin mo ay ang taong 'di mo na-imagine na makasiping sa kama sa future? Na makahalikan nang wagas na wagas? Na makaharutan nang bonggang bongga? What if ang mamahalin mo is the wo...