Tatlong araw.
Tatlong araw na siya sa bahay namin.
At sa tatlong araw na ‘yun, ‘di na nag-cross mga landas namin. Parang ewan nga eh kasi magkatapat lang naman mga kwarto namin. Oo, as in parang across the street lang. Hindi ko nga alam kung bakit ‘di ko pa tinapunan ng granada ‘yun. Hindi rin kami nagkikita sa may sala o sa dining room man lang. Kahit dinner hindi siya sumasali. Ano ba siya? Prinsesa? Ang alam ko kasi pinadadalhan lang siya ng pagkain sa room niya.
Tsk. Sayang. Marami pa naman akong reconciliation plans para samin. Including na dito ang pagbibigay ko ng cupcake na may siling labuyo. Sayang talaga. Masarap pa naman ‘yun.
Andito naman ako sa university. Ang XXU (kung nag-iisip ka nang kung anong kalaswahan diyan, maghunusdili ka), short for Xavier Xing University. Ang university kong ‘di ko alam kung pro-Philippines ba ‘to o pro-ASEAN o pro-alien lang talaga. Panu ba naman kasi eh halos kalahati ng school mga foreigners o ‘di kaya mixed. Katulad ko. Pero hanep ‘tong school na ‘to ha. Feeling mo nasa ibang bansa ka. Sobrang liberated. Pwede kang mag-riot kahit kelan mo gusto. Tsaka bawal engot dito oi. Kawawa ka kasi sa mga teachers dito. Lalaitin ka nila nang sagad to the bones. Unless nageengot-engotan ka lang, katulad ng star player sa basketball na si Mike Chavez [A/N: Hintayin niyo na lang kung sino si Mike Chavez].
Mabalik sakin. Nasa Psychology class ako ngayon, ang last subject sa araw na ‘to. Elective ko lang naman to kaya naglalaro na lang ako sa cellphone ko ng Doodle Jump. Si Prof parang wala din namang pake, satsat lang nang satsat at sabog-laway pa. Kung bakit kasi nagpahuli ako sa mga sign-ups, ‘di ko tuloy nakuha ang required na klase para sa BS MicroBiochemistry this year. Hanep ng course ko ‘no? Gusto ko lang naman maging tulad ni Mama, isang huwarang doktor. NAKS.
*RRRRRIIIIING*
Dismissal na. HAY SALAMAT MAKAKUWI DIN NAMAN AKO AT LAHAHAHAST!
Nilapitan ko si Happy. Ayun, sabugaloids. Natutulog. Tulo-laway pa. Yakidudels. Ewan ko ba sa batang ‘to. Isa rin ata ‘to sa mga nageengot-engot sa Uni eh. Biruin mo, Architecture course niya tapos dito pa siya sa Science elective bumagsak. Parang ewan talaga.
BINABASA MO ANG
May Toyo Ang Utak Ko
Teen FictionTL Ako Sa'Yo [Book 1: May Toyo Ang Utak Ko] Paano kung ang taong mamahalin mo ay ang taong 'di mo na-imagine na makasiping sa kama sa future? Na makahalikan nang wagas na wagas? Na makaharutan nang bonggang bongga? What if ang mamahalin mo is the wo...