Kay ganda ng buhay. Parang life. Heto ako ngayon, ka-holding hands ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa habang naglalakad papunta sa nowhere. Tumingin ako sa kamay namin. They fit; parang siya talaga ang love of my life ko. Tinitigan ko ang kanyang mga mata, mukhang sincere. Gusto ko siyang halikan. Ni-try ko nga at lumapit ako.
Closer…closer…
Teka, ba’t parang nag-iiba ata ang hitsura niya?
I shrugged at lumapit pa rin pero…
Aya?! Bakit naging si Aya ang girl of my dreams ko??
“Kuya, gumising ka na. Kung hindi, I’ll pull down your shorts.”
“AAAAAHHHHHH!”
*BOG*
“HAHA! Tama ka nga Minnie. Natatakot nga siyang matanggalan ng shorts.”
I opened my eyes. Nahulog ako sa kama. Nakita ko si Aya sa tabi ko, nakaluhod habang tumatawa. Then, it hit me. Bumaba bigla ang percentage ng happiness ko.
Akala ko kasi totoo na ‘yun.
Panaginip lang pala.
“Huh? Anong pinagsasabi mo?,” sabi ni Aya, confused.
“Ha? Wala.”
“Wala daw. Tsk. Tumayo ka na nga diyan.”
I tried sitting up pero bigla naman akong sinakyan ni Minyoung a.k.a. Minnie, ang bunso naming kapatid na 5 years old. Niyakap niya ako nang malakas. Feeling ko tuloy mamamatay ako imbis na gigising.
“Oppa (Kuya), get up na! We’re fetching Mommy’s and Appa’s (Papa’s) friends diba?!” Oh yeah, si Minnie ay fluent sa Korean kasi noong minsang nag-stay ang mga magulang ko sa Korea dahil sa business ni Papa, nabuntis si Mama at doon na siya pinanganak. She grew up there for 3 years.
“Arasso, arasso (Oo na, oo na). Gigising na po ma’am.” Pinisil ko siya sa pisngi at hinalikan sa noo. Sweet kuya kaya ako. Naks.
Pinalabas ko ang dalawa sa kwarto’t naligo na, bumihis at nag-toothbrush. Di naman kasi uso ang breakfast sakin eh.
Kinuha ko ang gel at humarap sa salamin. Tinitigan ko nang matagal ang buhok ko’t sa huli, naisipan ko na lang na wag iton’g galawin. Naka-bed hair effect siya eh. Inayos ko na lang ang kwelyo ko’t nagpogi pose muna. Feel na feel ko ayos ko ngayon. Naka-white akong v-necked shirt, black sweater, gray skinny jeans at naka-Converse. Simple lang naman. Nafe-feel ko na rin ang good vibes ng araw na ‘to. Sana tama nga ang hinala ko na this will be a good day.
Bumaba na ako sa sala at biglang bumungad sakin ang pagmumukha ni Gummy inches from mine. “Hi Kuya~~ Mukhang ayos ka ah :3,” pakyut niya saken.
“Heh. Nagsabi ang hindi. Pero ineng, saan ka papunta? Sa school o sa children’s party?”
Gummy was wearing a simple blue skirt, white airy blouse na nakatuck-in, brown doll shoesat naka-knee high socks na maluwag. Dagdagan mo ng backpack, pwede na siyang i-list as one of the preschoolers sa Day Care.
“Kuya talaga. It’s not funny.” Pinalo niya ko at ngumuso. I laughed.
“ ’Kuya talaga. It’s not funny~~’ HAHAHA!” I glanced sa likod ko. Nandun si Happy, a stupid smile on his face, with his favorite red Abercrombie sweatshirt, skinny jeans, Ecko Red high tops, and pink headphones. Kinuwelyohan ko siya at ayun, sapul sa ulo.
“Hehe. Good morning Kuya. Sorry ha, nakikisawsaw lang.” Nakikisawsaw lang daw, eh kung buhusan ko kaya siya ng toyo? “Hi Gummy, pa-hug nga,” sabi niya with open arms. Pero si Gummy, bitter ata. Tinalikuran lang si Happy. Yan kasi, ang aga-aga eepal-epal agad.
BINABASA MO ANG
May Toyo Ang Utak Ko
Teen FictionTL Ako Sa'Yo [Book 1: May Toyo Ang Utak Ko] Paano kung ang taong mamahalin mo ay ang taong 'di mo na-imagine na makasiping sa kama sa future? Na makahalikan nang wagas na wagas? Na makaharutan nang bonggang bongga? What if ang mamahalin mo is the wo...