Fancy 11

115K 3.6K 1.7K
                                    

Blake POV

I came to Dev's Cafe to talk to Sydd. And when I said, to talk, it's about Jewel.

"Coffee." Inabot sa akin ni Sydd ang coffee na galing sa cafe niya.

Tinanggap ko iyon. "Thanks."

We're here at the park near at Dev's Cafe. I decided to talk here for privacy.

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong niya. "Hindi na pala kita nabati. Congrats dahil successful ang operation mo nuon, kaya ngayon. You're still alive and kicking."

Nagkibit-balikat ako. "Yeah. Thanks. I'm still alive and kickin' because of her." I said. Alam kong mage-gets niya ang sinabi ko.

"Ah. Fancy? Because of her." Aniya.

Tumango ako. "Siya naman lagi ang dahilan. Siya ang dahilan ng paglaban ko nuon."

"Ano ngang pag-uusapan natin? If you don't mind, limitado ang oras ko. Wala ang co-owner ko sa cafe kaya hindi ako pwedeng mawala ng matagal do'n."

"I see. I just came here to tell you that I am ready again to..." Nag-aalangan ako. Pinagisipan ko itong mabuti at sa tingin ko ay tama ang desisyon ko.

"To?" He looked bored. Mukhang naiinip na siyang makipag-usap sa akin.

"To love her again. I am ready to make her feel how much I love her. I am ready to fight my love for him." At last, I said it.

He gritted his teeth kahit bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Bakit naman? Si Hazel? Anong nangyari at naisipan mo 'yan bigla?"

"I realized that I can't live with lies. Alam ni Jewel na wala na akong nararamdaman sa kaniya. Alam niya na kasal na kami ni Hazel. But no. That was all wrong. Because even before until now, she's still the love of my life."

Hindi ko napaghandaan ang suntok niya. Napaupo ako at napahawak sa panga ko. I want to punch him too, but no. I should understand him.

"Gago ka pala, e." Galit na sabi niya. "Pinaniwala mong kasal ka tapos ngayon biglang lilitaw ka at sasaihin mong hindi talaga kayo kasal?"

"I just did that because at first, I decided to let her go. Sinabi ko sa sarili na hahayaan ko na siya at hindi ko na siya guguluhin. Gusto kong ipakita sa kaniya na wala ng magiging kami dahil kasal na ako." Paliwanag ko.

"Tangna, gago ka pa din!" Singhal niya.

"Ngayong nagkita na ulit kami, na-realize ko na mahirap. Mahirap lokohin ang sarili ko na kaya kong balewalain siya. Mahirap." Sabi ko.

Mula nang mag-usap kami ni Hazel. Doon ko na-realize na hindi ko nga kayang umupo nalang sa tabi at papaniwalain si Jewel na kasal na ako, at wala na kaming pag-asa pa.

"Gago!" Sigaw pa niya. Akmang susuntukin niya ako ulit nang hawakan ko ang kamay niya. "Bitaw!"

"Sydd. Alam kong galit ka dahil ayaw mong masaktan si Jewel. Pero this time, hindi ko na siya sasaktan."

"Tang'na mo! Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo noon bago umalis si Fancy? Pinaubaya mo na siya sa akin because you know to yourself that you don't deserve her!" Galit na sigaw niya. "Hindi ko hahayaang saktan mo ulit siya o masaktan siya sa'yo, Blake."

"Hindi ko na siya sasaktan." Giit ko.

"Madaling sabihin. Mahirap gawin. Hindi mo masasabi. Kahit demonyita 'yung babae na 'yun at maraming kalokohan. Kahit wala halos syang kinakatakutan, her heart is still fragile. Madali siyang masaktan. Madali siyang maapektuhan."

Crazy in love with the little devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon