Thirty Six: The Decision
Yvonne's POV
One week has passed at hindi ko na alam ang gagawin ko. One time he'll be sweet then he'll turn into an ice man. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi na siya katulad ng dati na kahit away bati kami, hindi niya pinapalipas ang isang araw na hindi kami magkasundo. Now, he would let me sleep in his room but he'll sleep on the sofa.
Siguro this is all about what happened one week ago, the night when I got home late with Alvs.
"What are you trying to say Kean?"
"Ikaw Yvonne? What are you trying to do to me?! You're breaking me slowly!"
"Kean today's just Alvs' birthday! Masama bang i-celebrate naming iyon? He's a friend to me!"
"Yeah? And he's also your ex-boyfriend. Don't try to fool me Yvonne because you fooled me before!"
"Ugh, Kean naman! How many times do I have to be sorry for the past? Alvs is just my friend! He's JUST a friend! Hindi ba ako pwedeng magkaron ng kaibigan?!"
"And you celebrated his birthday till past midnight, with Summer? Yeah, he's a friend. F-ucking friend." I heard him say.
Hindi ako makapaniwala sa mga binibintang niya. Pero, oo nga naman. I fooled him before. Ako nanaman talaga. Ako naman lagi ang may kasalanan. Kahit na magpaliwanag ako, ako at ako padin ang palaging mali.
"Mabe we should just talk tomorrow. Kapag malamig na ang ulo mo. Your ears are all closed for my explanation." Sabi ko.
"Save it. I don't need it anymore. You know what? I've had enough of all of this. Bahala ka na." That's all he said before he left me in the living room, trying to sink in what he just said.
And now, we're on his bed and I'm bored. Summer's out. Ngayon ang last practice nila sa play nila para sa Family day, which is two days from now.
"Kean..." I called his name. Hindi siya lumingon pero alam kong narinig niya ako. Here he goes again. He's ignoring me again.
"Kean, Summer wants you to come to an event in her school." I said. Lumingon siya sa akin at tinanggal ang reading glasses niya. "What event?" he asked.
"Family day. Excited na excited siya dahil first time na makukumpleto ang Family day niya. Dati, it would only be me and her." Sabi ko habang inaalala ang mga araw na iyon.
Yun yung mga araw na halatang halata ko kay Summer na naiinggit siya sa mga classmate niyang may complete family, pero hindi ko siya naririnig magreklamo. Nagtatanong man siya minsan pero hindi siya nagdedemand na maghanap ako ng daddy niya. Isang beses o dalawa lang ata iyong nangyare. Nung sobrang na-depress siya noon.
"When?" He asked. Yan, ganyan siya. One or two words sumagot. Akala mo may bayad na ginto ang mga salita niya.
"Two days from now." Ani ko. Tumango lang siya at nagtipa na ulit sa laptop niya.
Ugh! Ayoko na nang ganito! Isang linggo na kong nagtitiis sa ganitong set up. Inintindi ko na siya sa loob ng isang linggo! Nagpaliwanag naman ako sakaniya! I tried to tell him every detail of what happened that day! I even convinced Alvs to explain to him.
Inagaw ko sakaniya ang laptop niya na kinagulat niya, at tinignan kung ano ang pinagkakaabalahan niya. At laking gulat ko ng makita ang dokumento na tinatapos niya.
1 year contract for a hired bride.
"What the hell is this Kean?!" Galit na tinignan ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago umiwas ng tingin sa akin.
"What?" Aniya at sinubukang agawin ang laptop niya pero hindi ko iyon ibinigay sakaniya.
"Don't you what me Kean Montesalve! Nasaan ang utak mo at naisipan mong gumawa ng ganito?!" Tanong ko pa pero this time, nagawa na niyang agawin ang laptop niya sa akin. Naiinis pa niyang nilapag iyon sa bedside table niya pati ang glasses niya.
"Look, whatever you saw earlier, it's none of your business. You saw nothing Yvonne. At wala kang pagsasabihan ng kahit na sino tungkol doon." He said as if he's turning me into an accomplice for a crime that he's about to do.
"Hoy Kean, nababaliw ka na ba?! Para saan ba't naghahanap ka ng hired bride?! What the hell! Bored ka lang ba o naka-shabu ka lang talaga?!" Naiinis ding sabi ko. Kung naiinis na siya dahil nangungulit ako, well mas naiinis ako kasi manhid siya. Bwisit siya!
"Ugh, hindi ko na kailangan ipaliwanag yun sayo Yvonne!"
"Kailangan Kean! Kailangan mong ipaliwanag sa akin!"
"No! Hindi ka dapat nangingielam sa mga ginagawa ko Yvonne. Wala ka dapat pakielam! Oo't nagiging ama ako kay Summer pero hanggang doon nalang yon!"
"Tangina Kean may pakialam ako kasi mahal kita!" Sigaw ko sakaniya.
Biglang nagbago yung ekspresyon niya. Mula sa pagkainis ay nagging malambot iyon. Pero agad siyang bumalik sa pagiging bato niya.
"Oo Kean. Napakagago mo kasi paulit ulit ko nang sinasabing mahal kita pero nagbibingi-bingihan ka lang! Nakakainis lang na kahit anong effort ko binabalewala mo lang! Minsan sweet ka, minsan hindi! Hindi na kita maintindihan!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. Putangina naman, umiiyak nanaman ako. Iba padin talaga kapag yung frustrations at inis mo iniiyak mo nalang dahil hindi mo na kayang i-handle iyon.
"Yvonne. Hindi ko kasalanan lahat ng ito. Hindi ko kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit natatakot na akong sumubok!"
"Oo na nga! Ako na nga ang dahilan! Oo na! Aminado na ako! Ilang beses ko ba dapat ipakita sayo at iparinig sayo na guilty-ing guilty ako?! Kean kaya nga ako nandito para patunayan ko sayo na nagsisisi ako." Pagpapaliwanag ko sakaniya. Pilit kong pinupunasan yung luha ko pero tulo ng tulo. Putek lang kasi dahil ayaw nilang tumigil! Nagagaralgal na din ang boses ko dahil sa pag-iyak.
"Kean kaya kong patunayan sayo na mahal kita! Kayang kaya kong gawin lahat pero kung magbubulag-bulagan ka lang, walang mangyayare! Kean, kaya nga naghihintay ako! Kasi Kean kayang kaya kong maghintay ng matagal para sayo! Kasi nga gusto ko habang naghihilom ang sugat jan sa puso mo, nandito ako sa tabi mo!"
"Paanong gagaling ang sugat sa puso ko kung araw araw nakikita ko ang dahilan ng paghihirap at sakit na naranasan ko?!" Ani niya na nakapag-paiyak pa lalo sa akin.
Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Walang nagsasalita. Tanging tunog lang ng aircon at mga paghikbi ko lang ang naririnig.
Sinusubukan kong tumigil pero habang sumusubok ako, lalo akong nabibigo.
"Kean... hanggang kalian mo ba ipapamukha sa akin na tanga ako? Hanggang kalian mo ibibintang sa akin ang mga kagagahan ko? Kean sabihin mo naman saakin kung hanggang kailan! Sabihin mo naman sa akin para alam ko. Sabihin mo naman kasi nakakapagod na." Ani ko.
"Pagod ka na? Edi umalis ka na! Iwan mo na ulit ako. Iwan mo ulit ako gaya ng pag-iwan mo sa akin dati Yvonne." Sabi niya at dun ako nagising.
Siguro nga kahit anong effort ko mababalewala lang din dahil sarado ang isip at puso niya. Siguro kahit gaano ko ipakita sakaniyang mahal ko siya, hindi padin gagana dahil puno ng galit ang puso niya.
"Alam mo, siguro nga tama ka eh." Ani ko at nakita ko ang pagtataka sa mga tingin niya.
"Siguro nga dapat iwan na kita. Siguro kailangang sumuko na ako sayo. Kasi alam mo? Ang hirap maghintay sa taong urong-sulong. Kung ayaw mo na talaga, edi sige, tatanggapin ko na lang. Tatanggapin ko nalang na tanga ako at pinakawalan kita. Tanga na ako, oo. Tanga ako kasi mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal padin kita."
~~AgentBlue143
BINABASA MO ANG
My Bad Boy : Montesalve brothers 1
RomanceFormer: Good boy Gone Bad A glass that's broken can never be fixed like the original. But then... it won't be broken by itself. Because there was a force exerted on it. - She was broken. And he fixed her. But destiny's ruthless because she has to...