Yvonne's POV
Naging malamig ako sakaniya nang mga nakaraang araw. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. He spent his life for that company and I don't want him to lose it just because of Summer.
Hanggang ngayon ay bumabagabag padin ang kaniyang pagmamakaawa sa aking tenga. Paulit ulit kong naiisip ang dapat na gawin at hindi dapat. Hanggang ngayon ay nalilito padin ako.
Gusto kong maging makasarili. Gusto ko siyang angkinin at ayoko nang mag-isip pa ng ibang tao. Gusto ko siyang yakapin at hindi na pakawalan pa. Gustong gusto kong suotin ang singsing na ibinigay niya sa akin. Pero hindi dapat. Dahil hindi lang kami ang tao sa mundo. Dahil kahit lokohin ko man ang sarili ko ay hindi ko mababago ang katotohanang hindi lang sa aming dalawa umiikot ang mundo. Na nariyan si Summer, si mama at papa, ang kompanya niya at ang mga magulang niya.
At nang mga nakaraang araw ay mas napabuti ang kondisyon ni papa. Minsan ay nadidilat na siya at biglang makakatulog nanaman. May oras na nakapagsalita siya ng iilang mga salita. Natutuwa ako para kay papa pero nagluluksa ako para sa sarili ko.
Gaya ngayon. Nasa ospital ako at katabi ko lang si Summer at mama pero nasa ibang planeta ata lumlipad ang utak ko. "Mommy, ano pong problema?" Tanong ni Summer bigla at napalingon naman ako sakaniya. Sinalubong ako ng nagaalala-ng tingin ni mama at ni Summer.
"A-ah? Okay lang ako. May naisip lang ako bigla." Sabi ko at hindi na nagtanong pa ulit si Summer. Bigla lang niya akong niyakap na kinagulat ko at nginitian naman ako ni mama.
"Magiging okay din ang lahat ma. Ano man ang gawin niyo, iintindihin ko kayo." Sabi niya na para bang nababasa niya ang mga nasa utak ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay napaiyak ako sakaniya. Hinahagod niya lang ng marahan ang likod ko at nakisali naman si mama sa aming yakapan.
Pinunasan naman ni Summer ang mga luhang bumabagsak sa aking pisngi. "Ang swerte ko sayo nak." Sabi ko at mapait na nagpakawala ng tawa. Nginitian niya lang ako.
"K-kahit anong gawin ko, alam mo namang para sayo yun diba?" Pagpapa-alala ko sakaniya at tumango naman siya. "Alam mo naman na mahal na mahal kita hindi ba?" Tanong ko at tumango ulit siya sa akin. Yinakap niya lang din ako.
"Mahal kita anak." Tanging nasabi ko at narinig ko ang paghingang malalim niya. "Mahal din kita ma. Mahal ko kayo ni daddy Kean parehas. Kahit na ang corny ni daddy minsan at inaagawan niya ako ng oras sayo ay mahal ko na din siya." Aniya na lalong nagpaiyak sa akin.
Napabitiw ako sakaniya nang may narinig akong nagsalita. Alam na alam ko ang boses na iyon!
"A-anak..."
Napalingon kaming lahat sakaniya at nakita ko na kahit nahihirapan ay tila inaabot niya kami. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay at halos maiyak ako nang makita na may luhang tumakas sa kaniyang mga mata.
"P-papa! Pa, please, wag ka munang pipikit. Doc! Nurse!" Pagsigaw ko at patuloy na hinahawakan ang kamay niya.
"H-Hon! Hon please, wag kang pipikit agad!" Medyo pasigaw na sabi ni mama. Halos lahat kami ay natataranta.
Dumating ang mga doctor at may mga ginawa at ininject kay papa. May nagoobserba din. Madaming doctor.
Hawak hawak ko si mama at si Summer naman ay nakayakap sa bewang ko. Panandalian kong nakalimutan ang pagluluksa sa sarili dahil sa tuwa. Hanggang ngayon ay gising pa si papa! Ito na ata ang pinakamatagal niyang gising mula ng ma-coma siya.
Natapos ang page-examine ng mga doctor at nakangiti naman sila sa amin. Madami silang naga-assist kanina pa. "I think that he'll be fine in a span of two weeks Miss and Mrs. Creigh." Nakangiti niya sabi sa amin at parang nabawasan ang tinik na nakabaon sa aking puso.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy : Montesalve brothers 1
RomanceFormer: Good boy Gone Bad A glass that's broken can never be fixed like the original. But then... it won't be broken by itself. Because there was a force exerted on it. - She was broken. And he fixed her. But destiny's ruthless because she has to...