Part 1
Dennis POV
Kriggg! Kringgg! Kringgg!!!
Thug!
"Aray!" Ano ba 'yan umagang-umaga sakit sa ulo ang bumungad sa akin matapos mahulog sa ulo ko ang alarm clock ko. Minsan naiisip kong itapon na lang ito, pero hayaan mo na dahil hindi ako magigising ng maaga 'pag nakataon. Ngayon pa naman ang umpisa ng araw ng pasukan, matapos iligpit ang kama ay tumungo na ako sa banyo na nasa loob rin ng kwarto ko para maligo.
Habang naliligo sari-saring bagay ang pumapasok sa isip ko, tulad na lang nang may mga bago kaya kaming kaklase at 'yung mga kaibigan ko kaya ay magiging kaklase ko pa rin ba ngayon.
Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako ng kwarto, dalawang palapag ang bahay namin at may tatlong kwarto, dalawa sa second floor sa akin ang kaliwa kay kuya Nathan naman ang kanan samantalang nasa ibaba ang master bedroom na kwarto ng mga magulang namin.
Pagbaba sa kusina ay nadatnan kong nagluluto na si Mama ng almusal namin si Papa naman ay nagbabasa ng dyaryo habang nag-kakape.
"Good morning Papa, good morning Mama." Bati ko sa magulang ko pagkalapit ko sa kanila.
"Good morning rin bunso." Halos sabay naman nilang tugon pagkatapos.
"Den anak gisingin mo na ang kuya nate mo para sabay-sabay na tayong kumain." Utos pa ni Mama bago pa ako makaupo at syempre dahil sa goodboy ako ay kaagad akong sumunod sa utos ni mama.
"Kuya gising na kakain na tayo!" Sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto nito na may kasama ma pang pagkatok.
"Kuya!" Sigaw ko ulit sabay katok pa rin sa pinto.
Ano ba 'yan kahit kailan talaga tulog mantika ang kuya kong 'to. Nang wala akong marinig na gising na ito ay sinubukan kong buksan ang pinto at dahil bukas naman pala ay pumasok na ako para gisingin pa rin ito.
Hinila ko ang daliri nito sa paa pero wala pa rin at hindi man lang ito gumalaw. Niyug-yug ko rin pero ayaw talaga itong gumising. Kaya naman may naisip ako at sugurado akong magigising ito sa gagawin ko. Habang nakataas ang isang braso nito ay sinumulan ko itong kilitiin at maya-maya lang gumising rin ito.
"Ano ba bunso nakikiliti ako." Reklamo nito sabay talikod sa akin.
"Kuya oras na bumangon ka na kasi." Pero ayaw pa rin nitong gumising kaya kinikiti ko naman ito sa tagiliran.
"Ha ha ha bunso tama na, ha ha ha."
"Hindi ako titigil hanggang hindi ka pa bumabangon." Sabi ko naman habang patuloy sa pagkiliti sa kanya.
"Ba ha babangon na ha ha ha tama na." Akala ko babangon na ito kaya tinigilan ko na ito. Nagulat na lang ako ng hilahin ako nito sa kanyang kama at yumakap pa ito sa akin.
"Ano ba kuya, bitawan mo'ko kapag ako na late sa klase ko lagot sa'kin."
"Heto naman naglalambing lang si kuya eh, ang bango mo bunso ah." At himigpit pa ang yakap nito sa akin.
"Kuya ano ba! Isusumbong kita kay papa na uminom ka kagabi kapag hindi mo pa ako binitawan." Banta ko rito.
"Huy bunso 'wag mong sasabihin siguradong lagot ako kay papa 'pag nagkataon." Halatang takot nga ito dahil lumuwang na ang yakap nito at bumangon na rin.
Pagtayo nito ay tumambad sa akin ang katawan nito na tanging boxer short lang ang suot.
"Kuya ang halay mo bakit hindi ka nagsusuot ng damit kapag natutulog ka." Sabi ko sa kanya.
"Tado anong mahalay dito, ang mahalay ang walang suot gaya nito." Matapos sabihin ito ay hinawakan nito ang boxer short n'ya at akmang huhubarin ito.
"Bastos ka talaga." Naiinis kong sabi sabay talikod sa kanya bago pa makita itong nakahubad.
"Isusumbong naman kita kay papa." Bago pa ako lumabas ay sabi ko rito.
"Huy bunso 'wag binibiro ka lang eh." Rinig kong sabi nito matapos isara ang pinto ng kwarto n'ya at bumaba na ako.
...
Tahimik kaming apat na kumakain ng almusal at kita kong tumitingin si kuya sa akin paminsan-minsanna parang sinasabi nitong 'wag ko itong isumbong kay Papa.
"Ah Papa may sasabihin po pala ako sa inyo." Kita ko ang gulat sa reaksyon ni kuya ng marinig ang sinabi ko.
"Oh ano 'yon Den?" Tanong ni papa.
"Si kuya..." Hindi na maipinta ang mukha ni kuya sa mga oras na 'yon at gusto kong matawa sa itsura nito.
"Oh anong meron?" Sali naman ni Mama sa usapan.
"Kuya ikaw na kasi ang magsabi."
"Oh ano 'yon Nate?" Baling ni papa kay kuya.
"Ahh ka-kasi pa... ka-kasi..." Uutal-utal na sagot ni kuya dahil sa takot.
"Ah papa ang sabi po kasi ni kuya gusto n'yang gamitin ang kotse para sa pagpasok namin sa school mamaya." Sabat ko sa usapan, hindi ko naman kayang ilaglag si kuya. Gusto ko lang makabawi sa pang-iinis na ginawa n'ya kanina.
"Oh 'yon lang ba Nate? O sige gamitin n'yo basta dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha." Ang sabi naman ni papa.
"Opo salamat pa." Sagot ni kuya at kita ko kung paano ito nakahinga nang maluwag dahil hindi ko ito sinumbong.
...
Sa kotse...
"Ikaw may atraso ka sa akin." Bungad na sabi ni kuya ng makasakay ako sa kotse.
"Anong atraso ikaw nga ang meron mabuti nga at hindi kita sinumbong kay papa." Panunumbat ko rito habang sinusuot ang seatbelt ko.
"Akin na nga." Sabi ni kuya sabay kuha ng seatbelt at inayos itong isuot dahil hindi ko masuot ng maayos.
"Pero salamat bunso dahil 'di mo'ko nilaglag kanina kay Papa hindi mo lang alam kung paano ako kinabahan kanina akala ko ay isususumbong mo na ako." Dagdag pa nito.
"Anong 'di halata eh para kang hindi matae na ewan ang itsura mo kanina ha ha ha." Natatawang sabi ko naman.
"Ha ha ha." Sumabay na rin ito sa pagtawa sa akin at pinaandar na ang sasakyan para sa pagpasok namin sa school.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba (Rewrite Soon)
RomancePaano ba masasabing kasalanan ang isang bagay? Paano pa kaya pagdating sa pagmamahal? Ito ang kuwento ni Dennis at kung paano magiging kumplikado ang buhay n'ya dahil sa pag-ibig, pag-ibig na naramdaman nito sa kanyang kuya.