Kasalanan Ba 6

106 2 0
                                    

Dennis's POV

Maaga ako nagising ngayong araw at excited ako dahil ngayon rin ang araw na balik nina Papa at Mama mula sa probinsya. Tumawag nga sila kagabi at kinakamusta kami ni kuya. Mabuti na lang at bati na kami ni kuya, kaya naging masaya ang pag-uusap namin.

Matapos maligo ay bumaba na ako at dahil maaga nga ang gising ko ay naisipan kong magluto ng almusal namin ni kuya.

Simpleng almusal lang naman na madaling iluto ang ginawa ko, gaya ng pritong hotdog, itlog at pancake na isa sa paborito kong pinapapak kapag nagluluto si kuya.

Pagkatapos ngang maluto ang mga 'yon ay inihanda ko na ang lahat sa mesa. Sunod ay umakyat na ako sa taas para gisingin si kuya.

...

Kumatok nga ako at sumigaw para gisingin ito pero wala akong narinig mula kay kuya. Kung sabagay maaga pa lang naman kaya 'di nakapagtatakang tulog parin ito.
Sinubukan ko ngang buksan na ang pinto at bukas naman ito. Natigilan pa ako ng maalala ang nakita ko kahapon na may kasama ito, pero iwinaksi ko na lang at binuksan na ang pinto.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang katawan ni kuya na tanging boxer short lang ang suot.
Sa sandaling 'yon ay natigilan ako at biglang nag-init rin ang katawan ko dahil sa nakitang ayos nito. Kitang-kita ko ang magandang katawan ni kuya mula sa dibdib patungo sa tiyan nito na may abs. Napalunok pa lalo ako ng dumako ang tingin ko mula sa pusod patungo sa mumunting balahibo pababa na tinatawag na karug kung 'di ako nagkakamali. 'Di rin nakaligtas sa akin ang umbok sa suot nitong boxer short na alam kong dala ng morning wood na madalas rin na mangyari sa akin. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatitig lang sa katawan ni kuya na naudlot lang ng magsalita ito.

"Bunso."

"Ku-kuya gi-gising na." nauutal na nasabi ko dahil sa kaba ng bumalik ako sa sarili ko.
Kita ko pang ngumiti ito dahil sa reaksyon ko.

"Hot ba si kuya bunso? Tanong pa nito na ikinagulat ko.

"Shit nakita pala ni kuya kung paano ko pagmasadan ang katawan n'ya!" sigaw ng isip ko.

"Ha?" tanging nasabi ko.

"Wala ang sabi ko ang cute mo bunso." sunod na sabi ni kuya sabay tayo at gulo sa buhok ko.
Sa ginawa nito ay lalong nahiya ako, alam kong nakita talaga nito kung paano ko ito tignan kanina, kaya iniba na lang nito ang usapan para mawala ang hiyang nararamdaman ko.

"Tara na bunso." Sunod na sabi ni kuya na nakapagbihis na pala at tumungo na palabas ng kwarto nito.

...

Sumunod na rin ako sa paglabas nito na kagaya kanina ay 'di parin ako mapalagay.

"Wow! Ikaw ang nagluto nito." masayang saad ni kuya ng makita ang pagkain sa mesa. Tango lang ang naging sagot ko.

"Oh Den ba't ang tahimik mo?"

"A-ano kasi kuya 'yung sa kwarto mo." nakayuko kong wika. Alam ko kasing mali ang ginawa ko ang pagnasahan ang sarili kong kapatid kaya minabuti kong sabihin ito.

"Alin bunso?"

"Alam mo na 'yon kuya."

"Ah ok alam ko na, ano ka ba wala 'yon. Normal lang sa isang tao na humanga. Gusto ko nga 'yon ibig sabihin nun ay maganda ang nagiging resulta ng pag-gi-gym ko."

"So hindi ka galit?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan bunso, syempre hindi. Mabuti pa kumain na lang tayo at mukhang masarap ang luto mo."

At nagsimula na nga kaming kumain. Kahit papano ay nawala na ang ilang na nararamdaman ko kay kuya, inisip ko na lang rin na tama si kuya at humanga lang ako sa katawan nito.

Kasalanan Ba (Rewrite Soon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon