Part 2
Dennis POV
Pagdating sa school ay bumaba na ako ng kotse, si Kuya Nathan naman ay pumunta na ng parking lot para sa sasakyan namin. Isang school lang din ang pinapasukan namin, hiwalay nga lang ang building ng mga college students sa building ng mga Grade 1-12 pero hindi naman nalalayo ang dalawa. 3rd year college si Kuya sa edad nitong 21 sa kursong Business Management habang ako ay 16 na at Grade 10 na ngayong pasukan.
Pagdating sa school ay ipinakita ko ang ID ko kay manong guard at kaagad naman akong pinapasok nito. Pagpasok sa loob ay hinanap ko na ang pangalan ko at umakyat na ako sa 2nd floor dahil doon ang mga rooms ng mga Grade 10.
Habang paakyat may mga estudyante na rin akong nakikita at gaya ko ay hinahanap na rin ang kani-kanilang section. Wala ni isa pa rin sa mga kaibigan ko ang naroon, sinulit yata ang bakasyon o baka nakalimutan na nila na ngayon ang start ng pasukan?
Kaagad kong hinanap ang room ng mga pilot section, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ay may katalinuhan naman akong taglay bukod pa sa ang cute ko raw dahil sa bilugan kong mukha na may medyo singkit na mga mata may katangusan rin naman ang ilong ko, mapuputi rin ang mga ngipin ko na pantay-pantay at may manipis rin akong labi at lalong nakadagdag rin ang maputi kong kutis.
Tinignan ko nga ang listahan ng mga pilot section at gaya ng inaasahan ay nakita ko ang pangalan ko sa pangalawa.
2. Alonzo Dennis M.
Ilang minuto pa ng mabingi ako dahil sa pagsigaw ng bruha kong kaibigan sa pangalan ko.
"Dennn!!" Yumakap pa ito ng mahigpit sa akin.
"A-ano ba Trish gusto mo na ba akong mamatay! At bakit ka ba sumisigaw?" Inis kong tugon sa kanya.
"Hindi ka pa nasanay d'yan eh pinaglihi yata ang bibig n'yan sa sirena ng ambulansya." Sabat naman ni Andrew habang nakangiti, isa rin sa mga kaibigan ko.
"Tse inggit ka lang kasi hindi ikaw ang yakap-yakap ko." Bara naman ni Trish sa huli.
"Hay! kayong dalawa 'wag niyo kong isama sa love triangle n'yo at hindi ko bet." Matapos sabihin ito ay humiwalay na sa akin si Trish. Napangiti ako dahil biglang tumahimik ang dalawa. Dati kasing may relasyon ang dalawa noong Grade 8 kami, nagulat na lang ako na one day umiiyak na pumasok si Trish at sinabing hiwalay na sila ni Andrew, na hindi ko pa rin alam hanggang sa ngayon kung bakit sila naghiwalay. Kung sabagay mga bata pa kami kaya no to lovelife muna.
"Maiba ako bakit wala pa si Dominic?" Tanong ko para mawala ang akward moment ng dalawa.
"Hindi mo pa ba kasama?" Tanong na sagot ni Trish.
"Hindi pa kaya nga tinanong ko 'di ba?"
"Eh kasi ang sabi n'ya pupuntahan ka n'ya sa inyo para sabay kayong pumasok." Paliwanag naman ni Trish.
"Hindi ba n'ya nasabi sa'yo?" Tanong ni Andrew sa akin.
Matapos sabihin ito ni Andrew ay naala ko ang sinabi kagabi sa akin ni Dominic ng tumawag ito.
"Bukas pupuntahan kita sa inyo para sabay na tayong pumasok."
Kaya naman tinignan ko ang cellphone ko at baka may text ito sa akin pero ng kapain ko ang bulsa ko ay wala ito, hinanap ko rin ito sa aking bag pero hindi ko rin nahanap.
"Naiwan ko yata ang cellphone ko." Bulalas ko.
"Heto ang cellphone ko tawagan mo na s'ya." Sabi ni Andrew sabay abot ng phone n'ya sa akin.
Tinawagan ko nga ito pero nakailang tawag na ako pero ring lang ito ng ring sa huli hindi ko rin ito nakausap.
"Lagot ka Den!" Pananakot pa ni Trish sa akin.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ba (Rewrite Soon)
RomancePaano ba masasabing kasalanan ang isang bagay? Paano pa kaya pagdating sa pagmamahal? Ito ang kuwento ni Dennis at kung paano magiging kumplikado ang buhay n'ya dahil sa pag-ibig, pag-ibig na naramdaman nito sa kanyang kuya.