Kasalanan Ba 3

147 5 0
                                    

Part 3

Dennis POV

Naging maayos naman ang sumunod na mga araw ko sa klase. Mula naman ng malaman ko na may gusto daw sa akin si Dominic ay lalo pa itong naging sweet sa akin.

Hindi ko nga alam o baka ayaw ko lang isipin na panliligaw na pala ang mga ginagawa nito sa akin. Ewan ko ba at kung tutuusin ay maswerte nga ako. Dahil may isang lalakeng naglakas ng loob na sabihin ang nararamdaman nito sa akin na hindi rin takot sa sasabihin ng ibang tao.

...

Nandito ako ngayon sa Library at kasama ko si Trish.

"Ah Den may sasabihin ako." sabi ni Trish

"O ano 'yon?" tanong ko habang nasa libro pa rin ang tingin ko.

"Eh 'wag na nakalimutan ko na pala." bawi naman nito. Sa narinig ay tumingin na ako sa kanya.

"Trisha Cruz kilala kita, sabihin mo na." Seryosong sabi ko naman.

"Eh kasi magkasama kami kahapon ni Andrew sa Cafe. Nung umorder s'ya ay naiwan ang cp niya sa mesa. Tapos may nag-text..."

"O eh ano naman kung may nag-text?"

"Teka lang patapusin mo muna ako, ehh Den ayoko ng sabihin." Sabi na naman nito.

"Ano ba kasi 'yon? Nakabuntis ba siya?" Matapos ko ngang masabi 'yon ay sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Trish.

"Hindi no!" napalakas na sabi ni Trish kaya lahat ng nasa library ay napatingin sa amin.

"He he sorry po." Sabi ulit ni Trish.

"Mabuti naman at akala ko tungkol dun ang sasabihin mo."

"Hindi tungkol kay Andrew.. Si-sige sasabihin ko na, actually si Dominic 'yung nag-text akala ko nga ay may kailangan lang siya kay Andrew kaya binasa ko yung text at nalaman ko na sa Lunes, which is ngayong araw na nga 'yon na pupunta siya sa bahay n'yo para ipaalam raw sa mga magulang mo na liligawan ka n'ya."

"Ano!" Gulat na sabi ko at kagaya kanina ay tumingin lahat sa amin ang mga tao, kaya naman kaagad ko nang hinila si Trish at lumabas na kami ng library.

...

"Ano bang pumasok sa isang 'yon at naisip na gawin 'yon." sabi ko kay Trish paglabas namin ng library.

"Ayaw mo ba nun, mukhang seryoso nga si Dominic sa'yo." sabi ni Trish.

"Bakit wala ka bang gusto kay Dom?" dagdad pa nito.

"Hindi naman tungkol sa kung meron man ako o wala akong gusto kay Dom. Oo gwapo at mabait s'ya pero alam mo naman na NBSB ako at wala pa akong karanasan sa pag-ibig na 'yan. Isa pa alam mo naman sa pag-aaral lang ang pokus ko ngayon." mahabang paliwanag ko.

"Kung sabagay tama ka nga naman, pero ngayong alam mo na ang plano ni Dom mamaya anong gagawin mo?"

"Hay ewan bahala na. Alam mo naman na kapag naisip nun ang isang bagay ay siguradong gagawin n'ya."

"Mabuti pa pumasok na muna tayo at goodluck na lang mamayang gabi sa inyo ni Dom." sabi ni Trish at pumasok na nga kami sa sunod naming subject.

...

Nang matapos ang klase ay nauna sina Andrew at Dominic na lumabas at sabay naman kami ni Trish.

"Sige Den mauna na'ko, text mo na lang ako kung anong mangyayari sa pagpunta mamaya ni Dom sa inyo."

"Sige bye."

Nang umalis si Trish ay naghintay lang ako ng ilang minuto kay Kuya.

"Oh bunso tara na." rinig kong sigaw ni Kuya at kaagad na akong sumakay.

Kasalanan Ba (Rewrite Soon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon