Chapter 1

641 100 81
                                    

Chapter 1


Nakatago ako dito sa sulok ng room, kinakabahan at nanlalamig sa posibleng mangyare ngayon araw. This is it Lord!

Binuksan ko ang envelope sabay kuha ng report card ko at harapin ang desisyon ni Lord para sa akin.


                                                              Westbrooks International School

                                                                             Academic Report

                                                                                   2018-2019

MONTERDE, ALEXA LIM

GRADE 12 - SPAIN

SUBJECT                                  FINAL GRADE

FOREIGN LANGUAGE                   75%

ADV. MATHEMATICS                     77%

ADV. SCIENCE                                75%

WORLD HISTORY                          75%

FILIPINO                                          78%

MAPEH (MUSIC)                           98%

VALUES                                           75%

RESEARCH II                                 77%

---------------------------------------------------------------------------

General Average:                    77%


Isang malalim na "phew" ang naisambat ko matapos kung makita ang grades ko. Woooo thanks G! Makaka graduate na ako sa High School!

Di ko maitago ang ngiti ko nung makita ko ang resulta ng aking report card. Akala ko talaga di ako gagradute ng SHS. Buong akala ko eh di ako pinatawad ng aking mga guro sa mga nagawa kong kasalanan sa kanila and too man to mention. Haha.

Masaya akong bumalik papunta sa room, taas noong lumalakad sa hallway. Habang ako'y papalapit na sa room, nakikita ko at naririnig ko na ang aking mga kaklase na walang ibang ginawa kundi magkumpara ng mga grades nila.

"Hala ba't mas malaki ung grade mo kaysa sa akin?" sambit ng kaklase kong mahilig magkumpara ng grades.

"I rereklamo ko to kay Maam Agnes, di ako makapaniwala!" sambit naman ng pinakamatalino namin na Valedictorian pala namin pero ayaw pading magpa awat, luh Valedictorian kana nga diba anong reason para I protesta pa ang grade mo?

"Huy Alexa! Alexa! Alexa! Alam mo ba ang laki laki ng average ko, 95%, grabe ang saya saya ko tignan mo!" sambit naman ni Roxanne, yung kaibigan kong mapang asar as always habang papunta sha sa akin.

"Edi ikaw na! Hahaha loko ka alam ko na yan noon pa na malaki ang grades mo, no need to tell." sabi ko sa kanya.

Nung tinignan ko ung card nya kasi wala akong choice, viola! Wala siyang line of 8 at yung pinakamababa nyang grade ay 93. Wow galing naman ni friend.

"Hay nako Roxanne, sana all. Hahaha" sabi ko sabay tawa naming dawala

"Hahaha loko ka, uy how's your grades malaki ba? May I see?" sabi na naman nya ulit sa akin

"Wag mo na tignan kasi magugulat ka sa laki ng mga grades ko, parents ko lang pwede makakita neto kasi ito ay confidential hahaha, baliw ka congrats With Honors ka pala." sabi ko sa kanya.

"Maliit na bagay! Hahaha joke lang, ang arte talaga neto as always! Uy ano pala yung degree na kukunin mo? Engineering ka nalang para same tayo ng school huhuhu please." nagmamakaawang sabi nya.

Nagpapatawa ba sya? Engineering? Engineering? Hell no! Ilang years kaya ako mag eengineering bago grumaduate. Lol sa kanya.

"Hehehehehe engineering? Baliw, no thanks!" sabi ko

"Huh, sayang naman, bakit ayaw mo mag engineering?" sagot niya

"Sisiw lang yun eh, joke! Hahaha baliw di pasado ang utak ko sa engineering!" sagot ko 

"Aw sayang naman, ako Chemical Engineering kukunin ko." sabi nya

"Ahh ganun ba? Mabuti naman. Sana all again!" pabirong sabi ko at tumawa na naman ulit kaming dalawa

"Wait lang diba? Engineers lahat nung sa pamilya nyo? Ba't ikaw di susunod sa kanila?" sabi nya

Kaloka talaga tong babaeng to, salamat sa pag reremind ha sorry nakalimutan ko, actually guys for your reference, engineers nga lahat sila, yung Mom ko at dalawa kung Ate ay mga Chemical Engineers at Summa Cum Laude pa, tapos yung Dad ko Electronics Engineer, Magna Cum Laude, tapos yung isa ko pang kuya kaka graduate lang this year, Electrical Engineer, well what to expect, Summa Cum Laude lang naman sya. At lahat sila grumaduate dito sa school na puro valedictorians! Ako? History breaker, hahaha no pressure actually.

Ako lang ung lumihis sa legacy nila, nakakatuwa ang binigay na life sa akin actually, ako na ang kakaiba, alam nyo un, ung madami ng nag eexpect sayo nung simula pa lang, lahat nalang ata ng teachers mula kinder ako sinabi na sa akin na, "Alam mo, ba't hindi ka katulad nung mga magulang at kapatid mo? Ang tatalino nila. Pero ikaw? Iba ka."

Oo ako na ang iba kaya nga pinanindigan ko na ang pagiging iba ko eh, at tsaka ayaw ko ng pressure at expectations, nakakaninis nga eh, iniisip ko tuloy bakit pa ako naging anak nila, minsan nga iniisip kong baka ampon lang ako kaya iba ako eh, pero hindi eh, actually nagpatest na nga ako sa DNA gamit ang sarili kong allowance para malaman ko kung ampon lang ako, pero ang ang lumabas, malaking positive, dala dala ko ang genes ng mom at dad ko pero kahit anong gawin ko di na eexecute sa real life. Grabe buhay talaga kung alam nyo lang, pero life must go on and on and on so ayun nandito padin ako, buhay pa at ga graduate ng SHS, wow sinong mag aakala. Buhay is life ika nga. Had to deal a lot of pressures and expectations but tadaaaaa here I am, still beautiful. Jk! 



"Maam nandito na po tayo" sabi ni Manong driver

"Thank you kuya bong!" sabi ko sabay pasok sa pintuan ng bahay.

Hay finally nasa bahay na din ako. Ilang tulog nalang gragraduate na ako. Finally, home sweet home.

Pagkapasok ko sa pintuan namin agad kong napansin ang dalawang malaking maleta na nasa sala?

What?!

Sinong umuwi?

Don't tell me!

"ALEXA! KAMUSTA KANA ANAK?" sambit ng gwapo kong Daddy

"Mom, dad? What are you doing here?" sagot ko

Oh-oh, di ko gusto tong kutob ko, nooooooo please!



_________________________________________________________________


End of Chapter 1

Guys sorry ngayon lang nakapag update, sorry talaga, di ko ma propromise ang regular update kasi busy sa school eh! So nakilala nyo na ang ating bida, kaya wa gkayong bibitiw kasi we are just getting started.

Salamat! Vote comment and share!!

Darkrai <3

Study Now, Win A Date Later (The GWA Promo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon