Chapter 08

4.3K 90 9
                                    

.Chapter 08.

...

“I love you Daniel.” -Kathryn.

 ...

“Wala ka bang narinig galing kay Daniel, Mama?” ani ni Kathryn habang naglalakad parito sa kanilang sala.

Bumuntong-hininga si Mina at tiningnan ang anak niya. “Limampung beses mo ng tinanong sa akin ‘yan since nung umuwi ka. Makinig kang mabuti, wala akong narinig galing kay Daniel at John. Siguradong babalik naman yung dalawang yun. Wag ka ng maglakad diyan sa carpet ko, baka magkabutas yan.”

“I’m sorry Mama. Nag-aalala lang po ako. Saan kaya nagpunta ang dalawang yun?” sambit ni Kathryn. Pinagpatuloy niya na ang paglalakad parito sa sala.

“Wag ka ng mag-alala sa kanila, nak. Sigurado akong ayos lang sila,” wika ni Mina sa anak.

“Pero Mama...” saad ni Kathryn.

“Nak, tumigil ka na. Babalik siya, wag kang mag-alala.”

Ngumiti si Mina kay Kathryn.

Tumingin naman ang dalaga sa orasan na nakalagay sa dingding. “Hindi ko na siya mahihintay. Magkakaroon ng formal party sa school. Baka ma-late ako pag hindi pa ako gumayak.”

“Hindi ka pupunta sa party suot yan, di ba?” tanong ng kanyang ina.

Tumigil si Kathryn at tiningnan ang suot na damit. Suot niya ay isang gold lace tea length dress na may fluttery folds sa ankles niya at may suot siyang high-heeled sandals na match sa kanyang suot. Ang kanyang mahaba at itim na buhok ay nakalagay sa mga gold combs. Formal nga kasi ang theme lagi ng party sa school nila at sa pakiramdam ni Kathryn, ayos naman ang damit niya para sa okasyon.

“Ayos naman ang suot ko ah...” sambit ni Kathryn.

“Pero ang pangit ng suot mo,” tugon ni Mina sa anak.

“Ma, alam mo naman na formal ang party sa school,” pagpapaliwanan ni Kathryn.

“Formal,” kunot-noong wika ni Mina.  “Nak, kalimutan mo na yung school mo at magsuot ka ng makulay na outfits.”

“Mama, please...” buntong-hininga ni Kathryn habang nilagay ang kamay sa noo. Masyado siyang nag-aalala para kay Daniel at John at wala siya sa mood para sa mga pasaring ng ina o kahit ng party sa school.

Tumayo si Mina mula sa kanyang sofa. “Ayaw mo bang hiramin ang sapatos ko?”

Pinakita ni Mina sa anak ang kanyang neon-yellow glow-in-the-dark na sapatos niya. “Bibigyan nito ng kulay ang suot mo.”

Pilit na ngumiti si Kathryn at kinuha ang pouch mula sa table. Kahit na ganyan ang kanyang ina, mahal na mahal niya ito. “Salamat Mama, pero hindi. Ayos na sa akin ang suot kong sapatas.”

“Eh yung colored beads ko? Gustong-gusto kaya yun ni Zoren.”

Ngumiti si Mina sa kanyang anak.

“Zoren?” tanong ni Kathryn. Kumunot ang noo niya. “Ma...Sino si Zoren?”

“Zoren,” ulit ni Mina habang winawagayway ang kamay na akala mo nagpapaliwanag.

Lumaki ang mata ni Kathryn nang maintindihan niya ang sinasabi ng ina. “Wag mong sabihin si Governor Zoren ang tinutukoy mo?!”

“Oo naman nak,” sagot ng kanyang ina. “Gusto niya yung colored beads ko. Mamaya nga magde-date kami. Sasakay kami ng bike.”

Kinindatan ni Mina ang kanyang anak. “Gustong-gusto niyang naririnig ang sound ng beads ko. Pinangako ko sa kanya na susuotin ko ito mamaya.”

Rent a Girl (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon