Chapter 06

5.2K 101 11
                                    

.Chapter 06.

...

“Tingin mo ba lulunurin kita?” -Daniel.

 ...

Isang buwan na rin ang lumipas simula ng magkakilala sina Daniel at Kathryn. Sa kasalukuyan, naghahanap ang dalawa ng babae na kukuha ng award para kay Daniel.

“Pwede na kaya siya?” tanong ni Daniel habang nakakunot ang kanyang noo. Tinitingnan niya ang picture ng isang babae sa kanyang mga palad. Nandito ngayon ang dalawa sa isang theatrical agency.

“Hindi,” sagot ni Kathryn. Nakatingin rin siya sa picture. “Ang pangit ng kulay ng kutis niya. At tingnan mo, mukhang mayaman pa. Sa isang tingin mo, parang model siya imbes ng novelist.”

Napangiti si Kathryn sa sarili niya. Nakahanap niya ng rason para hindi piliin ni Daniel ang babae. Pero sa tingin ng binata sa kanya, she knew she screwed up. Parang hindi ito naniniwala sa mga rason niya.

“Kath,” panimula ni Daniel, “Halos napuntahan na natin ang lahat ng theatrical agency na alam natin at kahit yung ilang tao na nasa acting field. Ito na yung huling pag-asa natin. Lahat ata ng actress, hinahanapan mo ng mali. Wala na tayong oras. Dalawang linggo na lang, awarding na. Kailangan na tayong mamili.”

Tama naman ang binata. Kailangan na nilang mamili ng babaw. Pero hindi talaga bagay yung babaeng nasa picture para sa role. Tama naman ulit si Daniel. Parang hinahanapan niya ata ng mali lahat ng actress na pwede.

Pero kasi, hindi malaman ni Kathryn ang nararamdaman niya. Ayaw niyang may makasalamuha na babae sina Daniel at John bukod sa kanya. Nararamdaman niyang kailangan niyang protektahan ang dalawa na bigla na lang pumasok sa buhay niya. Ayaw niyang i-share ang mga ito sa iba.

“Kath! Tingnan mo yun oh!”

Hinablot ni Daniel ang braso ni Kathryn at pinatingin sa isang babae na kapapasok lang sa office ng theatrical agency na pinuntahan nila. Literal na napanganga siya sa pigura ng babae.

“Siya kaya?” tanong ni Daniel sa tenga niya.

Nanlaki ang mata ni Kathryn. Unang tingin niya sa babae, hindi ito yung tipong pang-novelist. Tiningnan niya ang outfit nito. Naka-miniskirt at sleeveless lang ang babae. Napaismid siya. Mukha itong nang-aakit kesa nagsusulat ng libro.

“Kath, tama lang ang edad niya at tama lang ang kulay ng balat niya. Ano sa tingin mo?” saad ni Daniel.

Napakagat si Kathryn sa kanyang labi. Alam niyang kailangan niyang makahanap ng magandang rason para sabihin sa binata na mali nanaman ang pinili niya.

“D-Daniel,” sabi ni Kathryn, “Tingin ko hindi siya okay.”

“Paano natin malalaman kung hindi natin siya kakausapin?” ani ni Daniel at hinawakan ang kamay niya para hilahin papunta sa babae.

“Excuse me,” tawag ni Daniel sa babae.

Lumingon naman ang babae sa kanila.

Tiningnan ng babae si Daniel mula ulo hanggang baba at napangiti ito.

“Hello,” bati ng babae sa malanding tinig.

Inirolyo ni Kathryn ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng babae.

“Miss, naghahanap kasi kami ng actress,” sambit ni Daniel.

“Well, honey, I’m an actress.”

Tinapunan ng tingin ng babae si Kathryn pero sandali lamang ito at ibinalik agad ang atensyon kay Daniel.

“My name is Janella Salvador and I’m telling you, I’m absolutely available.”

Rent a Girl (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon