Chapter 05

5.2K 96 2
                                    

.Chapter 05.

...

Alam mo, tingin ko nakita ko na ang babae para sa akin eh.” -Daniel.

 ...

“Magpalit ka na muna ng damit,” sabi ni Daniel sa dalaga. Hinablot niya ang kaliwang braso nito at hinatid sa hagdan. Umupo siya sa isa sa mga hakbang at ngumiti kay Kathryn.

“Ano? Eto ba ang ideya mo? Ang magpalit ako ng damit?” tanong ni Kathryn na nakataas pa ang kilay.

“Hindi,” tumawa ito ng marahan. “Yung ideya ko eh kung saan tayo pupunta hindi yung kung ano ang susuotin mo. Magpalit ka na kasi para makapunta na tayo sa pupuntahan natin.”

“Hindi kita maintindihan,” wika ni Kathryn.

“Alam ko. Hindi nga dapat ganito eh. Ako lang naman kasi yung taong hindi iniisip ang mga kinikilos eh.”

Nagsimula ng umakyat ng hagdan si Kathryn at iniisip na susundin niya ang mga sinasabi ni Daniel basta ba’t hindi sila makukulong sa bandang huli. Pero wala siyang ideya kung ano ang susuotin. Nung nasa tuktok na siya ng hagdan, lumingon siya sa binata, “Daniel?”

“Oh?” tugon ng binata. Nakatayo na ito at nakangiti lang sa direksyon niya.

“Hindi naman siguro tayo makukulong sa gagawin natin, di ba?” tanong niya.

Lalong ngumuti si Daniel at lalo namang kinabahan si Kathryn.

“Iniisip mo ba talaga na gagawin ko yun sa’yo? Na makukulong tayong dalawa?”

“Oo,” walang paalinlangang sagot ng dalaga.

“Pagkatiwalaan mo na lang kasi ako,” sambit ni Daniel.

“Pagkatiwalaan? Pagkatapos kayong mahuli ni Mama at makulong?” wika niya pabalik.

Nagbuntong hininga si Kathryn at tumingin kay Daniel.

“Bakit ganyan mga tingin mo?” tanong ni Daniel.

“Tulad ng?” ani niya.

“Na parang wala ako sa matinong pag-iisip?” saad ng binata.

“Hindi ba?”

“Siyempre nasa matinong pag-iisip ako. Magpalit ka na nga. Nagsasayang tayo ng oras.”

“Ano ba dapat ang suotin ko?” tanong ni Kathryn.

Ngumiti ng nakakaloko si Daniel. “Swimsuit?”

Inikot ni Kathryn ang mga mata niya. “Hindi ko na lang sana hiningi ang opinyon mo.”

Walang talagang ideya si Kathryn kung saan sila pupunta. Sana lang talaga, matapos ang gabi nila ng matiwasay.

...

...

...

“Oh, di ba! Pinag-isipan ko talaga ng matagal ito.”

Ngumisi si Kathryn. “Ikaw lang mag-iisip na mag-picnic sa beach sa gabi.”

“Pero maganda naman idea ko ah. Hindi ka magkakaroon ng sunburns, hindi mainit at romantic pag tinitingnan mo ang buwan habang nakain,” pagpapaliwanag niya.

Inilabas niya na ang mga pagkain na hinanda niya.

“May point ka naman,” tugon ng dalaga. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ito nung nasa bahay tayo? Nag-panic ako. Akala ko kung saan-saan mo ko dadalhin.”

Rent a Girl (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon