Chapter 01

25.7K 172 13
                                    

10 chapters lang ito. Mabilis ang update. Hahaha. Tapos ko na kasi ito sa fanfiction.net. Bali tinagalog ko lang. Gusto ko lang i-share sa inyo itong kwento na ito. :))) Salamat po sa mga readers ko. Love you guys! :D :*

Ang storyang ito ay puro PBB teens? Hahahahaha. Basta mabilis ang pacing.

.Chapter 01.

...

“Sinong hindi magagalit kung may kasamang lalaki ang nanay mo tapos walang suot na pantalon at walang ginawa buong araw kundi uminom ng alak at hindi kumpleto ang mga ngipin." -Kathryn.

“Kailangan ko ng babae.” -Daniel.

 ...

“Nak! Uwi agad pagkatapos ng trabaho mo hah,” sabi ni Mina sa telepono habang kausap ang kanyang anak na si Kathryn.

“May gagawin pa po ako sa school. Ang daming tambak na trabaho. Hindi ako makakauwi ng maaga,” wika ni Kathryn, sabay buntong-hininga at iniligay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.

“Ay, sayang naman...” tugon ng kanyang ina. “Pero hindi ka naman siguro male-late sa hapunan, noh?”

“Siyempre naman...” ngiti ni Kathryn, “Hindi naman ako nale-late sa hapu – Ma, bakit ang ingay diyan?”

Kumunot ang noo ni Kathryn nang marinig niyang tumawa ang kanyang ina.

“Sweetheart naman, nakikiliti ako...” hagikhik ng kanyang ina.

Sweetheart naman, nakikiliti ako...

Lalong kumunot ang noo ni Kathryn at tiningnan ang kanyang telepono na parang may sira na ito at pagkatapos ay tinanong ang ina, “Ma, may kasama ka ba diyan?”

“Oo nak! Masasabi mong, may kasama nga ako dito. Kaya nga gusto kong umuwi ka ng maaga para makita mo yung bisita ko...” sagot ni Mina sa anak.

“Babae o lalaki?” tanong ni Kathryn sa seryosong tinig.

“Lalaki...” tugon ng ina habang tumatawa. “Nak, dapat makita mo siya. Ang cute niya kahit wala siyang suot na pantalon!”

“May lalaki kang kasama na walang pantalon?” sigaw ni Kathryn.

“Tama nak. Wag mo ng ulit-ulitin,” sabi ng ina. “Ang cute niya talaga. John ang pangalan.”

“Ma,” simula ni Kathryn. Medyo nagiging balisa na siya. “May trabaho ba yan?”

“Wala nak! Wala ngang ginagawa eh. Umiinom lang sa bote kada oras,” sagot ng ina.

“Ano?!” bulyaw ni Kathryn mula sa kabilang linya.

"Kalma lang nak," sambit ng kanyang ina.

“Papaano ako kakalma kung yan ang naririnig ko galing sa’yo!” sigaw ni Kathryn. “Kailan mo ba nakilala yang lalaking yan?”

Rent a Girl (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon