Author's Note:
At dahil gusto ko ring maging character sa sarili kong istorya, ayan nakisali ako. Kahit hindi ako ang bida, keri lang. Nakiki-extra lang ang peg ko dito. Hahaha!
This is for my friend Daisy (One of My True Friends). Sana lang mabasa mo. Hahaha! *wink*
Enjoy reading!
Mwuuaah!
-Master_Anoch
Roommate
“Mom, Dad I have to go.” Mababakas ang kasiyahan sa magandang mukha ni Daisy. Hindi maitago ang excitement na kanyang nararamdaman. Kinuha nya ang kanyang malaking maleta at naglakad palapit sa pinto. Nakasunod sa kanya ang mga magulang.
“How’s your things? Kumpleto na ba? Baka may nakalimutan ka pa. Double check mo muna.” Nakangiti man sa panglabas, bakas pa rin sa boses ang pag-aalala ng ama sa kanyang anak. Nalulungkot ito sa kanyang pag-alis. Ito ang unang pagkakataon na mawawalay sa kanilang mag-asawa ang anak.
“Dad okey na po. Don’t worry. Hindi lang double check ang ginawa ko. Nakasampung check na nga ata ako, isama mo pa ang pagcounter check ni Mommy.” Nakangiting wika ni Daisy. Tumingin sya sa ina pero mabilis itong tumingin sa ibang deriksyon para maitago ang lungkot sa pag-alis ng anak.
“Naninigurado lang ako Anak. Ayokong pagrating mo roon kulang ang gamit ko. Ayokong mahirapan ka.”
“I know Dad. Don’t worry. I can handle it. Im a big girl now, remember?” Binitawan nya ang maleta, lumapit sa ama at yumakap sa bewang nito. Aminado syang spoiled sa mga magulang, at talagang malapit sya sa mga ito. Ang mga magulang ang itinuturing nyang bestfriends simula pagkabata. Sanay syang laging nasa tabi ang mga ito.
“Yeah—Yeah!”
“Mom? Are you okey?” Habang nakayakp sa bewang ng ama, inabot ni Daisy ang kamay ng ina saka ito maingat na hinila palapit sa kanya. Nasa pagitan na sya ng mga magulang. Nakayakap sya sa mga ito. Para na syang palaman dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. “Mom are you crying?”
“Nope!” hindi naitago ang paggaralgal sa boses ng ina. Lalo nyang hinigpitan ang yakap dito. Dahilan para lalong maiyak ang ina. Sobrang nalulungkot sya sa pag-alis ng anak.
“Don’t worry about me. I’ll be fine. Saka mababait naman ang mga madre roon. For sure hindi nila ako pababayaan.”
“Mag-iingat ka roon anak. Kung may kailangan ka tawagan mo kaagad kami ng Daddy mo. Kung may problema ka, pupuntahan ka namin. Ang cellphone mo, huwag mo hayaang malowbat para lagi kitang matawagan.”
“Mom! Bawal po ang cellphone during classes. Sabi ni Mother Superior lahat daw po ng gadgets including cellphone sa kwarto lang pwedeng gamitin.”
“Mag-iingat ka roon Daisy.”
“I will Dad. Can I ask a favor before I leave?”
“What is it baby?” Tanong ng Mommy nya.
“Don’t worry about me. I’ll be fine. I promise. Ayokong habang andon ako lagi kayong nag-aalala sa kalagayan ko. Trust me. Kaya ko po ang sarili ko.”
Malungkot na tinatanaw ng mag-asawa ang kanilang kaisa-isang anak habang lulan ito ng papalayong sasakyan. Solong anak si Daisy. Kaya sa kanyang pag-alis labis na nalungkot ang kanyang mga magulang.